7

4 0 0
                                    

°˖✧◝LOVE AND FALL| 7◜✧˖°

"Bobby hyung!" nabalik sa realidad si Bobby nang tawagin sya ni Chanwoo. "Basketball tayo, sa Han River."

Natulala ulit sya nang marinig ang Han River, pumasok sa isip nya ang ilang gabing pinagsamahan nila ni Hani. Dalawang linggo na nang huli silang magkita. Bukod sa naging busy sya dahil sa pinaghahandaan nilang comeback, parang ayaw nya pa munang harapin si Hani.

"Hoy, hyung! Tulala ka nanaman jan. Ano ba—"

"Ah sige. Bihis lang ako panglaro." pinutol nya ang sasabihin ni Chanwoo dahil alam nyang magtatanong lang ito nang magtatanong. At wala sya sa mood para ientertain ang mga iyon.

Dumiretcho nalang agad sya sa kwarto nya para magbihis at matakasan ang mga nagtatanong na mata ng mga kaibigan.

 ̄  ̄

"Wait lang CR lang ako." paalam ni Bobby sa mga kaibigan para sandaling matigil ang laro.

Hindi naman talaga sa CR ang punta nya. Kanina pa din kasi sya di mapakali. Hindi nya alam kung bakit. Ngunit parang may kinalaman duon si Hani. Parang may sariling utak kasi ang paa nya at dinala sya papunta sa tila tagpuan nila ng dalaga.

As expected, nandoon nga iyon. Lalapitan nya na sana ito nang marinig nyang may tumawag sa kanyang pangalan. Nang lingunin  nya ito ay si Donghyuk pala.

"Hyung, anong ginagawa mo jan? dito ang daan sa CR. Tara na sasabay na ko."

Nang ibinalik nya ulit ang tingin sa kinaroroonan ni Hani ay wala na ito doon. Siguro ay namamalikmata lang sya. Gaya nang parating nangyayare sa kanya. Kung saan saan nya din kasi nakikita si Hani na para bang dito na umiikot ang mundo nya. Gusto nyang kumpirmahin ang nadarama ngunit, natatakot din sya sa magiging epekti nito sa mga tao sa paligid nya.

"Ah wala tara na." sa huli ay binalewala nya nalang ang nakita.

Damn Hani, what did you do to me???

ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ▂ˇ

°˖✧◝LOVE AND FALL | BOBBY◜✧˖°Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang