Chapter 28

85.3K 2.3K 332
                                    

:)


Chapter 28: reminder
🥃

Catalya

"Umalis ka na kasi! Pinagtitinginan na tayo!" I pushed Isaac but he dodged it and pulled me by the waist.

Hinatid kasi niya ako dito sa classroom. He even held my hand while we walked the hallways for pete's sake! All the students in law department were surprised, shocked, speechless and were whispering while looking at the Viking who was walking proudly beside me.

"Then let them. So they know that you own me now," ibinigay niya ang bag ko na hawak niya.

"Anong own own ka riyan! Hoy tigil na sa paghithit ng droga! Alis ka na nga!" Pagpapalayas ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

Tawa pa! Kaya maraming kinikilig sa tabi tabi e!

"I can't come see you during break. But I'll wait for you during lunch. Para sabay tayong kumain,"

Umiling ako nang maalala ang napag-usapan namin nila Pat. "Sorry but I'm not available during lunch time and break. Friends time kasi,"

He scrunched his nose like a kid. "Oh e diba sabi mo rin friend mo rin ako noon? Sama ako!"

Patang bata.

Sarcastiko ko siyang nginitihan. "Akala ko ba boyfriend na kita? Gusto mong maging kaibigan lang ulit?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Sumimangot siya. "Fine. Akin ka pagkatapos ng klase," Isaac said, defeated.

I just placed the sling of my bag on my shoulder and raised my chin. "Okay na, tapos na usapan. Byebye na!" Ipiniling ko ang ulo ko sa gilid bilang senyas na umalis na siya.

The whispers I'm hearing around turned louder.

"Ms. Marquez! Ano mo ang hot na Viking player na 'yon?!" Katriza squeled when I walked to my seat.

Hindi ko kaklase sila Za at Pat sa sched ko ngayong umaga.

"Si Catalya may sinisikreto! Nanliligaw ba? O sinagot mo na?" Kilig na kilig na tanong pa ni Cecilia.

"None of your business,"

They laughed. Sumingit rin sina Lim at Ace. "Sige mag-acting na lang kaming wala kaming alam kahit halata namang kayo na!" Ace mocked.

Sinapo ko ang mukha ko dahil namumula na ang pisngi ko sa hiya. "A-ano ba! Magtigil nga kayo," suway ko.

Nag-apir lang sila ni Lim. Sina Cecilia at Katriza naman ay tumili. "Inggit kami! Crush na crush ko pa naman 'yon!" Halakhak ni Katriza.

Dapat 'di na niya sinabi. Crush? Pakain ko sa kanya salitang crush e!

"Tatahimik na kami. Baka gulpihin pa kami nung boypren mo kapag nainis ka haha. Katakot pa naman si Isaac," saad ni Ace at hinatak si Lim paalis sa gawi ko.

This is what I'm saying. Someone tends to be a center of attention and the talk of the town once involved with a Viking. And that someone... I am one of 'em.

Pumorma ang isang ngisi sa labi ko nang makita sina Za at Pat na naghihintay sa akin sa labas ng classroom ko.

"Special ka? Ikaw pa inantay namin!" Bungad agad ni Pat na nakasimangot.

"Special Pusa," tawa ni Za kaya sinimangutan ko siya.

"Sa'n tayo kakain? I want something spicy since it's a little cloudy today. Kayo? Anong gusto niyo?" Patricia asked. Binuksan ko saglit ang bag ko para i-check kung inilagay ko ba roon ang book na binigay sa akin ni Katriza kanina.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon