Chapter 18

73.6K 2.5K 226
                                    



Chapter 18: pagkakataon
🥃

Catalya

The moment I stepped inside my room, I knew there was something different.

Tumigil lang ako sa paglalakad nang mapansin ako ng mga kaklaseko. Kumunot ang noo ko dahil nagkukumpulan sila sa upuan ko. "Anong meron?"

"Si Catalya luma-lovelife!" Sigaw ni Luis.

"Ayieee si Marquez may manliligaw! Ang tamis naman!" Segunda naman ni Patrik at natawa.

"Kanino galing? Sino ang secret admirer mo, sis?" Jelene.

Nagsimula silang manukso pero hindi ko parin gets kung ano ang dahilan kaya hinanap ng mga mata ko ang dalawang kaibigan ko. I saw them sitting at the end corner while looking at me with wide grins, oh boy..

"Nakakakilig naman! Sino siya? Hihihi" hagikhik ng isa bago sila tumabi para makadaan ako. My eyes automatically fell to the bundle of white roses on my table.

"May pasingit na letter oh!"

"Basahin mo na Catalya! Kakaexcite!" Ako nga di excited. Grabe toh.

I looked at the girls swooning around me and gave them a knowing look. Ngumuso naman sila at isa-isang lumayas sa paningin ko.

"Hoyyyy!" Tawag ni Zarena at naupo sa upuan sa tabi ko. Si Patricia naman, naupo sa lamesa na nasa harap ni Za at ngumisi.

She pinched me on the the arm so I glared at her. "Tigil," I warned but she just pouted on the letter on top of my table.

"Para sa akin nga diba? Di niyo puwedeng basahin," baka kung ano pa ang laman nito. Ano?

"Sus! Mabubunyag din kung ano yang sekreto mo na yan! Anong pangalan ng secret admirer mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Tumawa si Za. "Di yan magsasalita. Tinatago niya yung bebe niya hahaha" she chuckled so I glared at her too.

I looked at the boquet of flowers and moved it to the side. "Mas okay pa kung alak binigay sa akin, hindi bulaklak. Anong gagawin ko jan e mamamatay din naman?" Iling ko tsaka tinago sa bag ko sa sulat. Ngunit napako and tingin ko sa papel na nakasabit sa ribbon ng bouquet.

There were initials. I.A.

Pinilig ko ang ulo ko at umiling nang may taong pumasok sa isip ko. Probably not from him. Iba siguro.

Lunch na nang umalis si Za kasi sasabay kay Luke kumain. Si Patricia naman, may importanteng nilakad. Tungkol ata kay Tita, mommy niya.

"Mag-isa ko na naman. All by myself," I sighed heavily before walking out of the room. Pero tumigil ako nang makita ko si Isaac na nakasandal sa pader at nakatingin sa sahig. Halatang ang lalim ng iniisip. His hand was on his pocket. Napapatingin pa sa kanya ang mga dumadaan dito sa hallway. Kinikilig tapos pinipigilang tumili.

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko at akmang aalis na sana nang mag-angat siya ng tingin. He quickly fixed his posture when he saw me.

I tightened my grip on my bag, holding his gaze.

"Uy Cat! Papasa ko sa'yo mamaya yung report ko! Sabi kasi ni Sir Depp ikaw raw magco-collect," napabaling ako sa kakalabas ng klasrum na klasmeyt ko sa sinabi niya. "Sige ba" sagot ko at napansing nakanganga na siya habang nakatingin sa lalaking nasa harap.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now