CHAPTER 17

7 0 0
                                    


I couldn't focus during class and was fretting the whole time. I'm not sure kung tama ba ang gagawin kong ito. Aryanna Durren is undeniably a weird girl kaya alam kong isa siya sa alipores ng Megan na 'yon. Marami siyang ipinakita sa akin na nagtuturong kilala niya si Megan. Pero bakit tinulungan niya ako noong isang hapon? Posible kayang magaya rin siya kay Ate Sari na tulungan rin ako?

Kumabog ang dibdib ko ng mag-dismiss na ang guro namin sa hapong iyon. Unti-unting nagsialisan ang mga kaklase ko. Hinihintay ko na duman si Aya, saka ko siya kakausapin. Pero hindi siya dumaan kahit na wala ng tao maliban sa akin. Hindi siya umalis?

"Ellah."

Lihim akong napalunok dahil sa gulat. So, hinintay niya rin ako? But, whatever! Okay nga ito dahil hindi na ako mahihirapang lapitan siya. Tumayo ako mula sa upuan at sinabit ang bag sa balikat. Nanatili siyang nakaupo at nakatingin sa akin.

Tumikhim ako. "Bakit?"

Hindi siya nagsalita ng ilang segundo at nanatiling magkasalubong ang kilay. May gusto siyang sabihin pero hindi naman niya maisatinig. Come on, Aya. Lihim akong napangiti ng tumingin siya sa akin. That's it.

Tumayo siya at isinukbit na rin ang bag niya sa balikat niya. "Wala," sabi niya at umalis.

W-What? I groaned when she started walking out of the room.

Fine! Para rin naman sa akin ito. Ako na ang kakausap sa kanya! Tsk, bakit pa kasi niya ako tinawag kung wala rin namang sasabihin? She's clever, huh.

I chased her 'til outside at pinigilan siya sa braso.

Gulat na gulat siya sa ginawa ko."B-Bakit?"

"Anong bakit?" panunuya ko.

Tarantang natawa siya sa akin. "M-May kailangan ka ba?"

"Wala."

"Kung gano'n, bakit—"

"Mag-usap tayo sa library mamayang alas tres."

Hindi na siya nakapagsalita dahil tinalikuran ko na siya. Isa lang naman ang gagawin ko. I will make her feel guilty, paaaminin, at kukuhanan ng impormasyon. If she's really a relative of Megan, then I am sure malalaman ko na agad kung saan nakatira ang babaeng 'yon. And if she tried to help me yesterday, there's a possibility that she has the same case with Ate Sari, hopefully.

Kumain na muna ako sa cafeteria. I was hungry so I had to eat a lot. Habang kumakain ako ay biglang tumawag si Rocky, nangangamusta.

"Okay lang ako rito, Rocky. Kayo?"

"We're okay, too. Ellah, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko last time."

"Ang alin?"

"Tungkol sa pinag-usapan niyo ni Maddel."

"Oh, that." Napalunok ako. "Wala naman, medyo galit lang siya kasi alam mo na, umalis ako sa Isla ng walang paalam." Honestly though, I already forgotten about that. 

Matagal pa bago nakasagot si Rocky. "Hindi ka ba niya inaway?"

"Bakit naman niya gagawin iyon?" natatawang tanong ko. She did pero deserve ko naman 'yon. At saka, hindi ko na gustong sabihin kay Rocky. May gusto si Maddel kay Rocky kaya ayaw kong siraan siya. Alam na kaya ni Rocky na may gusto sa kanya si Maddel? The past years na magkasama kami, we didn't paid attention to things like that. Kaya hindi ko alam na may ganoon na palang pagtingin si Maddel kay Rocky. Dati sa Isla, kapag naglalakad kami pauwi mula sa paaralan, kapag nagkukulitan kaming tatlo, meron na ba siyang pagtingin noon?

CHASE (Drama-Mystery)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang