CHAPTER 2

9 0 0
                                    

"Sino si Megan? Bakit kilala mo siya?"

Lumingon siya sa paligid at nabahala ng makitang merong ilang napapatingin. Pero wala akong pakialam sa mga panahon na ito. Ang gusto ko lang ay malaman mula sa kanya ang mga kasagutang matagal ko ng hinahanap.

Nainis ako ng sobra ng hindi man lang siya nagsalita. Ano, titingnan na lang niya ako buong araw at makikinig sa mga paratang ko? O ipapamukha niya sa lahat na nababaliw na ako? Hindi ako papayag! Ibinaba ko ang laptop sa sementadong bleacher at galit na nilapitan siya.

"Nagulat ka? Kasi alam ko kung sino siya? Sinasabi ko sa 'yo...matagal na akong nasasaktan, matagal na akong nawalan! Hindi ko hahayaang mangyari ulit ang nangyari noon. Magbabayad kayong lahat!" sigaw ko at sinampal siya.

Doon na siya napaiyak. Wala akong pakialam, wala akong pakialam! Mas nasaktan ako, mas nagdusa ako! Hinding-hindi na ako maloloko at maiisahan ng tulad niya na kakampi ng taong iyon. They are all the same, heartless and doesn't care if they cause harm to others. Even after what they did, how can she smile? My family and a close friend died but I hate it that they can still be happy as if nothing happened at all!

Nanggagalaiti pa rin ako kaya inamba pang sasampalin pa siya ulit pero may isang kamay na biglang pumigil sa braso ko. Halos makalimutan ko ang pangalan niya, pero naaalala kong isa siya sa mga kaibigan ni Aya.

"Tama na. Wala kang karapatang saktan siya."

Nag-init ang ulo ko. "Wala rin silang karapatang bawiin ang buhay ng mga taong mahal ko. Wala kang alam, Louwell. Kaya kung ako sa 'yo, lalayuan ko ang babaeng 'to! Dahil hindi mo alam kung sino siya!"

Kumunot ang noo niya at winaksi ang kamay ko. "Ganoon, Ellah? Bakit gaano mo ba siya kakilala? Sino ba siya?" matigas na sabi niya.

"Ikaw, Louwell. Gaano mo siya kakilala? Sino ang Aya na kilala mo?"

Mabigat na ang damdamin ko para manatili pa roon kaya bitbit ang mga gamit ko ay tumakbo ako palayo, iniignora ang tingin ng lahat. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad sa pagitan ng mga aklatan. Walang tigil sa pagbuhos ng mga luha ko habang pilit na pinupunasan ang mga ito. Nang makitang nasa pinakadulo na ako ay napaupo ako sa isang gilid at hinayaan ang sarili kong umiyak ng tahimik.

Natatakot ako. Sa mga pinanggagawa ko kanina, alam kong bukas o sa makalawa, may kapalit iyon. Lagi siyang ganoon. Kahit na may gawin akong bagay na makakapagbunyag sa kanya, may nangyayaring masama.

Hindi pwedeng ipagsabi sa pulis. Hindi pwedeng ipagsabi sa ibang tao. Alam niya ang ginagawa ko, nakamasid siya lagi. Kahit ang mga katiting na kilos ko, alam niya. Masisiyahan siya kapag nasasaktan ako, nagagalit kapag lumalaban ako. Gayunpaman, laging may nasasaktan at nawawala. Lagi siyang may biktima. Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, si Jace. Lalo lamang akong napaiyak ng maalala ang taong iyon.

"Mommy, Daddy...hic...ano ang gagawin ko? Bakit iniwan niyo akong nag-iisa? Hic...Hindi ko alam ang gagawin ko, parang...hic...mababaliw na ako."

Hinayaan ko ang sariling umiyak ng ilan pang manatili roon hanggang sa napatulala na lamang ako. Nakatingin sa mga aklat at dinamdam ang katahimikan upang kumalma nang biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

"I miss you, bakit hindi ka na tumatawag sa akin?" Iyon kaagad ang pambungad ni Rocky.

Dahil sa mga nangyari, nakaligtaan ko ng kontakin siya kaya ng marinig ang pamilyar niyang boses ay muling bumigat ang pakiramdam ko.

"Rocky, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"B-Bakit, may nangyari ba?"

"Nakita ko na siya. Nakita ko na siya!"

"Sino?"

"Ang babaeng puno't dulo ng lahat ng nangyayari sa buhay ko."

"Anong ginawa niya sa 'yo? Nasaktan ka ba?"

"Pinatay niya si Jace, wala na si Jace."

Natahimik siya sa kabilang linya. Napahagulgol ako sa gitna ng katahimikan. Ganoon na lamang ang gulat ko ng may nakita akong taong nakatayo sa gilid ng aklatan. Nabitawan ko ang cellphone ko sa gulat. At nang mag-angat ng tingin, matiim na nakatingin sa akin si Louhan na tulad ko ay nanlalaki rin ang mga mata.

Napatayo ako at hinamig ang sarili. Narinig niya ba ang sinabi ko? "L-Louhan—"

"Totoo ba ang sinabi mo?" Patuloy na tiningnan niya ako sa mata niyang nababahiran na ngayon ng iba't-ibang emosyon. Hindi ako makasagot dahil sa gulat.

"Totoo ba ang sinabi mo, Ellah!?" sigaw niya na umalingawngaw sa buong silid-aklatan.

Napapitlag ako lalo na ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Unti-unting nakikita ko sa mata niya ang galit.

"H-Hindi ko alam."

" Narinig kita! Kaya sabihin mo sa akin ang totoo! Sino ang pumatay kay Jace?" Bumakas ang pagkalito at galit sa mukha niya.

"Kaibigan ko siya, kaibigan mo siya kaya bakit tinatago mo ang ganitong bagay?"

"Bitawan mo ako, Louhan! At huwag ka ng tanong ng tanong!"

Dahil sa pagsinghal ko ay lalo lamang siyang nagalit at nagawa pa akong ipinid sa pinakamalapit na bookshelf.

"Buhay ang pinag-uusapan dito, Ellah. Paano mo nagawang itago ang nalalaman mo? Kaibigan ka ba talaga niya?!"

Napayuko na lamang ako at umiwas ng tingin. "Wala akong sasabihin sa 'yo kahit ano pa ang gawin mo ngayon! Higit sa ating dalawa, ako ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin! Wala kang alam!"

"Tama wala akong alam. Transferee ka, nakatira sa pinakaweirdong mansyon na alam ko, ayaw makipag-kaibigan sa iba. Nagustuhan ka ni Jace, pero ng makilala ka niya, namatay siya. Wala akong alam sa tunay na nangyari, pero alam ko na ngayon na ikaw ang dahilan kung bakit nawala siya!"

Ang sakit, pero iyon ang katotohanan. Ang sakit na masumbatan sa bagay na pati ako ay hindi ko ginusto pero alam kong ako ang may kagagawan. Pero sana nga ay mas naging maingat pa ako. Hindi ko pinanindigan ang prinsipyo kong hindi pwedeng makipagkaibigan. Kaya napahamak si Jace. Ang sakit malamang may namatay dahil sa akin. Lagi na lang ganito. Pero hindi ko alam kung bakit mas dobleng sakit na isampal sa akin ni Louhan ang katotohang iyon sa pagmumukha ko.

"Iiyak ka na lang ba? Wala ka bang gagawin, Ellah? Alam kong mabuti ka pero paano mo nahayaang mangyari ito?"

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. Bago ko pa man mapagmasdan ang mukha niya ay tumalikod na siya sa akin.

"Sandali, Louhan!" pigil ko.

Ayaw kong isipin niya na ginusto ko ito o di kaya ay okay lang ang nangyari para sa akin. Biktima lang din ako rito, may dahilan kung bakit hindi mabigyan ng linaw ang pagkamatay ni Jace o ng pamilya ko.

"Hindi mo alam na sa bawat paglapit ko sa iba, bawat pakikipagbahagi ko, may masasaktan. Tama, dahil sa akin ay namatay si Jace. Hindi siya dapat nakipag-usap sa akin! Hindi dapat ako nakipagkaibigan sa kanya. Pero kahit ng malaman niya ang sitwasyon ko, tinulungan niya pa rin ako kaya siya napahamak! Nasaktan rin ako sa nangyari sa kanya! Kaibigan ko siya! Pero biktima lang din ako Louhan! At hindi na magbabago 'yon. Na ipinapanalangin ko na lang na sana matagal na akong namatay! Bakit kailangan kong maranasan ito! Bakit ako? Bakit hindi ang mga taong masasama? Bakit ako pa? Kaya pasensya na kung nawalan ka ng kaibigan! Pero ako, nawalan na ng buhay at hindi ko na alam kung maibabalik ko pa iyon!"

Hindi ko na hinayaan pang makita niya akong ganito. Kaya nagmamadali kong dinala ang mga gamit ko at lumabas.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now