EPILOGUE

6 0 0
                                    

°˖✧◝LOVE AND FALL|EPILOGUE ◜✧˖°

Walang nagsasalita sa kanilang pito sa buong byahe papunta sa puntod ni Hani. Maliban kay Jinhwan na maya't mayang kinakamusta si Bobby. Sa kanilang lahat, si Jinhwan talaga ang pinakamaalaga at nag aalala pag may nangyare sa ni isa sa kanila, sya ang pinaka naapektuhan. Dahil narin siguro sya ang pinaka matanda, parang nanay na talaga sya ng iKON.

"Nandito na tayo, Hyung. Ready ka na ba?" tanong ni Hanbin nang huminto ang sasakyan. Hindi ito kumibo, nakatingin lang ito sa kawalan.

Sinamahan nilang lahat si Bobby sa puntod ni Hani.

Nang makita iyon ni Bobby, his tears fell automatically. Lalo na nang makita ang picture sa tabi ng jar ng abo nito. Nakangiti doon si Hani. Parehong pareho sa ngiting ipinakita sa kanya ng dalaga. Ang ngiting nakakapagpagaan ng pakiramdam nya noon, ngunit pumupunit na sa puso nya ngayon.

Wala na nga talaga si Hani. Wala ang babaeng kasama nya sa lungkot at ligaya. Ang babaeng nagbigay sa kanya ng lakas at kapayapaan sa dulo ng nakakapagod na araw. All this time, di naman na pala talaga sya nag eexist.

"Love..." iyak lang sya ng iyak. Maging ang mga kaibigan sa tabi nya ay di na napigilang maluha sa tagpong ito. Ngayon lang nila nakitang nagkaganito si Bobby.

"Love...Hani..I love you so much."

Marami syang gustong sabihin ngunit ito lamang ang lumabas sa bibig nya. Marahil sasabihin nya nalang ang mga iyon kapag nagkita na silang muli.

"See you in God's perfect time, Love. Maybe there, we could still continue our love story."

Hani, wherever you are. I know youre safe and sound. You are the most beautiful thing that ever happened to  me. I'll never forget you. You'll always be right here, in my heart. I love you, Love.

 ̄  ̄

Mula noon dumaan sa iba't therapy si Bobby. Nadepress kasi eto sa natuklasan. Pero bumalik na sya sa dati after 2 months. Binigyan din sya ng pagkakataong pumunta ng US, kung saan naroon ang pamilya nya. Dahil higit sa lahat, pamilya ang tunay nating mapagkukunan ng lakas sa mga ganitong pagkakataon.

At pagkalipas nga ng 5 buwan, masasabi nya nang ok na ok na sya. At ngayon araw na ang comeback stage nila. Anim parin silang nagpatuloy sa grupo dahil kailangan daw muna ni Hanbin ng space para kilalanin pa lalo ang sarili nya at naintindihan naman nila yon.

Nang gabing iyon, matapos ang after party ng kanilang successful na comeback stage, pumunta sya sa Han River. Sa tagpuan nila ni Hani. Ito ang unang beses nyang pagbalik dito mula nang matuklasan nya ang lahat.

Nandoon padin ang inukit nyang pangalan nila. He smiled bitterly when he saw it again.

BOBBY ♡ HANI

Tanda nya pa, noong araw na sinagot sya ni Hani nya ito isinulat dito. Ang una nilang pag-aari. Naisip pa nga nila noon na bilhin ang parteng ito para tayuan naman nila ng bahay. Isa sa mga pangarap nila na hindi na matutupad, dahil wala di na sila magkasama.

Umupo si Bobby sa bench. Ibang iba na ang pakiramdam nya, parang dumoble ang lungkot.

Tumingin sya sa kanyang kanan, kung saan lagi nakaupo si Hani. Para bang nakikita nya doon ang babae. Nakatingin din sa kanya at nakangiti. Wala na nga ito pero buhay na buhay parin sya sa isip at puso ni Bobby.

"Hi, Love. I miss you."
kasabay noon ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Miss na miss nya si Hani.

"Waahh!" nagulat sya nang biglang bumulaga mula sa likod nya ang mga kaibigan

"Sabi ko sa inyo nandito si Hyung eh. Akin na mga pera nyo." sabi  ni Chanwoo at inilahad ang kamay para singilin ang mga hyung nya. Pasimuno talaga ito ng pustahan. Natatawang napailing si Bobby

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Bobby

"Bigla ka kasing nawala eh." sagot ni Donghyuk

"Move on ka na, hyung. Sama ka dito kay Junhoe, lagi to sa club eh." pagbubuking ni Chanwoo

"O kaya kayo nalang dalawa!"  pa ni Donghyuk at nakipag apir kay Chanwoo, kaya natawa silang lahat except kay Junhoe at binatukan ang dalawa.

"Grabe di parin  ako makapaniwala na iiwan mo kame para sa babae." sabi ni Yunhyeong.

"Yah, Yunhyeong, wag ka nga magdrama dyan di bagay sayo." comment ni Jinhwan.

"Wag nyo na ko konsensyahin di ko na kayo iiwan, ako ba si Hanbin?" biro nya, natawa ang iba pero sinimangutan sya ni Jinhwan.

"Hoy bat nasama pangalan ko jan?!" nagulat silang lahat nang biglang sumulpot si Hanbin.

"Hanbinah!"

At nagsimula na ang kantsawan. Tila bumalik na ulit sila sa dati. Silang pito na bumubuo sa iKON, at walang makakapagpabago niyon.

Sa puntong iyon, Bobby realized something. That it is just natural to LOVE and FALL. Someone can't just exist without experiencing those. Loving comes with Falling. It is a cycle that makes our world go round. So it's OK to be feel the love, and to eventually face downfall. You just need to be wise to conquer it all.

And there's always a silver lining in everything. Para kay Bobby, ito ay ang muling pagsasama sama nilang pito ngayon, ang iKON.

At nagpapasalamat sya sa Diyos dahil pinaranas Nya ito sa kanya in a meaningful way.

Ngayon ay plano nya nalang na magfocus muna sa iKON, sa mga kapatid nyang never syang iniwan... except kay Hanbin opzx dejoke lang hahahaha

๑´• –THE END– • '๑

°˖✧◝LOVE AND FALL | BOBBY◜✧˖°Kde žijí příběhy. Začni objevovat