CHAPTER 1

14 0 0
                                    

"By the way..."

Out of the darkness, I heard her voice. It was so faint but I still kept listening to it.

"You keep on saying Megan while you're sleeping and you looked troubled when you say it."

Troubled? Megan?

Yes, naaalala ko na. Si Aya ang nagsabi noon sa akin, during community service namin sa paaralan, noong natutulog ako sa library. Sinabi niyang may inuusal daw ako na Megan. Pero wala akong kilalang Megan. Sigurado ako roon. Wala.

Pumagitna sa kadiliman ang nakakabinging ingay ng pagharurot ng sasakyan. Sa sobrang ingay hinila ako nito mula sa pagkakatulog. Minulat ko ang mga mata ko. Wala akong nakikita bukod sa nakakasilaw na liwanag na mula sa langit. Pumikit akong muli, pinakiramdaman ang sarili. Ginalaw ang kamay at mga daliri sa paa. May mabigat na bagay sa tiyan ko, kaya sinubukan kong magmulat ulit at ininda ang silaw ng liwanag para lang matingnan ang bagay na iyon.

Mga braso!

Nanlaki ang mata ko at luminga sa paligid. Nakahilata ako—kami ng nakayakap sa akin, sa gilid ng kalsada. Pinilit kong lumingon, habang tila wala pang imik kung sino man ang taong ito.

Napasinghap na lamang ako ng makita ang duguang ulo ni Louhan. Mariin siyang nakapikit kahit na sa tingin ko ay wala siyang malay. Napaluha ako ng maalala kung bakit naging ganito ang sitwasyon namin. Ano na naman ang ginawa ko?

"Louhan! Louhan!"

Niligtas niya ba ako mula sa pagkakabangga? Pero bakit? Ano pa ang ginagawa niya rito ng ganitong oras?

"Louhan, gumising ka!" Hirap pa ako sa paggising dahil mahigpit pa rin ang dalawa niyang brasong nakalingkis sa tiyan ko. Kaya nang hindi pa siya nagising ng ilang minuto kong pagsisigaw ay nanghihinang napaiyak na lamang ako.

Ano'ng ginawa ko? Bakit pinili kong magpakamatay? Bakit sinadya kong magpabangga? Nababaliw ka na, Ellah? Nababaliw ka na ba?! Paano na sina Rocky at ang mga kaibigan mo sa isla? Paano na ang pangakong binitawan m okay Danny? Paano mo nagawang ipaubaya ang buhay mo sa taong hindi mo nagagawang pagbayarin.

Lalong lumakas ang pagngawa ko na tila namatayan sa gilid ng daan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit lagi ko na lang nilalagay sa peligro ang buhay ng iba?!

"What the fuck were you doing, Cecilia?" It was Louhan's weak voice that made me stop crying at mabuhayan ng pag-asa na buhay pa siya. Sinubukan kong kalasin ang kamay niya kahit nanghihina pa ako at mabuti na lang at binitawan na rin niya ako. Kahit hinihingal pa ay tiningnan ko ang mga sugat niya.

"May sugat ka, kailangan kang dalhin sa ospital." Meron siyang gasgas sa braso at sa ulo niya nagmumula ang maraming dugo na lumalandas na papunta sa gilid ng mukha niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling umiyak sa ikalawang pagkakataon.

"Konting gasgas lang 'to," sabi niya at bumangon. Ininspeksiyon niya ng konti ang mga sugat niya at mukhang wala lang sa kanya iyon. Natutop ko amg bibig ko ng hawakan niya ang sugat sa noo niya at masdan ang kamay niyang may sugat.

"B-Bakit—"

Tumingala siya sa akin. Nakakunot ang noo. "Anong bakit?.

"Bakit nandito ka? Bakit ginawa mo 'yon?!" Nabasag ang boses ko sa huling tanong at napahagulhol na lamang ako. "Ano'ng gagawin ko kung napano ka, ha?"

Walang sinabi si Louhan ng ilang sandali at hinayaan na lamang akong umiyak sa mga palad ko.

"O-Okay na 'to. Ako naman ang gagamot sa 'yo." Sinubukan kong agawin ang mini first-aid kit na nasa kandungan niya pero mabilis niyang inilayo iyon. Bumalik siya sa paglalagay ng ointment sa maliit na gasgas sa siko ko. Mas marami pa nga siyang sugat kaysa sa akin! Siya dapat ang ginagamot, hindi ako!

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now