CHAPTER 23

8 0 0
                                    


"Kuya Simon, masakit ba ang leeg mo?"

Nakatingala ang batang ako sa tatlong tauhan na nasa labas ng bintana at nakamasid sa akin. Sa sobrang dilim ay hindi ko makita ang itsura nila, ngunit tila kilalang-kilala ito ng batang ako.

"Daddy, bakit nadaganan ka? Hindi ba sinabi ni Mommy na lagi kang mag-iingat kapag nasa sites ka? Tingnan mo tuloy, napahamak ka..."

Unti-unti silang tumalikod, mahinang naglakad paalis. The young me panicked and got off of her bed and angrily pointed her fingers at those silhouttes.

"Mommy, bakit iniwan mo ako?!! Hindi mo ba ako mahal? Alam mo ba ang naramdaman ko ng tumalon ka sa building? Alam niyo ba?"

Unti-unting nagdilim ang paligid at nahihirapan na ako na maaninag sila.

"Bakit niyo ako iniwang mag-isa? Bakit??? BAKIT!!?"

Malamig at mabigat ang buong katawan ko ng muli akong nagkaroon ng ulirat. Wala akong naririnig sa paligid kundi ang mga maiingay na kuliglig.

Ilang segundo pa bago ko nabuksan ng tuluyan ang mabibigat na talukap ng mga mata ko.

Gabi na sa labas. Wala rin akong makita sa paligid ko dahil madilim at ang sikat ng buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa paningin ko.

Masakit ang ulo ko, ang bigat-bigat. Parang nagkataon lang na nagising ako kahit na hindi naman kaya ng sistema ko. Sa kabila noon ay sinubukan kong gumalaw. Una ay ang mga daliri ko, sunod ay ang braso ko na tila namanhid.

Saka ko naramdaman ang malamig at basang hinihigaan ko.

Bigla ang realisasyon sa akin ng maalala ang nangyari kaninang umaga. Bumalikwas ako ng bangon dahilan para umatake ang nakakahilong sakit sa balikat ko. Teka, ginabi ako rito at may sugat pa sa balikat?! Kaya pala parang hindi ko mabuhat ang sariling bigat dahil nasa malala akong sitwasyon.

Napatingina ako sa paligid. Madilim dito sa kusina. Walang tao, walang ilaw na nakabukas ni isa.

Nanginginig na sinubukan kong tingnan ang sugat ko—kung gaano ito kasama. Pero wala talaga akong makita. Pero kung buhay pa ako kahit na umaagos ng malaya ang dugo ko simula kaninang umaga, walang dudang daplis lang ito.

Ngunit nasaan na siya—si Nang Olay? Matapos niya akong barilin kanina, ano na ang ginawa niya? Saan siya nagpunta?

Binalot ako ng takot lalo na at wala akong makita sa paligid ko. My baril siyang dala. Ni hindi ko alam kung sinadya niyang huwag akong tamaan sa katawan o maswerte lang ako at sa balikat lang ako tinamaan. Gayunpaman, delikado siya.

Gusto ko ng umalis sa mansyon na ito at lumayo! Baka maya-maya ay dumating siya at may gawing masama sa akin.

Nanghihinang naghanap ako ng pwedeng makapitan. Gamit ang sinag ng buwan sa labas ay inaninag ko ang mga gamit dito sa kusina. Malapit ako sa lutuan kaya sa gilid ko lang ang mesa.

Nahanap ko ang mesa na hindi kalayuan sa akin. Maingat ngunit may pagmamadali na inusod ko ang katawan ko palapit doon para makatayo. Bawat galaw ay siyang pagkirot ng sugat ko na pilit kong iniinda.

Hindi ko na inalintana ang basa at malagkit na likidong nahawakan ko. Sigurado akong dugo ko iyon mula sa sugat ko. Nakakalula ang dami nito, hindi ko kailanman inakala na magkakaroon ako ng ganito karaming dugo na mawawala sa akin. Ni hindi ko akalain na mababaril ako.

Hirap na hirap akong iangat ang sarili ko dahil nauubusan ng lakas at tila nababawasan pa sa bawat pagdaan ng segundo. Nang maiangat ko ang sarili gamit ang isang kamay ay hinihingal na napasandal ako sa mesa.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now