Chapter 1

183K 3.3K 235
                                    


Chapter 1: Marquez
🥃

Catalya

"Come on Marquez. Don't be a damn killjoy"

Tinaasan ko ng kilay ang pinsan ko na nambubulabog dito sa bahay. Nag-aaya siyang mag-bar pero wala ako sa mood. Marami pa akong kailangang tapusin na cases.

He took the pen from my hand and played with it. "Kapag hindi mo binitawan iyan, isasaksak ko yan sa baga mo. Masyadong mahal yan para lang bumaon diyan sa malandi mong baga" mataray na sabi ko kay Kian na natawa naman,

"Kaya hindi ka nakakaboypren e! Ang sungit mo kaya walang pumapatol sa'yo!"

Nambabadtrip ba 'to? Because if yes, it's definitely working!

"Out of my room now, Kian Corden Lastarega" banggit ko sa buong pangalan niya para alam niyang seryoso ako. Tumalab nga dahil binalik niya ang ballpen ko sa lamesa at itinaas ang dalawang kamay. "Chill babe! Masyado kang hot!" Tawa niya tsaka mabilis tumakbo palabas nang umayos ako ng upo at akmang aabagan siya.

Pasakit talaga ng ulo ang walang hiyang iyon!

I palmed my forehead when Kian finally left my room. Walang gana akong tumingin sa mga papel na nasa lamesa ko, yung makakapal na libro na binabasa ko, at sa laptop kung saan ko ginagawa ang sarili kong report.

I never liked law. I never planned on being an attorney, one thing that my friends never knew. Pinasok ko lang ito dahil alam kong ito ang gusto ni Papa. I wanted to be an architect but he wanted me to be an attorney. Ayoko lang na masaktan si Papa kaya pumayag na lang ako. But my Mom always knew what I wanted. She supported me but I just said that for my father's sake, I'll be an attorney.

Suki si Dad ng heart failure. Hanggang ngayon, wala pa rin kasing fit sa kanya na puso tuloy na ang operasyon niya. Pero wala e, walang heart donor. We're still waiting.

I must be a coward. I'm a coward for not choosing my dream course. Why? I'm afraid that if I choose architecture, my dad's health would be affected. That if I choose my dream, I'd lose my dad. Magagalit siya at baka magkaroon lang ng kumplikasyon sa puso niya e hindi pa siya maaaring operahan kasi wala pang puso na ipapalit sa puso niya.

Mapakla akong ngumisi. Duwag nga siguro ako.

Pangarap kasi ni Papa na maging abogado ako sa kadahilanang pareho silang abogado ni Mommy. Kaya imbes na architecture ang college degree na kukunin ko, pre-law ang pinasok ko. Saklap diba?

Napasabunot ako sa sarili buhok saka dinampot ang phone ko sa bag ko nang mag-ring ito.

"O?" Tamad kong bungad.

"O? O?! Anong O?! Catalya asana ka ba? Nandito ako sa labas ng dorm mo pero wala ka?" Pinigilan kong huwag matawa dahil sa pananalita niya. Kahit wala siya sa harap ko ngayon, alam kong nakapameywang siya at dinuduro ang hangin.

I tied my hair in a messy bun. "Nasa bahay ako. Hindi ako makakauwi riyan sa dorm mamayang gabi. Kailangan kong samahan ang mga pinsan ko kasi bumisita sila" imporma ko sa kanya tsaka sumimsim sa kape ko.

It's approximately 6 pm already.

"Ganun ba?"

"Yes"

"Okay"

Mahina akong natawa sa usapan namin. "Sige na. I'm hanging up since our dinner's ready. Tell Za I said hi and both of you should eat supper well" asik ko saka na nagpaalam at tinapos ang tawag.


The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon