CHAPTER 3

7 0 0
                                    

"Gusto mong pumunta ako diyan?" tanong ni Rocky.

"Kamusta kayo riyan? Sina Stacy?" paglilihis ko sa usapan.

"Okay naman sila, walang pagbabago. Madalas pa rin magtanong si Stacy kung may balita na ba ako kung saan ka ngayon. Iyong iba, hindi na masyadong nangungulit."

"M-Mabuti nang ganito."

Halos hindi ako nakatulog habang inaalala ang nangyari sa amin ni Aya. Sinampal ko siya, kinompronta. Tapos nalaman ni Louhan na ako ang dahilan kung bakit namatay si Jace. Parang lumalala lang lahat ng nangyayari sa akin ngayong araw. Nagkamali na naman ako sa inasta ko kaya ganito ang kinalabasan. Dagdagan pa na sa sobrang sama ng loob ko ay nasabi ko ang problema ko kay Rocky. Nasabi ko ng hindi sinasadya at ngayon ay nahihintakutan na ako sa katangahang naidulot ko.

"Hatid na kita." Kinabukasan ay inabangan ako ni Ate Sari sa tapat ng gate ng bahay.

Ngumiti na lang ako at sumakay.

"May nangyayari ba sa school mo? Pansin ko ilang araw ka ng may pinoroblema ah? Sabihin mo sa akin."

Wala akong sasabihin.

Sa isang iglap, nakita ko ang nakangising mukha ni Ate Sari noong natuklasan ko ang sekretong silid. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko iyon, bigla tuloy akong kinilabutan.

"Absent po siya ngayon, Prof," rnig kong sabi ng kaklase ko.

"Bakit daw?"

"Masama raw po ang pakiramdam.."

Hindi ko na inisip pa iyon. Natapos ko ang remaining outputs ko dahil ito lang naman ang gawain. Abala na ang lahat sa paparating na pasko at bagong taon. Pagpasa ko sa teachers office ay nakasalubong ko pa si Louwell na matalim ang tingin sa akin.

"Andami ko nang kalaban dito, balik na lang kaya ako r'yan?" biro ko kay Rocky isang gabing katawagan ko siya.

"May nananakit ba sa 'yo, Ellah?"

"Marami. Si Aya, si Megan, si Louhan, si Louwell, andami..."

Nilayo ko muna ang telepono bago tinungga ang alak at lasapin ang pait nito. I must be out of my mind. Right, I am out of my mind.

"El, if you continue being like this, baka hindi ko mapigilang puntahan ka. You badly need someone right now."

"Yes Rocky. Kailangang-kailangan ko kayong mga kaibigan ko. Shit, hindi ko akalain na masasabi ko 'to, but I really want someone here with me." I paused, feeling another wave of sadness. "Hindi ko alam kung kaya ko pa ba..."

I slept with my tears undried that night. What woke me the next morning was Ate Sari's hysteria upon seeing me.

"B-Bakit ka uminom?!" rinig ko ng magising. "At saan ka nakakuha ng beer na 'to, ha?" Tinulungan niya akong makaupo sa kama pero nanatili akong tulala sa kawalan.

Wala akong maisip na gawin o sabihin. Pakiramdam ko, pagod akong gumawa ng kahit na ano.

Lumuhod sa harapan ko si Ate Sari. Nagulat ako ng makita ang mukha niyang hilam sa luha. Ang mga mata niyang tila alam na alam ang pinagdadaanan ko.

Nilunok ko ang emosyong mabilis na sumaklob sa akin. Kinurap-kurap ang mga nag-uulap na mgamata. Pero ang pagbigat ng puso ko ay nandito na, hindi nawawala. Naghihintay na muling maramdaman. Tuluyang bumagsak ang pinipigilang emosyon at napahagulgol kaming pareho ni Ate Sari. Pero hindi ko alam ang tunay niyang ikinakaiyak. Siguro ay awang- awa na siya sa akin.

CHASE (Drama-Mystery)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें