1

16 1 0
                                    

°˖✧◝LOVE AND FALL| 1◜✧˖°


"Saan punta mo hyung?" tanong ni Donghyuk nang mapansin nyang paalis si Bobby

"Dyan lang, magpapahangin." kaswal na sagot ni Bobby

"Yan ka nanaman hyung eh..." halata ang pag-aalala sa boses ni Donghyuk. Alam nya kasi na ganto ang kaibigan kapag may problema, at ilang araw na itong ganoon.

"Ok lang ako Dong. Babalik ako agad." Bobby gave him a reassuring smile. Para di na mag alala ang kaibigan.

Kailangan ko lang huminga...

---

Times like this, naglalakad lakad lang si Bobby sa kung saan man sya dalhin ng mga paa nya. Pero ngayong gabi, naisipan nyang uminom sa tabi ng Han River. Humanap sya ng magandang pwesto, walang tao,  walang ingay.

Umupo sya sa isa sa mga bench, kasama ang dalawang can ng beer. This is how he try to escape the world he chose, na ngayon ay unti-unti nang nagiging toxic para sa kanya.

Tahimik lang syang nakaupo duon, nagiisip at pinipilit alisin ang mga malulungkot na ala-ala,  habang umiinom ng alak. Gusto nya nang kalimutan agad ang mga ito dahil hindi iyon nakakatulong.

Maya maya naagaw ng atensyon nya ang isang babae sa kabilang bench. Nakunot ang noo nya nang marinig itong umiiyak.

Kanina pa ba sya nandito? Bakit sya umiiyak?

Dala marahil ng alcohol,  tumabi sya sa babae, umupo lang sya don. Hindi kaaya aya ang tunog ng pag-iyak ng babae pero nanatili lang tahimik sa tabi si Bobby. Siguro'y para damayan ito, at damayan ang sarili. Hindi alam kung bakit pero biglang gumaan ang pakiramdam nya.

Pero iyak parin ng iyak ang babae, tingin nya ay basang basa na ang panyo nito sa luha nya. Kaya lumapit sya lalo sa babae, malapit na magkadikit na ngayon ang kanilang balikat. May kakaibang kuryenteng naramdaman si Bobby pero binalewala nya lang iyon.

"Lika dito." Bobby tapped his shoulder, "Lean on me." ngunit nakatitig lang sa kanya ang babae habang nakakunot ang noo. Kaya sya na mismo ang kumilos,  maraha nyang isinandal sa balikat nya ng ulo nito. 


"Oh bakit ka huminto?" tanong ni Bobby sa babae nang matigil ito sa pag iyak.

"May problema ka din ba?" tanong ng babae, hindi umimik si Bobby. He just drew a heavy sigh.


"Anong pangalan mo?" tanong ulit ng babae.


"Bobby." tipid na sagot ni Bobby. Pareho lang silang nakatanaw parin sa kawalan.


"Salamat, Bobby. Gumaan pakiramdam ko." sabi ng babae. Nginitian nya ang babae.


ako rin...


"Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong naman ni Bobby

"Hani." sagot naman ng babae. He chuckled as he remember someone from her name na nagtrigger ulit para bumalik ang lungkot.



Nanatili lang silang tahimik sa tabi ng isa't isa. Dinadama ang hangin kasabay ng lungkot. Pero sa kabila non, pareho nilang pigsaluhan ang kapayapaan sa katahimikan...


ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ

ang lame ata uhuhuhu

at oho sinunod ko po sa pangalan ni Hanbin coz double b paren mga repapips! hahahahaha

--denden

°˖✧◝LOVE AND FALL | BOBBY◜✧˖°Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang