Chapter 27

84.5K 2.8K 290
                                    




Chapter 27: drunk in...
🥃

Catalya

"WE ARE THE CHAMPS! WE OWN THE GAME! GO VIKINGS! GO VIKINGS! GO GO GO VIKINGS!"

Nakisabay ako sa malakas na pag-ingay ng mga Weston students.  It's the game 2 of the finals already. Marami na namang naka-kulay royal blue na jersey para suportahan ang players ng Vikings. 'Yung iba naman naka yellow... supporters ng Galores players mula sa East High.

"Miss Marquez! Hi!" Napukol ang tingin ko sa lumapit sa railing sa ibaba na tinitingala ako.

It's Leo, the arrogant player of the other team.

Sinenyasan niya akong lumapit para makausap siya ngunit umiling ako. Kusang hinanap ng mga mata ko si Isaac na busy sa pakikinig sa sinasabi ni Coach Stanford. I smiled at how serious he looks. Like all the members of the Vikings, there's focus written on his face. This wasn't a time for any jokes. Ganito lagi ang Vikings. Kapag sa court, seryoso sila sa paglalaro. They're all dedicated to win. All of them have one goal... to bring home the trophy, again.

After game 2, sa East High naman sunod na venue. Game 3 and 4 will be held there. Hingi nalang ako ng ticket kay Isaac... well, kung bibigyan niya ako?

"Catalya come on! May gusto lang akong sabihin!" Sigaw niya dahil ang lakas ng ingay dito sa gym.

Kita kong napapadako na naman ang ilang mga tingin ng madla sa amin dahil dito kay Leo na namimilit makipag-usap.

"Girl, dedikadong makausap ka," Zarena jested.

I sighed. "Ayokong kausapin," saad ko at napipilitang tumayo. Bibilisan ko para matapos na kasi mukhang wala siyang balak tumigil hangga't sa hindi ako lumalapit. Kung di ko lalapitan, baka mas madami pa mapatingin sa direksyon namin. I don't like attention from people.

"Masaya akong nakita kita ulit," sinabayan niya iyon ng ngiti. "May lakad ka ba mamayang gabi?"

I tucked the loose strands of hair that fell on the side of my face. I gave Leo a knowing look.

Huminga ako ng malalim. "Look here Leo. It's nice if we remain casual. I' m not interested in hanging out with you. I hope you understand that," I cleared.

Probably better to tell him straight away than start giving him hopes. Nanliligaw na si Isaac. I don't want another suitor, sa totoo lang.

Nakitaan ko ng disappointment ang mga mata niya. But he tried to smile though. Inayos niya ang damit niya tsaka tumango.

"Wow. Hindi pa ako nag-uumpisa, basted na agad," tumawa siya tsaka ako nginitihan.

"Find another girl, better than me. Baka nasa paligid lang,"

Leo shook his head. "Sayang naman. Ikaw gusto ko e, pero nirerespeto ko ang gusto mo," he brushed his hair back using his fingers.

Tipid ko siyang nginitihan. "You're not that bad naman pala. Cheer na lang kita,"

Ngumisi siya. "Gusto ko 'yan. Pero 'wag mong sobrahan, baka may mainis na naman sa akin na player niyo at puruhan ako sa laro,"

I didn't get what he said but I just smiled at him when he gave me a thumbs-up while drinking in his own bottle from afar.

Halos maalis na ang bubong ng gym dahil sa lakas ng sigawan ng dalawang partida. Even the audience are competitive!

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora