5

4 0 0
                                    

°˖✧◝LOVE AND FALL| 5◜✧˖°

After 1 month, nang matapos ang kanilang Japan Tour at iba pang schedule, excited na gumayak si Bobby. Pupunta syang muli sa Han River. Pupuntahan nya si Hani.

"San punta mo, hyung?" tanong ni Donghyuk, ito ang laging nakakakita sa kanya pag aalis. Ilang ulit nya na itong naitanong kay Bobby, at syempre pareho padin ang sagot nya

"Dyan lang~" maliban nalang ngayon na may excitement sa tono ng boses nya. Excited naman talaga sya. Excited na syang ikwento kay Hani ang lahat ng nangyare nitong nakakaraang araw.

"May girlfriend ka na ba hyung?" panunukso ni Donghyuk.

"Wala~" kaswal nyang sabi habang pinapaliguan ang sarili ng pabango.

"Wala daw pero grabe ang pabango. May date kayo ngayon?" di sumagot si Bobby. Date nga ba iyon? Date ba ang ginagawa nila ni Hani?

"Yiiiii ikaw hyung ha. Di ka nagsasabi!" panunukso ulit ni Donghyuk pero abala si Bobby sa pag aayos ng buhok nya.

"Pero hyung, seriously speaking, kung sino man yang babae na yan, ingatan mo sya alam mo naman sa YGE." natigilan si Bobby sa pagaayos

  "Nung umalis si Hanbin-hyung, kita ko kung gaano ka naapektuhan, kahit di mo sinasabi sakin, samin. Pero alam namin yun, hyung"

Mula kasi nang malagasan sila ng isang myembro, si Hanbin, ang best friend nya, lagi na syang nagpapanggap na ayos lang ang lahat, para sa mga kagrupo nya na parang kapatid nya narin. At syempre sa fans nila na walang sawang sumusuporta sa kanila.

Di nya alam na pansin pala iyon ng iba.

"At kailangan ko talaga sya makilala, magpapasalamat ako sa babaeng yon dahil nakikita kong unti unti ka nang bumabalik sa dati, hyung..."

Bobby look at his reflection in the mirror, focusing on the details. Ang ayos ng itsura nya ngayon. Dahil nga ba ito kay Hani? Siguro...

Just imagining Hani patiently waiting for him in the bench beside the river made him smile...

Siguro nga...

ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ

°˖✧◝LOVE AND FALL | BOBBY◜✧˖°Where stories live. Discover now