3

5 0 0
                                    

°˖✧◝LOVE AND FALL| 3◜✧˖°

"Hi!" masiglang bati ni Bobby kay Hani nang matagpuan nya nanaman ito sa parte na iyon ng Han River.

"Hi!" bati din ni Hani nang may malaking ngiti sa kanyang labi na nagpangiti pa lalo kay Bobby.

Mas maganda sya pag nakangiti...

"Lagi ka talaga dito no?" tanong nya sa dalaga.

"Parang ganun na nga. Masarap kasi tumambay dito pag gantong oras, napakapayapa ng paligid diba?"

"Oo nga. Kaya siguro dito ka umiiyak no?" hindi tumugon si Hani sa halip ay tumingin sya sa mga mata ni Bobby, para bang nangungusap, ngunit hindi nya iyon mabasa, pero di nya din magawang bitiwan ang mga tingin nito.

Pero si Hani, kabila ng masayahing ugali ng binata, alam nya na marami din itong iiiyak.

"Ok lang umiyak, Bobby. Mas nakakabawas iyon sa bigat na nandyan." sabi ni Hani

He was taken aback by what she said. These past few days,  he always feel like crying, out of frustration. But tears aren't just coming.

Nagulat sya ng biglang umiyak si Hani. Nataranta sya dahil baka may biglang mapadaan at isiping pinaiyak nya ito. Hinanap nya agad ang dalang panyo para ialok sa babae pero natigilan sya sumunod na sinabi nito.

"Try mo din umiyak, dali. Sasabayan kita." sabi ni Hani habang nakatingin sa mata ni Bobby

Then in a split seconds, naramdaman na nyang nagbblur ang kanyang paningin. Natawa silang pareho nang tumulo ang luha sa mata ni Bobby. Pero hindi nya iyon pununasan, humagulgol pa sya, silang dalawa ni Hani.

Sa tingin ng iba, siguradong iisipin nilang nababaliw na ang dalawang ito. Para kasi silang nagpapalakasan ng iyak tapos biglang magtatawanan. Pero para kila Bobby at Hani, they're having a good time in each other's company.

Nang mahimasmasan ay, pareho silang hingal sa kanilang ginawa.

Bobby stiffen when suddenly, she cupped his face and wiped his tears.

"Oh diba mas magaan sa pakiramdam."

Bobby smiled and nodded.

This girl... is really something...

ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ

°˖✧◝LOVE AND FALL | BOBBY◜✧˖°Où les histoires vivent. Découvrez maintenant