CHAPTER 11

9 0 0
                                    

Kung umuwi man ako, hindi ko na alam kung paano. I just saw myself walking down a familiar pavement, feeling all the coldness and the loneliness that the night could throw at me.

The person behind my family's death, the person who played my life, the person who chased me until now, nakita ko na ulit siya. I saw her smile like she had no problem at all, like she's free from any guilt or crime that she committed. I saw her walk like she never had feared that she killed someone. I heard her voice as she planned the things she wanted to happen to me, discontented to what I had to go through so far. And I saw her walk away, letting her out of my reach again. Letting her walk around while I suffer in her plans. Dancing desperately out of his grasp. She's evil, she's a psycho. At may pinaplano pa siya para sa akin next week? I'm not going to be afraid, I'm not going to let her go anymore. But even though if I force myself to think that way, hindi ko pa rin mapigilang manginig dahil ngayon ay may ideya na ako sa maaaring mangyari.

Pero tinutulungan na pala ako ni Ate Sari. Ang laking tulong itong ginawa niya para sa akin ngayon. Binigyan niya ako ng pag-asa sa hindi inaasahang pagkakataon at kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may panghahawakan na akong lakas. Kaya kung noon, lagi akong tumatakbo palayo ngayon, ako na ang hahabol kay Megan. Kahit nakakatakot, kahit delikado, hindi na ako papaya na walang gawin. May tumutulong na sa akin kaya dapat lang na sikapin ko rin na magbago. I will make you pay, Megan. I will make you pay for what you did to my family!. I will make you pay for what you did to my life!

That night, I was very silent while Manang Tes and Ate Sari were trying to talk to me casually. I was keeping my rage for them, under control the whole time.

"Ellah, nakuha mo na ba ang perang pinadala ng Tita mo?" tanong ni Ate Sari.

"Opo, Ate. Kanina, galing sa school, kinuha ko sa bangko."

"Ingatan mo, para hindi mawala," payo ni Manang Tes. O mas tama bang tawagin ko siyang Nang Olay.

"Kahit naman po anong ingat ko kung may kumukuha, wala pa rin akong magagawa."

Nagkatinginan silang dalawa ni Ate Sari kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.

"Nalaman mo na ba kung sino ang babae na nasa picture?" tanong ni Rocky nang tumawag siya matapos ng hapunan.

"Hinihintay ko pa ang sagot Engr. Jimenez. Hanggang ngayon wala pa rin siyang reply."

"Kamusta ka naman dyan ngayon? Are you doing okay?"

"Okay naman. Ah, nga pala Rocky, kung pwede sana huwag mo na hayaang may makapunta rito sa Iloilo, kasi akam mo na, baka may hindi magandang mangyari."

"Pipigilan ko sila sa abot ng makakakaya ko. At saka, si Jan lang naman ang nakakaalam kung saan ka nag-aaral at si Maddel. Hindi ko na sinabi kina Stacy at Zufiya."

"Sige, salamat."

Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. "May problema ba?"

"Ellah, matatapos naman 'to, 'di ba? Uuwi ka rito sa Isla, makakasama ka ulit namin. Tell me that you will..."

I bit back my tears at ngumiti. "I really hope the same thing, Rocky."

Linggo ng umaga, inaya akong magsimba ni Manang Tes gaya ng nakagawian. Hindi ako sumama at sinabing masama ang pakiramdam ko kaya mag-isa siyang umalis. Naiwan kami ni Ate Sari, pinagmamasdan ko lang siya habang nagdidilig ng halaman sa harapan ng mansyon.

Kaya ba hindi siya sumasama kay Manang Tes? Kasi parang wala rin namang saysay kung pupunta siya roon at gagawa rin naman ng masama?

Namaywang siya matapos ibaba ang sprinkler at nang lumingon sa direksyon ko ay nagkatinginan kami. Nagulat siya na nandito ako at nakamasid sa kanya. Dala ang sprinkler ay seryoso siyang lumapit sa akin. Ngumiti ng konti at pagod na naupo sa tabi ko.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now