Chapter 21

76.5K 2.5K 386
                                    



Chapter 21: Isaac 2.0
🥃

Catalya

"Ha?"

Naguluhan ako sa sinabi ni Isaac ngunit si Zarena at Patricia sa tabi mukhang intinding intindi nila ang narinig.

"Huminga ka naman daw! Para kang tumigas jan!" Pansin ni Patricia sa akin pero umiling lang ako at tinignan ang gawi ni Isaac.

He waved a hand at me before focusing his attention on the game. Naging seryoso ang mukha niya at tumalim ang mga tingin. I noticed that he said something to his teammates who only grinned and uhm...  mocked him? Hindi ko kasi alam pinag-uusapan nila kasi medyo malayo siya.

The game continued. At sa bawat paglipas ng minuto, umiinit ang laban. Leo was getting frustrated each time na si Isaac ang tumatapat sa kanya. I noticed that Leo was also trash talking Isaac who did nothing but ignore him.

The game was getting fired up. It was getting intese. Pero napansin ko na mabilis nakabawi ang Vikings. Lalo na si Isaac.

"Another three points shot by Aldereva! He's playing this game people!" Sigaw ng announcer kasabay ng hiyawan ng mga tao.

"Naniniguro nga si Isaac! Tignan mo oh! Ang layo na ng gap! Byebye date-with-Leo!" Tawa ni Zarena pero natahimik lang ako habang pinapanood ang papinagpapawisang si Isaac. He was keenly observing the motions.

Palagi rin siyang nakaka-shoot kaya mabilis silang nakahabol. Almost all the Vikings are really working as one. Kaya sa huli, sila ang nanalo.

"Panalo ulit! Game 1 conquered! Yas! Yas!" Tuwang tuwa na sigaw ni Patricia at punalakpak pa. Zarena was also smiling widely while staring at the Captain.

"Putcha! Bakit natalo?!" Napatingin ako sa kung saan galing ang boses na iyon. It was Leo who looks so disappointed and annoyed.

Lumapit siya sa railings at tiningala ako. "Natalo kami," he said. I nodded. I don't know kung ico-comfort ko ba o hindi.

"No date. But at least you did great with your team," pa-safe ko na lang na sabi at nakita ang pangngiti niya. "I like you already," he said.

Umiling ako. "Infatuation lang yan. Mistaken infatuation. Bukas, magbabago isip mo," saad ko at natawa sa isip ko.

Leo laughed. "I doubt that. Puwedeng deal ulit tayo sa game two? I really like to take you out on a date," he was looking at me pleadingly. Pero hindi gumagana sa akin e.

Ngunit bago pa man ako makasagot, namataan ko si Isaac na umiiwas sa mga nagpapa-picture sa kanya. He looked at me before rejecting his fangirls then walked towards my direction. I saw how his forehead creased when he saw Leo below the railings, talking to me.

"Sige na, Ms. Marquez. Isang date lang naman, pagbigyan mo na ako. One date," Leo begged.

Pero tumigil siya nang tumabi sa kanya si Isaac. "Date mo mama mo," he mocked Leo.

Napanganga ako dahil doon. Si Leo naman ay natigilan ngunit biglang umusok ang ilong kalaunan. But Isaac only smirked at him.

"Bakit? Sino ka ba? Boyfriend?" Hamon ni Leo.

Isaac's smirk faded. Tumutulo ang pawis sa sentido niya, halatang pagod na. Sumeryoso bigla ang mukha niya. "Ikaw, sino ka?" He answered back at Leo before looking at me.

Sina Za at Patricia, tahimik sa tabi habang hinihintay ang mga jowa nila. But they are surely eavesdropping! Kaya parang nagpipigil sila ng mga ngiti!

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon