Chapter 4

90.2K 2.5K 154
                                    



Chapter 4: the number
🥃

Patricia

Nalukot ang mukha ko nang makita si Catalya na hinihingal makabalik sa upuan niya. O, napano siya?

"Hoy pusa! Ba't ganyan mukha mo?! Para kang nakakita ng multo!" Puna ko pero ang gaga nagbubulong ng puro mura. Malakas naman pandinig netong kaibigan ko pero mukhang nasa iba ang isip. Lumilipad sa era na di ko alam kung nasaan. Anyare dito?

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya dahil mukha siyang nababalisa. What's wrong ba kasi?

She took her bag and hung it on her shoulder before looking at me and Za. "I need to go now. May pupuntahan pa kasi kami ni Mommy"

"What the hell?" Nakangangang bulong ko nang talikuran na niya kami at natatarantang naglakad paalis. At nang nasa pintuan na siya ng gym, akmang lalabas na sana, napasapo ako sa bibig nang mabunggo niya ang isa sa mga Vikings! Oh my...


Catalya

Mahina akong nagmura nang may makabangga ko ang isang matigas na katawan. "Aray shit!" Mura ko. Kasi naman! Dahil sa pagkataranta ko, di na ako tumingin sa dinadaanan ko!

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdamang nakahawak sa baywang ko ang kung sino mang nabangga ko. Nasa dibdib niya ang mga kamay ko at suportado niya ang likod ko kasi muntikan na akong bumagsak.

Di ko sinasadyang mapasinghot sa amoy niya. Ang bango! Shet! Panlalaking panlalaki pero ang bango!

To be honest, mas pipiliin ko ang lalaking mabango ang amoy kesa ang may abs pero mabantot naman. Real talk.

I felt him tighten his hold on me. "You okay?" That baritone voice made me seriously shiver. Ang lalim at nakaka-ano...

Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at nag-angat ng tingin. But I did not expect what met my eyes! "Putangina times two," agad ako lumayo sa kanya.

It's the fucking sin!

My eyes widened while looking at his poker face. Seryoso ang mukha niyang nakatingin ng diretso sa akin. Walang salita. Walang pag-iiwas ng tingin. Tanging ginagawa niya lang ay titigan ako! And that seriously made my knees jello!

Lupa naman kainin mo na lang ako! Hindi yung ganito na tinakbuhan ko na nga kasi nahuli niya akong nakikinig sa usapan nila ng ex niya, e makakabunggo ko pa!

Jusko ho!

"S-sorry.." I just mumbled before pushing the damn door open so I could exit myself quickly. Agad akong naglakad palayo sa gym, at nang makarating na ako sa kotse ko na nasa parking, pumasok ako at napahawak sa dibdib ko.

Ang bilis ampotek!

"Why are you beating so fast?! It's not normal..." sikmat ko sa sarili at isinandal ang ulo ko sa headrest ng kotse. Hindi pa ako nakuntento at napasuntok sa steering wheel. "Lintik naman Marquez! Di ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo e! Yan tuloy!" Singhal ko sa sarili ko tsaka na pinagana ang makina at hinila ang kambyo.

I hope that's the last time I'll ever be near to that man! Because he's seriously scary for me!


Patricia

Napatitig ako sa player number 21 matapos lumayo si Catalya sa kanya at tumakbo palabas ng gym. Oo! Kitang kita ng dalawang mata ko ang nangyari! I'm not sure kasi kung tama ba ako o hinde pero noong last week ko pa napapansin ang kakaibang pagtitig ni Isaac sa kaibigan ko.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now