Chapter 6

83.7K 2.5K 274
                                    



Chapter 6: the threat
🥃

Catalya
I gritted my teeth. Para akong tigreng lalamon ng tao habang nakatingin sa kisame ng kuwarto ko. Gigil na gigil ako! At sa gigil ko, ibinato ko ang unan sa pader na nasa harap ko. "Buwisit na Kasalanan ka! Ang gago gago mo! Ang lakas ng loob mong sirain ang date namin ni Julius! Walang hiya ka talaga!" Sigaw ko at ginulo ang buhok ko sa galit.

Nang bitawan niya ako, inirapan ko siya. I told him that he does not have any right to dictate what I would do, then I left him and drove my car here.

Kung gusto kong kasama si Julius, wala na siyang pakialam doon! Sino ba siya? Anong tingin niya sa sarili niya? Santo? Diyos? He's nothing but a piece of sin who wants to make my life a living hell! I'll do whatever I want! Whatever I please to do!

"Close ba kami? Hah?! Close ba kami?!" Tanong ko sa pader at nang walang makuhang sagot ay binato ko ng isa pang unan.

"Fuck that Viking..." bulong ko at kinuha ang phone ko para tignan ang notif na nag-pop.

I bit my lip when I saw Julius' name. Agad kong binuksan ang message niya.

Julius Baby:
Nakauwi ka na ba? I'm worried. Please reply quickly.

Napapikit ako ng mariin at muling minurahan sa isip ko ang gagong nambulabog ng buhay ko kanina. May pahawak pa siya sa baywang ko! May pahalik pa sa sentido ko! And worst, sa leeg ko pa! Nak ng manok!

Like who the fuck is he to me to do that?! He's nobody! Practically nobody! He's just a damn good basketball player that I watch whenever Patricia invites me to join her watch their practices and games! He's no one but a scary and dangerous man who can burn you with just one stare! I know it because I know a lot of people who is scared of him. Maraming takot sa mga Vikings. Takot na nga sila, hinahangaan pa rin nila! See how fcked up that is?


Hinalikan ako sa sentido at leeg tsaka hinawakan ang baywang ko! Germs! Kung hindi lang ako kinabahan, baka nasipa ko na bird niya kanina!

Umingos ako at napagdesisyunang i-video call si Julius. Wala pang dalawang ring nang angatin niya. Tumambad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha niya.

"Okay ka lang ba?" He asked like a kid and I nodded.

Bumuntong hininga siya. Yung tipo na parang may mabigat siyang dala. Habang ako naman, hinahangaan ang mukha niya. Looks like he just got home. Naka-uniporme pa kasi at medyo nagulo ang buhok. But he still looks fine.

"I'm sorry I couldn't do anything, Catalya" paghihingi niya ng tawad kaya napakurap ako.

"I wanted to take you from him. I wanted to remove his hands on you. I wanted so bad to just pull you to me and run but...." he sighed heavily and couldn't get to finish his statement. But he got scared... he knows what that man can do. He knows his background of being a great fighter. He knows how sinful that guy can be. And I understand his perspective, he's scared.

Napakagat labi lang ako. "Gusto kita, Julius"

Kita ko ang pagkabigla niya. Muntikan pa niyang mabitawanang phone ko. "A-ano?"

Ngumisi ako at umayos ng upo. "Hindi pa ba obvious? I like you too. I don't know when it started but I got fond of you" kibit balikat ko at napahagikhik nang makita ang nakaawang niyang bibig. "T-talaga? Walang biro?" He asked, there's that tone in his voice that he wants to confirm it again.

Tumango ako. "Yup!" I smiled while staring at his face on my phone screen. Gwapo talaga siya para sa akin.

But Isaac is hotter, sexier and more handsome than him! Napakunot ang noo ko sa biglang paglitaw ng ideya na iyan sa utak ko. What the hell is wrong with my mind and brain?

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon