"Eh Ga---" hindi ko na naituloy ang pagmumura ko ng bumukas ang pinto. At kung kanina hindi ako kinakabahan ngayon naman pakiramdam ko lahat ng dugo ko bumaba ng makita ang lalake na kakapasok lang. At kagaya ko mukhang nagulat din siya.

"What the heck is this?" Sabi nang lalake. Aru jusko. ingles na naman.

"sir drake. siya yung kawatan na nahuli namin sa lab." Sabi nung isang guard. sarap sapakin ni kuya ng mawala ang ngisi sa mukha.

Lumalim yung titig sakin nung lalake. teka, drake daw yun pangalan. Teka ulit may naisip ako.

"Oy! Pareng drake! Sabi ko na nga ba nandito ka para pakawalan ako." Ngumisi pa ako sa kanya.

"Sir kilala niyo?" tanong ni kuya guard kay drake.

"Oy kiya kilala ko niyan! Close ata kame. hehe."

"Hoy ikaw mag sisinungaling ka pa." akmang babatukan ako nang isa ng mag salita si pareng drake.

"Stop that. Yes I know her." Grabe yung titig niya sakin nung sinabi niya yun. teka lang. Ano daw sabi niya? Stap...know her? Teka, yung 'her' sabi ni alfred babae daw yun. Ahh, ok na gets ko naman yung sinabi niya. Wow. Gumagaling na ako sa ingles. Dapat talaga, dalas dalasan ko na ang pakikinood ng t.v sa kapit bahay.

"Wag kang tumawa diyan." Naiinis na sabi niya sakin bago bumaling sa dalawang guard. "Let her go."

"P-pero sir."

"I said let her go. I will take care of her. And besides you two don't wanna get fired for being careless, right? It's the third times this thing happened. Kung ayaw niyong masesante sa pagiging pabaya ay wag niyo nang paalam to sa mga admins. Especially to my father. And tell your head to hire more security."

Teka lang, pinagtatanggol ba ako ni pareng drake? ayos ah. Lumawak lalo ang ngisi ko ng dumako ulit ang tingin niya sa akin. Tapos tinanggal nadin nila kuya guard yung pagkakatali ko sa upuan. Grabe ang sakit lang.

"Uyy, tenk yu!" Pasalamat ko dun sa dalawa at agad akong lumapit kay drake. "Bossing drake! Salamat!" Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso.

"You two! do what I say." Sabi niya sa dalawa.

"Yes sir." sagot nila.

Hinila niya agad ako palabas. "Teka bossing, san mo ako dadalhin?" tanong ko kasi di niya ako binibitawan.

"Sasama ka sakin."

"Huh? teka bossing, dadalhin mo naman ba ulit ako sa pulis?" tanong ko at sinubukan muling kumawala sa hawak niya.

"Hindi. Sigurado naman akong makakatakas ka." Lalong humigpit yung hawak niya at nagtaka ako ng dalhin niya ako sa isang sasakyan.

"Uyy! teka teka! San mo ko dadalhin?" Tang na naman. Hindi naman kidnap to no? wala siyang mapapala sa akin eh. Teka! "Oi. kung may balak kang pagsamantalahan ako. tang na lang! wala kang makukuha sakin. Magkamatayan muna tayo."

"What the heck? Wala akong planong gawin yun. Sakay!" Utos niya ng buksan ang pinto ng kotse. "Wag mong subukang tumakas kung ayaw mo sa kulungan dumiretso." banta pa niya.

"P-pero teka...bossing san mo ako dadalhin?" kakamot kamot pa ako. Paano nalang kung may gawin sakin na di maganda ang lalakeng ito? Aaminin ko na pogi siya pero di padin ako dapat nagtitiwala dito.

"Sakay." Utos ulit niya at tinulak na ako paloob kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Kung ano man ang mangyare bahala na. Hahanap nalang ako ng tyempo para tumakas.

Nasa tabi ko na siya at pinaandar ang sasakyan. Tinahak namin yung daan papunta sa #######. Teka bat dito kami pupunta?

"Bossing san tayo pupunta? Uyy!" Pangungulit ko.

"Shut up. Pasalamat ka hindi tayo sa presinto dumiretso."

"San nga tayo pupunta?"

"My house."

"Teka, bat dun? Oyy! sabi ko na nga ba may binabalak ka! Pogi ka nga, manyakis ka naman!"

"Shh."

"Pakawa---"

"Shhh."

"Boss---"

"Shhh." Tinignan niya ako ng masama.

Tss. Nanahimik nalang ako. Makakahanap din ako ng tyempo tignan mo!

Huminto yung kotse niya sa isang malaking gate bago bumukas iyon at pinasok ang kotse sa loob.

"Hanep, bossing bahay mo to?" Manghang tanong ko. ang yaman pala ng lalaking ito.

Nauna na siyang bumaba bago buksan ang pintuan ko.

"Wag mong subukan tumakas." Hinila niya agad ang braso ko at kinaladkad paloob. tang na! wala talaga akong takas. may sumalubong samin. katulong ata kasi tinawag niya na sir si bossing drake eh. May inutos siya na kung ano-ano kay manang bago hilain niya ulit ako kung saan.

Dinala niya ako sa isang kwarto. Woah?! rereypin na ba ako ng lalaking ito? Lalaban talaga ako.

"Dito ka lang at wag mong subukang tumakas." Agad niyang sinara yung pinto nang hindi man lang ako nakakapag salita.

G@go yun ah! Iniwan talaga ako dito? ano namang balak nun? Tss. inilibot ko yung paningin sa silid. tang na lang. Kama lang at kabinet meron dito at aircon. yung bintana naman ay may bakal kaya malabong makatakas ako.

Napabuntong hininga ako at naupo sa kama. Siguro kung ibang tao ang nasa kalagayan ko ay baka nagwawala na dito sa takot. Pero di ko maintindihan ang nararamdaman ko kasi man lang ako nakaramdam ng takot. Tss. pero kung may balak talaga na di maganda yung lalaking yun lalaban talaga ako, di siya makaka isa sakin.

***

A/N: explain ko lang po. Nakakaintindi naman kahit papaano ng basic english si anna, pwera nalang kung kakausapin siya ng mabilis. Hindi niya talaga maiintindihan.

Yun lang. Vote and comment! :)

Ppyong!

~~ZD

the thief who stole my heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now