Chapter 11

72.4K 2.2K 157
                                    



Chapter 11: his play
🥃

Catalya

I like Julius.

But the Viking keeps on bothering me.

He keeps on taking my senses away.

He makes sure he has my attention.


Why did the world let him take part of my own life? Why did the universe allow a devil to haunt me down?

If this is fate, I don't want it. If they say it's destiny, then fuck destiny. If it is a coincidence, I don't believe that.

Napakagat labi ako nang makita dumako sa akin ang tingin ni Isaac tsaka siya ngumisi at tumira. Agad iyong pumasok sa ring at nakapuntos siya ng tres.

Sure I am pretending. Kasi alam kong nakakahalata na sina Zarena at Pat. Kasi naman! Panay tingin ang gago sa akin. Pati tuloy yung ibang mga estudyante ay nalilito na at nagbubulungan sa kung sino ang tinitignan niya. Sumusulyap ang iba sa puwesto ko tsaka mapapasinghap na lang. May narinig pa akong nagreklamo kasi bakit daw panay tingin ang Viking crush niya sa akin!

Hello! Kasalanan ko ba? Kung puwede nga lang, umalis na ako dito at makikipag-date na lang kay Julius! Kung hindi lang ako binantaan ng gago na pahihirapan niya yung lalakeng gusto ko!

They're probably not even informed to how evil Isaac is!

Umingos ako nang makatira ulit siya. Feelingero! Nagyayabang pa!


Seven

Nakatira na naman!

"Buwsit! Ano ba ang kinain mo at tira ka ng tira?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Isaac na umiling lang. Punyemas, ilang beses na siyang naka-three points!

Tinapik ni Brix ang balikat ko at umiling. "Baka may tinira kagabi!" Barumbadong saad niya at humalakhak pero sinamaan siya ng tingin ni Aldereva. "Shut the fuck up. It's not funny," bored na sabi nito kaya nagkatinginan kami ni Vontelardo.

"Galit?" Tumawa ako.

Si Brix naman ngumisi. "Ilan ba natira mo kagabi, bro?" Makagagong tanong pa niya kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Aldereva tsaka nag-iwas ng tingin.

Muntik nang makuha ng kabilang team ang bola pero binantayan ni Kap at ipinasa kay Isaac na agad sinalo. He dribbled. Pagkatapos pinasok sa ring.

Shet!

Pagtingin ko kay Kap, nakakunot ang noo niya. Marahil nalilito kung bakit sunod sunod ang tira ngayon ni Aldereva na para bang may pinapahanga. Yung tipong nagpapasikat para sa babae! Yung ganon.

Pero wala namang babae ang gagong ito. Wala siyang sineseryoso kaya imposible na babae ang rason.


Catalya

"Ako lang ba ang nakapansin o hinde? Why does Isaac keeps on glancing at our direction?" Tumigil siya at napasinghap habang nakatingin sa court. Sinunod ko ang tinitignan niya at napairap nang makita si Isaac na nakatingin ng diretso sa akin. He smiled before getting his attention back at the game.

Patricia looked at me with confusion. "He's looking at you!" Paratang niya.

Kumurap ako. "No he is not. Namamalik mata ka lang" pagdadahilan ko ngunit hindi umepekto dahil sumali si Za sa usapan. "Yes he is. Kaya nagseselos ang mga fans niya sa'yo. Kita mo? Ang sama nila makatingin sa'yo o!" Panghuhuli niya.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon