Chapter 19

76.6K 2.5K 384
                                    


i don't know what the problem is. Pero hindi raw sila maka-comment sa chapter na ito kaya inulit kong pinublish. Let's see if it works. Error si wattpad eh.

Chapter 19: groceries and sweets
🥃

Catalya
Hiwalay ulit kaming umuwi ng mga kaibigan ko. Sila, kasama nila mga boyfriend nilang umalis. May kanya-kanya ata silang date. Ako? Diretso ako uwi sa dorm.

Perks of being single? Tch!

I sighed heavily when I got inside my unit. Binalik ko ang susi sa bag tsaka iniwan iyon sa sofa. Pati na rin yung mga bulaklak na bigay ni Isaac.

"Sana, alak na lang binigay," nguso ko.

"Catalya anak!"

Malakas akong napamura at napaupo sa sofa dahil sa sigaw na biglaan kong narinig. I looked at my mom with wide eyes. "Mommy!" I gasped. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nanggugulat?!"

Ngumiti siya ng pagkatamistamis. "Nag-text sa akin si Pat. Sabi niya, wala ka na raw pagkain sa ref mo kaya pinuntahan kita dito. Bumili na ako ng karne, gulay, dinagdagan ko na rin yung bigas mo. Pero hindi pa ako nakakapag-grocery kasi gusto ko kasama kita para extra bonding na din. Na-miss kita, I wanted to stroll a store with you," pagpapaliwanag ni Mama na unti-unting nagpangiti sa akin.

Kahit umuwi akong pagod, gumaan ang loob ko sa masayang mukha ni Mommy na nadatnan ko dito. "Thank you, ma," lumapit ako at yumakap sa baywang niya. Tatlong salita lang ang sinabi ko ngunit makahulugan na iyon.

She hugged me tighter and kissed my cheek when we broke away.

"Usap muna tayo. Alam kong may problema ka," nagulat ako sa sinabi niya ngunit tumango pa din ako.

"Alam kong wala ako sa lugar mo para maramdaman ang nararamdaman mo ngayon," she said. I told her that a person did terrible things to me. Sabi ko kay mommy na hindi ko ata kayang patawarin ang taong iyon kasi mahirap kalimutan ang ginawa niya. But I did not mention anything about Isaac's name and what he did.

Pinagsaklop ni Mommy ang mga kamay namin. "Galit ka sa taong iyon, nakikita ko sa mga mata mo. Pero masamang magtanim ng panghabang buhay na galit sa isang tao anak. Maaapektuhan lang ang kalusugan mo at ang buong sarili mo. Anger is an evil in the world we live today. And holding onto anger is like drinking poison and expecting the other to die. Sisirain ka lang ng galit. Hindi lang ikaw kundi pati ang ibang tao, 'nak"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa narinig na sinabi ni Mommy. She's right. Masama ang magalit ng sobrang tagal kahit pa ano ang dahilan. God forgave us first, so we should also learn how to forgive,

"Did that person apologize?" Tanong niya kalaunan.

Tumango ako. He did. He said sorry for how many times. And I know it was pure. I know he was sincere. "Opo, ma"

Ngumiti si Mommy. "The first to apologize is the bravest. The first to forgive is the strongest. But the first to forgive is the happiest.." aniya at humalik sa pisngi ko. "When you forgive, you free yourself from being a prisoner of your own emotions and feelings. You forgive because you can. You're Catalya Marquez, I know you can make things work the way it should be," marahang sabi niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at mahigpit siyang niyakap.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now