15

5 0 0
                                    

°˖✧◝LOVE AND FALL |15◜✧˖°

Came Sunday.

Nagpanggap si Bobby na masama ang pakiramdam nya kaya hindi makaka attend ng practice. Desidido na talaga sya. Makikipagkita kay Hani sa tagpuan nila at iiwan na ang mundong pinaghirapan nya para harapin ang panibagong mundo kasama si Hani.

Nang 5pm na, nagmamadali syang umalis ng dorm dala ang mga mahahalagang gamit nya. Ayaw nyang maabutan sya sa akto ng mga kaibigan nya. Walang nakaka alam na aalis na sya ngayon, kahit ang pamilya nya.

Wala pa syang concrete plan sa pag alis na ito pero naisipan nyang bumalik ng US kasama si Hani at duon na mamuhay.

This is going to be a big step for him but all he knew right now is that he loves Hani that he'll move a mountain just to be with her. Napapailing sya sa naiisip.  Noon pa lang naman ay dumaan na sa isip nya na someday mangyayari ang ganitong pagkakataon, at nangyayari na nga ito.

He's nervous but excited at the same time. Sana sumama sakin si Hani...

Ngunit pagdating nya doon ay hindi si Hani ang nadatnan nya. Kundi ang kanyang matalik na kaibigan,  si Hanbin...

Bakit sya nandito?

"Hanbin??"

"Bobby hyung, dami mo atang dala. San punta mo?"

Humarap ito sa kanya. Ganoon parin ang itsura ng kaibigan,  medyo pumayat lang. Dahil siguro sa stress na dala noong issue. Pero di parin maalis ang pagtataka ni Bobby. Luminga linga sya sa paligid.

Nasaan si Hani???

"Si Hani ba ang hinahanap mo?" tanong ni Hanbin

"Pano mo nalaman? Anong ginagawa mo dito?" bigla syang nakaramdam ng inis kay Hanbin. Hahadlangan din ba nito ang pagiibigan nila ni Hani?

"Si Hani... Wala na sya, Hyung." natawa sya sa sinabi ng kaibigan.

"Anong sinasabi mong wala na sya? Saan sya nagpunta?" bakit naman kasi ito aalis eh sya nga ang nagsabi na mag kita sila ni Bobby dito.

"Wala na sya, Hyung. Matagal na syang patay!" Bobby's jaw clenched, tila nagpintig ang tenga nya sa sinabi ng kaibigan. Hindi ito magandang biro.

"Ano bang pinagsasabi mo, Hanbin? Ah siguro kinausap ka ng YGE para pigilan kami ni Hani no? Lintek na kompanya yan! Well guess what, di nyo ko mapipigilan!" Buo ang loob nya nang bitawan nya ang mga salitang yon. Ganoon nya kamahal si Hani.

°˖✧◝LOVE AND FALL | BOBBY◜✧˖°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon