I cannot dictate my own emotions when I'm with him, unlike how I could manipulate my feelings when I'm with other people. Kay Isaac, hindi ko talaga kayang kontrolin ang sariling mga emosyon ko. If I'm happy with him, it really shows on my face. Kahit itago ko, di ko kaya. And it's stressful! Bakit kasi pagdating sa kanya, ang transparent ko?!

"Friends?" He raised a brow.

"Friends naman tayo diba?" I countered but he just gave me a blank look.

Umiling siya. "Bawal 'yan," untag niya.

"What do you mean bawal?" I'm talking about friendship and he just said bawal. Ano 'yon?

"Bawal tayong maging magkaibigan. 'Di puwede," sumubo siya sa kanin niya. Iminuwestra naman niya ang pinggan ko. "Eat up," dagdag niya.

I only darted him a confused look. "I thought we're friends? H-hindi ba?" Nalilito kong tanong. "I mean, we're hanging out naman. We treat each other casually. We go out from time to time. Nililibre mo ako. Isn't it friendship?"

Taka akong napakurap nang bitawan niya ang kutsara niya saka ako pinatawan ng hindi makapaniwang tingin na may halong galit. "Tangina, friendzoned ba?" He whispered something to himself.

"Sinasabi mo jan? Lakasan mo, 'di 'ko marinig!" I hissed.

"We're not friends. We'll never be friends," he cleared.

Oh? Well, that's hurtful to hear. Nadoble tuloy ang pagkalito ko. "B-bakit hindi?"

Nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya. "Because I don't date my damn friends, Catalya," he muttered before eating his food again, avoiding my eyes now.

I stopped. And I think I stopped breathing for a little while. "W-what?" So what if he doesn't date his friends? Ano naman ngayo–

Napatitig ako sa kanya nang may mapagtanto ako. Tanga ako kung di ko naintindihan ang sinabi niya.

"Kumain ka na," aniya at sumubo ulit sa pagkain niya. Kinuha ko ang baso ko at sumimsim sa juice na naroon habang hindi binibitawan ang tingin ko sa kanya.

"If this isn't friendship, then what is it? H-hindi naman 'to date d-diba?" Shet, kinabahan ako bigla. But my voice souded hopeful which is so strange.

His brows furrowed and he chewed his food. "Manhid neto, tsk," he whispered something again which I did not hear.

"Stop whispering because I can't decipher what you're saying to yourself!" Sikmat ko sa kanya. Bulong kasi ng bulong, baka minumura na ako ng pasikreto, aba!

Isaac sighed. "Nanliligaw na ako, Catalya. Hindi pa ba halata?"

Pakiramdam ko, nabasag ang bungo sa ulo ko sa narinig.

"Y-you're courting me?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

He nodded so manly before drinking at his own cup.

T-totoo? Tama ba narinig ko? Ewan ko! I j-just–

"Really? You're not joking?" I asked again.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Where stories live. Discover now