CHAPTER 26

6 0 0
                                    

"Sino ka? Ipinadala ka niya, 'no?!" sigaw ko sa gitna ng malakas ng ulan. Lumayo ako sa kanya at dumistansya, pero ayaw pakawalan ang pagkakataong ito na muling may taong sangkot dito.

Hindi siya nagsasalita kaya lalong uminit ang ulo ko. Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ang isang 'to?

Dahil ba sa akin o dahil kay Ate Rossy?

Bigla niya akong sinugod ng sipa sa tiyan na agad kong naiwasan at malakas siyang tinadyakan sa tagiliran bilang ganti. Hawak iyon ay tumingin siya ng masama sa akin at akmang susugod ulit nang mapatingin siya sa bumukas na pinto ng Barangay Hall. Lumabas mula roon si Louhan kasama ang isang babae.

Nagtama ang tingin namin ni Louhan at nanlaki pareho ang mata namin ng parang toro na binangga ng lalaki ang tiyan ko. Tumilapon ako sa malayong putikan at halos hindi makahinga dahil sa malakas na pwersang kani-kanina lang ay bumunggo sa akin. I knew those men are strong!

Napapikit ako dahil sa tubig ulan na pumatak sa aking mga mata. Ang sakit!

"Ellah!" Naramdaman kong tinulungan akong paupuin ni Louhan pero lalo lang sumakit ang tiyan ko. Sa tingin ko kaya ko naman indahin pero—

"Sandali lang, masakit pa," umiigik na sabi ko.

"Okay, okay," hinihingal na tugom niya. He must be really worried. Matagal pa bago kami nanatili sa ilalim ng ulan at hinintay na mapawi kahit kaunti ang sakit.

"Wait, you're bleeding!"

Nang magmulat ako ay hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang pag-aalala. Mas sobra pa sa inaakala ko.

"OKAY lang ako!"

"No, you're not."

"Okay nga lang ako!" tumaas na ang boses ko.

Kanina pa kami nagmamatigasan. Matapos niya akong buhatin papunta sa Barangay Hall ay binigyan kami ng first aid at pinagpalit ng damit dahil basang-basa kaming dalawa. Binigyan rin kami ng mainit na gatas at kape para malabanan ang lamig. Pati ang benda sa sugat ko ay pinalitan rin ni Louhan ng bago gamit ang dala niyang first-aid.

Ilang minuto na rin ang lumipas nang nagdesisyon kami na manatili na muna rito at hayaang tumila ang ulan pero maghahapon na ay hindi man lang ito humina, lalo lang lumakas.

Umiling siya at tinuro ang tiyan ko na nilalagyan ng hot compress. "Nakikita mo ang maga niyan, itsura pa lang ay hindi na okay."

Binagsak ko ang hawak na heat compress sa mesa at inayos ang damit ko. "Ano ba? Ako ang nakakaramdam, ako ang nakakaalam kung kaya ko pa o hindi."

"We are going home and we will come back as soon as you're okay."

"LOUHAN! Hindi mo ba nagi-gets? Kailangan ko ng makita si Ate Rossy ngayon kasi baka mapahamak siya. Hindi na tayo pwedeng umuwi kasi malapit na tayo! Alam mo na ang address, 'di ba? Isang byahe na lang, nando'n na tayo."

Bumigay ang boses ko at tumayo mula sa kahoy na upuan. I am restless and anxiety continues to grow. Alam na namin ang address ni Ate Rossy dahil sa napagtanungan namin dito sa Barangay Hall.

Nagsusumamong tumingin ako sa kanya. Gusto kong maintindihan niya na wala ng mas mahalagang bagay na dapat gawin ngayon kundi makita si Ate Rossy.

"Hindi ko na kaya pang maghintay. Nakita mo ang lalaking 'yon? Kilala ko 'yon! Sila ang palaging humahabol sa akin. Ang inuutusan ng babaeng 'yon. Nandito siya! Ibig sabihin, nandito sila para sa akin o para kay Ate Rossy. Kaya please, please, ayoko pang umuwi. Please, Louhan..."

He stared back to me. Alam ko naman ang inaalala niya, ang kaligtasan ko. Because that's why he's here, for my safety. Pero wala lang naman sa akin ang tiyan ko, I can endure this all day if I have to! It hurts pero wala naman iyong pinagkaiba sa nangyari sa akin simula noon.

CHASE (Drama-Mystery)Where stories live. Discover now