CHAPTER 15

10 0 0
                                    


Nagising akong mag-isa na nasa kwarto na ni Louhan. Naalala ko ang nangyari kahapon at napapikit na lamang ulit ako. 

Megan... you witch. You--! 

Naalala ko bigla si Ate Sari. Nakalimutan ko siyang i-text na okay lang ako. Kahit hindi naman ako okay. Pero kailangan kong ipaalam sa kanya na walang nangyari dahil baka nag-aalala na siya ng sobra.

Bumaba ako sa kama at hinanap ang mga gamit ko. Nakapatong ang marumi kong bag sa bedside table. T-in-ext ko agad si Ate Sari, hindi na pinansin ang walang katapusan niyang texts at tawag sa akin simula kahapon.

Huminga ako ng malalim at tumungo sa banyo. Naghilamos ako at ipinamunas ang extra kong t-shirt sa bag na hindi ko naalalang suotin kagabi. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I suddenly couldn't remember what I looked like before. Maputi ako, makislap ang mata, laging nakikita ang pisngi dahil nakangiti. Pero ngayon, pakiramdam ko ang putla ko na. Malalim na ang mga mata ko at mukhang pagod. Nanginig ang labi ko pero pinigilan ko agad na muling umiyak. I stared at myself in the mirror once again and tighten my facade.

Pagod ka na Ellah, hindi ba? Kung ganoon, tapusin mo na ito. Hanapin mo si Megan at pagbayarin mo na siya. Huwag mo ng hintayin na magtagumpay siyang sirain ang buhay mo. Muntik na niyang magawa kahapon, huwag mo ng hayaang mangyari ulit.

"Ellah, diyan ka ba sa loob?" biglang tanong ni Louhan matapos kumatok sa pintuan.

Hindi ako nakasagot agad dahil sa gulat.

"Ellah?"

"O-Oo, nandito ako."

"Sige, bumaba ka agad. Kailangan na nating mag-almusal."

N-Natin? Right.

Mataas na ang sikat ng araw ng mapatingin ako sa labas ng bintana kanina. Sana nauna na lang siya.

Nagsuklay pa ako ng mabilis at inayos damit ko. Bumaba na kaagad ako sa kusina at naghanap ng pwedeng maitulong pero nakaayos na ulit ang mga kubyertos. Nagkakape si Louhan at nang makita ako ay sinenyasan na maupo na. Magkatapat kaming dalawa ng magsimulang kumain ng tahimik.

Scrambled egg at hotdog ang niluto niya ngayon. Panay ang sulyap niya sa akin kaya minsan ay nagkakatinginan kami. There was an awkward silence but I tried to ignore it.

"Pasensya ka na kung dito ako sa bahay mo natulog. Naabala na naman kita," bulong ko.

Hindi naman kami close pero heto siya at walang reklamong tumutulong sa akin. Nakakahiya pa at simula noon ay puro pagtataboy ang ginagawa ko sa kanya, kahit hanggang ngayon. Ngayong naging mas klaro na ang utak ko, naaalala ko ang reyalidad sa pagitan namin.

Wala siyang sinabi kaya tumigil ako sa pagkain. Napatingin siya sa akin bago ngumuya at uminom sa kape niya. Pero wala pa rin siyang isinagot. Simula kagabi, wala siyang kibo sa kahit anong sinasabi ko. I wonder if he's angry at me.

I smiled sarcastically kaya kumunot ang noo niya.

He must've realized by now kung gaano ka pathetic ang buhay ko. Wala siyang masabi kasi awang-awa siya. Or maybe he's just dismissing me out of his life.

I couldn't help but mentally cry at my thoughts. Damn, ano ba itong mga pinag-iniisip ko?

"Salamat sa lahat ng tulong mo, lalo na kahapon. Pero tulad ng dati, sasabihin ko pa rin sa'yo na kailangan mo pa ring lumayo sa akin."

Napalunok ako ng tumalim ang tingin niya sa akin. Binagsak niya ang hawak na kutsara at tinidor kaya kumalansing ang mga iyon.

"Siguro wala ka lang talagang utang na loob," matigas na sabi niya at padabog na tumayo mula sa hapag. Lumabas siya ng kusina at kahit na nagulat ay sinundan ko kaagad siya. Naabutan ko siya na nakatayo sa gilid ng sofa at nakatalikod sa akin. Tumigil ako sa harapan niya at sinalubong ang matalim niyang tingin ng nalilitong sa akin.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now