◇CHAPTER 4◆

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumatok ako.

Binuksan niya ang pinto,bumungad agad sa akin si Shawn,nakasuot ito ng sando at boxer short.napatingin agad ako sa hugis ng braso nito.araw-araw ko na lang yun nakikita sa tuwing umaga at hindi ko parin maiwasan magandahan sa braso nito.

"May kailangan ka ba?"

Tumigil ako sa kakatingin doon at bumalik ulit sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Pwede ba kita makausap?"

"Sure,ano yun.."

Tumingin ako sa loob.nalaman ko nagpapatunog siya ng music.

"Ayaw mo ba ako papasukin?"

"Bakit?mag-usap tayo dito"

"Baka marinig tayo ni Tito"

"Bakit ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo marinig ni Dad?alam niya naman kung sino ka"

"Hindi tungkol sa akin ang pag-uusapan natin"

"Tungkol saan?"

Kumunot na noo ko sa ginagawa nito,alam ko na may ideya ito pero naririnig ko sa tono nito na nagpapanggap lang siya na walang alam.

"Alam mo kung tungkol kanino ang pag-uusapan natin".

"Kaya nga nagtatanong ako diba?"

"Bakit ka nagsinungaling?"

Hindi siya nakapagsalita"Bakit kung sinabi ko ba ang totoo may magbabago ba?at bakit ka ba concern sa probelama namin ni James?tinutulungan kita sa ginagawa mo pero ayoko ng tulong mo kung may problema ako kay James"

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa tuwing kinakausap kita tungkol sa problema mo,sinusubukan ko lang tulungan ka"

"Pwes,hindi ko kailangan ng tulong mo"narinig ko na ang inis sa boses nito.

"Hindi ko alam kung ano nangyayari sayo ngayon pero sana naman..huwag mo itaboy ang gusto tumulong sayo"sabi ko pa.

"Hindi mo man lang ako tinanong kung kamusta ako?hindi mo tinanong kung totoo ba ang sinabi niya?naniwala ka agad kay James"

"Narinig mo kami?"

"Oo,narinig ko kayo,lahat ng sinabi ni James narinig ko"

"Bakit ba kasi hindi mo sabihin kung meron problema sayo,kaibigan kita Shawn at kasama palagi pero pakiramdam ko may tinatago ka sa akin,bakit kailangan ko pa malaman sa iba?"

Tumango siya"Tama ka,bakit nga ba?dahil hanggang ngayon nakokonsensiya ka parin sa nangyari sa inyong dalawa ni James,pinipilit mo sarili mo na unawain siya at ayusin lahat kahit alam mo naman may mali sa kanya"

"...."

Tinignan ko lang siya,hindi ko inaasahan na marinig iyon sa kanya.Akala ko ayos lang sa kanya ang ginagawa ko.akala ko ayos lang sa kanya na unawain ko si James.

Pinigilan ko ang sarili na huwag masaktan sa sinabi nito,bumuntong hininga ako habang tinitignan siya.

Tinalikuran ko siya..

huminto ako sandali nang marinig ang pamilyar na tunog,tinignan ko ang relo ko na binigay sa amin ng DSO.Nagtaka ako kung bakit berde ang kulay ng ilaw,patuloy na lumilitaw ang ilaw tapos namamanay agad.

"May humihingi ng tulong"

Tumingin ako kay Shawn,hawak na rin nito ang relo.

"Gilbert.."

*******

-Gilbert

Hinawakan nito ng mahigpit ang damit ko at tinignan ako,tinignan ko din siya ng seryoso.Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng maskara.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon