My eyes widened and faced the back. Paano siya nakalabas?!


Inayos ko ang mukha ko. Pinukulan ko lang siya ng masamang tingin tsaka mas binilisan ang paglalakad.


"Love please.. pag-usapan natin, 'wag kang mang-iwan," he sounded stressed. Hinahabol pa ako.


Sa tingin ko wala akong kawala at hindi ko siya malalayuan kaya minabuti kong tumigil na lang. Sakto namang hinuli niya ang palpusuhan ko at pinaharap sa kanya.


"Come on Cat, tingin ka sa akin," he encouraged me.


Binalingan ko lang siya ng tingin. Ngumuso ako.


Tumutulo ang pawis niya. Mukhang hinihingal pa konti. And I can sense that he's tired. Ilang oras ba naman silang naglaro, syempre pagod siya.


Isaac sighed after reading my facial expression. "Patawad, 'di ko agad siya naitulak palayo," he whispered and pulled me closer to him. Pero tinapik ko ang kamay niya at binawi ang kamay ko.


"Paano kung hinalikan ka pa niya sa labi, edi gulat ka din at 'di nakagalaw!" akusa ko.


Bumalik ulit sa isip ko ang masayang hitsura ng ex niya habang yakap-yakap si Isaac. Naka-score siya. How annoying!


Isaac pursed his lips. Namumukha siyang batang napapagalitan. "Sorry na," maingat niyang sabi.


Tinaliman ko ang tingin sa kanya at humalukipkip. I folded my arms above my chest.


Masyado siyang cute pero 'di puwede madala ako diyan sa mukha niya.


"Kung makayap sa'yo, wagas ah. Akala ko ba casual lang kayo?"


Sinabi niya iyon dati. Nakatatak pa sa isip ko. Friends lang daw sila. Friends?! Ganun 'yon?


He nodded. "Casual lang. I don't know why she hugged me. I didn't expect to see her here,"


"Gago, nag-aaral siya dito. Malamang may chance na magkita kayo!" Singhal ko.


Ngumuso lang siya at napakamot sa batok niya. "A-ano... Kanina, nag-hi lang siya tsaka kinamusta ako. Tapos biglang sinabing na-miss raw ako, ayun, nagulat ako nung lumapit at biglang nangyakap," pagpapaliwanag niya. Parang sobrang ingat pa niya magsalita habang nakatingin sa seryoso kong mukha.


Kung nami-miss siya nung ex niya, edi may something pa din siya para kay Isaac. Baka 'di pa naka-get over. Kasi hindi ako maniniwala kung pang-kaibigan lang ang pagka-miss niya kay Isaac. A lady is a lady. Tapos si Isaac Aldereva pa ang usapan dito, syempre napakaguwapong nilalang at dikitin ng chiks, maaaring may gusto pa rin siguro 'yong modelo na 'yon sa kanya.


I massaged my temples and shut my eyes for a moment.


"Uso social distancing, sabihin mo sa kanya," untag ko.


Napatitig lang siya sa akin. Umismid ako tsaka siya inirapan at naglakad ulit palayo. I zipped open my bag while walking and took the mini towel that I took for him.


"O! Punasan mo pawis mo!" Padabog ko iyong tinampal sa dibdib niya, sinabayan kasi ako sa paglalakad. Agad niyang hinawakan iyon at sinunod ang sinabi ko ng walang pag-aalinlangan. Isaac wiped his sweat while catching up with my fast pace.


Inilabas ko na rin 'yung bottled water ko at ibinigay iyon sa kanya. Isaac took it and drank from it. Mabilis pa akong nag-iwas ng tingin dahil nakakaakit ang paggalaw ng Adam's apple niya habang umiinom.


The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now