CHAPTER 27

7 0 0
                                    


Habang nasa byahe pabalik sa Iloilo ay pareho kaming tahimik ni Louhan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at inalala ang magandang  naidulot ng pagpunta namin sa Antique.

Panatag ang loob ko na malamang ligtas si Ate Rossy, kahit na nagtatago man sila ay ayos lang. Ang mahalaga ay malayo sila sa kapahamakan.

Suminghot ako at pinunasan ang luha sa mga pisngi ko. Bukod sa kaalamang iyon, natuwa rin akong malaman na ang babaeng tumulong kay Ate Rossy ay si Aya.

Ang sabi ni Lola Olay ay maputi, may katangkaran at kulot na kulot ang buhok ang babaeng pumunta sa bahay nila. Siguradong si Aya 'yon. At masaya ako sa tulong na ginawa niya. Nailayo niya sa kapahamakan si Ate Rossy.

"You okay?" tanong ni Louhan.

"Oo, masaya lang ako. Ikaw, mukhang kanina ka pa tahimik. Pagod ka na ba o dahil ba um-absent ka?"

"I'm glad you are happy and no, I'm not tired nor thinking about school."

Nadaanan namin ang school at nakikita ko ang mga nakahilerang monobloc chairs at set-up stage na hindi pa tapos. Kitang-kita iyon mula rito sa labas.

"Next week na pala ang Gradution Ceremony. I'm sorry to keep you here imbes na naghahanda ka."

"I better be kept in something useful. Wala na namang gagawin dahil tapos na ang klase. Kaunting aasikasuhin na lang."

"Ako rin." Hindi nga lang konti. I already received a few private messages from my professors.

"Dito ka pa rin ba magte-third year college?"

I pursed my lips. Honestly, I haven't thought of that. I've been really occupied by all the incidents minsan iniisip ko na lang na tumigil na muna. And so, I can't answer him.

What happened was a chaos. Wala na ang inakala kong mga tagapangalaga sa mansyon—wala na si Ate Rossy at hindi na bumalik pa si Nang Olay. But both are a relief for me. I'm now free from the fear and the worry.

Nang malaman ng tunay na Ate Sari na wala na akong kasama rito sa mansyon ay dumating kaagad siya Miyerkules ng umaga bitbit ang isang malaking maleta. Sinabi niyang simula ngayon ay siya na ang magiging kasama ko at buong puso niyang gagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang tunay at tapat na tagapangalaga ng mansiyon.

"Ate, marami po talagang salamat. Malaking tulong po na sinamahan mo ako rito. Hindi rin ako talaga ako nakakatulog ng maayos."

"Naku, mabuti naman pala at nandito ako!" natatawang sabi niya at nililibot ang tingin sa paligid, sa kabuuan ng bahay. "Wala man lang nagbago ni isa rito sa mansyon maliban sa nawawalang paintings sa bukana."

Ah, tama. Sa entrance pala nakalagay ang mga iyon.

"Eh, 'yong kainan po ninyo?"

"Don't worry, hindi ko na kailangan ng business na 'yon."

"Po?!"

Natawa naman siya ng malakas at hinampas ako sa braso. "Ano ka ba, joke-joke lang! Pinaupahan ko na muna sa iba ang pwesto habang wala ako. Ang dami rin kasing nagkakandarapa sa pwesto kong 'yon. Alam mo na, malapit sa eskwelahan."

"Ahh, hehe. Mabuti naman po."

Buong araw ng Miyerkules ay hindi ako pumasok. Tutal ay wala na naman akong masyadong kailangang gawin doon sa paaralan ay hindi ko gustong iwan si Ate Sari rito sa bahay na mag-isang lilinisin ang mga kalat.

Mabuti na rin lang at nalinisan ko na ang dugong kumalat sa kusina at sa sala. Baka mag-freak out pa siya kapag nakita ang mga 'yon.

Habang naglilinis kami ay panay ang tanong niya tungkol sa lahat ng nangyari. Mula sa Isla hanggang dito sa Iloilo. Kahit daw hindi niya nakilala ng matagal ang pamilya ko ay nanlumo talaga siya sa nangyari.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now