CHAPTER 18

7 0 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. Things are finally working my way. Natutop ko ang bibig ko habang tinitingnan si Aya. Seryosong-seryoso siya, hindi kakikitaan ng pagbibiro o panlilinlang. Tulad ng kay Ate Sari noong sinabi niyang tutulungan niya ako. A resolute face that promises their allegiance on me. It was so overwhelming that I couldn't find myself to give a speech.

"Ellah, I'm sorry for everything. And I know that an apology isn't close to enough to make up for all the things that I did to trick you. Pero maniwala ka man o hindi, wala akong choice sa lahat ng ito. Hawak niya ako sa leeg, tulad mo. I can't do anything to save myself or even you. But now that I know you and how good of a person you are, I know that you are not worth of all of this. Pinapangako ko sa iyo na gagawin ko ang lahat para matulungan ka," sinserong saad niya. "I will help you out of this, Ellah."

Sa pagitan ng mesa ay hindi ko mapigilan ang sariling sunggaban siya ng mahigpit na yakap. Tunay akong nagagalak na sa wakas ay nangyayari ito. I thought that there was no ending to all of this but now, there is really hope! Ate Sari and Aya, they are willing to help me!

"Thank you!" madamdaming usal ko. "Hindi mo alam kung gaano ito kaimportante sa akin! Kung gaano mo ako napasaya, Aya!"

Dahan-dahan niyang sinuklian ang yakap ko na lalong nagpangiti at nagpaiyak sa akin.

"Ang alam ko lang, nasaktan kita ng sobra. Nasaktan ka niya ng sobra-sobra! At ayaw ko ng madagdagan pa iyon.  At sorry kung hindi sapat ang pagpigil ko sa'yo noon. Siguro nasasaktan ka ng sobra ngayon... na may nangyari sa iyo. Getting raped that's just...hic...that's too much to handle for you.  You must've felt really, really helpless, even now. I'm sorry I wasn't able to do anything, Ellah!"

Bahagya akong natigilan at napalayo sa kanya. Right, nagsinungaling nga pala ako sa kanya. She thought I was damaged.

"Aya, actually... hindi totoo na na-rape ako. Sinabi ko lang iyon para maawa ka sa akin."

"H-Huh?"

"Yeah, sorry that I lied."

"Y-You lied? Then... I'm glad you're okay! Good thing that you are okay!" She hugged me again so  very tightly. "Magaling ka na ba? May mga galos ka ba sa katawan? Nakita ko kasi na marami pang kasama sina Margareth at Jade noong binabantayan ka. Kaya natakot na talaga ako at naghanap ng paraan para tulungan ka. Good thing, I saw varsity players nearby."

"Pero alam mo bang delikado ang ginawa mo? Kapag tinulungan mo ako at hindi nangyari ang pinlano niya, malalaman niyang may tumutulong sa akin. At isa ka sa pagsususpetyahan niya."

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. "Woah, hindi ko akalain na naisip mo iyan. That just really proves that you are a very nice person, Ellah."

"Huh?"

"I mean, mapapahamak ka na nga, naiisip mo pa ang sitwasyon ng iba."

Syempre. Kapag tinulungan nila ako, sila naman ang mapapahamak. Mawawalan lang ng saysay ang ginawa nila. At lalamunin ako ng buo ng konsensya ko. Napatingin ako sa paligid namin. Mangilan-ngilan na lang ang estudyante sa paligid namin dahil dumadapit-hapon na. 

"Nakita kita nang dumating ang tulong. Kilala mo ba ang nagligtas sa'yo na lalaki?"

"Oo, bakit?"

Ngumisi siya na parang may gustong sabihin. "Para kasing magkakilala talaga kayo. Parang may something..."

"Huh? Walang gano'n sa amin 'no." pigil ko agad sa sasabihin niya. Bilib din ako na pati iyon mukhang may alam siya.

Sumulyap siya sa wall clock at napabuntong-hininga.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now