CHAPTER 21

5 0 0
                                    


James Jimenez:
I'm sorry. Hindi ko alam kung sino ang babae. I've asked about the others pero hindi nila kilala.  I think, she's just a visitor that time, Ms. Cecilia. If she's an important guest, there's no doubt we know her.

Nanlulumo na nag-tipa ako ng sagot kay Engr. Jimenez. I really expected that he could give some details that I can use. Kahit konti lang. Now, that woman in the picture will be left unsolved. If only, I have someone to ask.

You:
Thank you very much, Sir.

It was a bad news—both what happened to Aya and Engr. Jimenez. Pero pinigilan kong panghinaan ng loob. Aryanna Durren promised me and I will hold on to that promise.

Totoo nga ang sinabi niya. Hindi na siya bumalik sa school sa paglipas ng mga araw. Dahil dito, mas lalo lang nagalit sa akin si Patricia at Louwell. Tuwing napapatingin ako sa kanila, matatalim ang mga matang sasalubungin nila 'yon, naninisi. Sinabi ko na rin kay Patricia ang pinapasabi ni Aya. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa akin pero ang mahalaga, nagawa ko na ang dapat kong gawin. Sinunod ko ang sinabi niya na huwag munang gumawa ng kahit ano. Bukod sa wala naman talaga akong naiisip na paraan, naging mas abala na rin ako sa school dahil patapos na ang klase. Naging daan din iyon para mas maging close kami ni Louhan. Paminsan-minsan ay pumupunta ako sa court at nanonood ng laro niya. Minsan, nakatambay kami sa labas ng bahay ni Jace at nagkukwentuhan. Sa school naman, kapag uwian o lunch, lagi siyang nandyan para samahan ako. Laging sumusulpot at may dalang pagkain.

Nasa bleachers kami isang biyernes ng hapon at kumakain ng snacks. Naka-indian seat kaming dalawa at nakaharap sa naglalaro ng football sa field habang sa gitna namin ang dalawang bottled juice at pancakes. Naging isa ito sa mga panahon na nararamdaman kong normal pa rin ang buhay ko. Nakakalimutan ko ang problema ko kasi nandyan siya.

I glanced at him na seryosong nakamasid sa mga naglalaro habang ngumunguya ng pancake. Meron pang naiwang asukal sa gilid ng labi niya pero agad naman niyang napunasan ng likod ng kamay niya.

When we have this peaceful moment, lagi kong naaalala ang mga panahon na hindi pa kami magkakilala. He was always on the side, palaging nakatingin sa akin ang itim niyang mga mata. Like he always wants to talk to me but he can't. Tapos ang mga pangliligtas niya sa buhay ko ng ilang beses na.

Bahagya kong nalunok ang pancake ng maalala ang panahon na hinalikan niya ako. That time, he also said that he loves me. He confessed to me kahit na wala akong ginawa kundi itaboy siya. Simula noon, hindi na kami nagkahiwalay. Lagi na siyang nasa tabi ko. At nitong mga nakaraang araw, dumating sa akin ang realisasyon kung bakit walang nangyayari. It's not that I am asking for something to happen. But, this is him—helping me. And in fact, he helped me a lot more than what Jace did.

"Hindi ka ba nagtataka?" naisatinig ko ang nasa isip.

His gaze turned to me. "Of what?"

"Dalawang linggo na simula ng magkasama tayo palagi. Nagtataka ako kung bakit walang nangyayari. That woman never stopped on making a move against me. Pero bakit ngayon...wala?" Tumingin ako sa malayo. To the farthest place that my line of vision could reach. Wondering what she's probably doing at the moment.

What are you up to, Megan? Bakit bigla kang tumahimik?

"Aren't you happy that she stopped?" he cautiously asked.

Stop? I don't think so. With what I heard back in that store in Pavia, I knew she has a lot of plans for me.

"Mas natatakot ako...kasi parang may mangyayaring mas malaki."

"She's just human, too, Ellah. What if...nagkasakit siya? And she decided to forget about you."

Nilingon ko si Louhan pero hindi siya nakatingin sa akin. His serious black eyes were directed in somewhere far, too. Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Ayokong maniwala sa ganyan dahil hindi tao ang babaeng 'yon. She's evil and that's all!

CHASE (Drama-Mystery)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang