PROLOGUE

26 0 0
                                    

Nothing beats the tears of a child. As for me, I can see myself in him. Maaga pa lang ay iniwan na ng mahal sa buhay. But what hurts me more is knowing that I am the reason why all of this happened. Ako ang dahilan kung bakit nawala si Jace. Binalaan ko na siya at tama nga ako, nangyari na naman! I told him to make him be aware of the consequences ng pakikipagkaibigan niya sa akin! But he's just so friendly to me! He's just so comfortable to be with na huli ko nang natanto na marami na akong nasabing sikreto sa kanya. Na sana ay hindi dapat!

"Ellah, napatulog ko na si Danny kaya magpahinga ka na rin."

Ngumiti ako kay Ate Sari. Simula ng malaman niya ang nangyari kay Jace ay nagbago siya bigla. Nawala na ang pagkairitable niya at pinili na lang na makisama sa mabigat na emosyong dinadanas namin ni Danny. "Thank you po, Ate. Sige po, aakyat na ako."

Sa kwarto ko natutulog si Danny, ayaw niyang mag-isa siya. Lalo na ngayon. Sumampa ako sa kama at pinagmasdan siya habang mahinang humihilik. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang kinakain ako ng konsensya ko.

"I am sorry, Danny. Sorry..."

Mainit ang panahon nang ilibing si Jace. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para pumunta.

"Tita, I'm sorry po sa nangyari," mahinang sabi ko sa Mommy ni Jace. Ngumiti siya ng malungkot at hinagod ang likuran ko. Isang bagay na napansin ko sa kanya ay napakabuti niyang ina.

"It's okay, hija. Things happen for a reason." She smiled. Like she was the least person who feels agony right now. But I know that it's that other way around.

Bumuntong-hininga ako at tinanaw si Danny na nakadungaw lang sa puntod na pinaglibingan kay Jace. Napakagat-labi ako upang pigilan ang pagluha.

"But Danny...I think it would be better for him if he's in States. Maaalagaan siya ng mga Titas niya at makakasama niya ang mga pinsan niya. You think that would be okay?"

That's when I remembered that she isn't Danny's biological mother. "Itatanong ko lang po sana kung ang ibig niyo po bang sabihin na kamag-anak sa States ay mga tunay niyang kamag-anak?"

"Oh, sinabi na pala sa iyo ni Jace."

"Sorry po."

"No, no, that's okay! Nagulat lang ako. Anyway, nakapag-usap na kami ng Tita ni Danny. Payag naman sila na kupkupin siya. Kaya ipapaubaya ko na sa kanila si Danny. Isa pa, sila naman talaga dapat ang tunay na nag-aaruga sa kanya."

Tama siya. Pero bakit parang hindi ako sang-ayon dito? Kahit na, ito ang mabuti para kay Danny 'di ba?

"Ate Ellah, I don't want to go!" The time when Danny was about to leave, he kept on pleading to me. He said he doesn't want to go to States or anywhere away from Jace's house. He kept on crying and crying na pati ako ay nakisama na rin. Hindi rin ako sigurado pero wala akong karapatan na hindi siya ibigay sa tunay niyang pamilya. Hindi ko rin alam kung tama bang manatili pa siya sa tabi ko dahil pwedeng nasa peligro pa rin ang buhay niya dahil sa Megan na 'yon.

"It's okay. Kailangan mo ng mag-aalaga sa 'yo. You need your family. And they are willing to help you." Even when Jace said they abadon him years ago, I am not sure myself. And somehow, I don't get why Tita Maris wouldn't adapt Danny now. Bakit ngayon pa na alam nila kung gaano kahalaga si Danny para sa kuya niya? Doesn't Danny mean anything to them all? All this time, si Jace lang ay nagpapahalaga kay Danny bilang parte ng pamilya nila? Anupaman ang dahilan, alam kong wala pa rin akong sabi sa desisyon nila. After all, I am the reason why this thing is happening right now.

"But I don't! I only want Kuya Jace!" Doon na ako napayuko. Tinabunan ang mukha kong unti-unting nahihilam sa luha.

"H-He wants you to be taken care of. So, for now, sumama ka muna kay Tita Maris and be a good boy, okay?"

CHASE (Drama-Mystery)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora