“Kung makatingin ka kasi lagi kay Estefanio, parang sa kaniya lang umiikot ang mundo mo. Parang siya lang ang nakikita mo. Daig mo pa si Lolita oh,” bulong niya sa akin. Napataas muli ang kilay ko sa kaniya.

“Excuse me lang po ah, pero artista kayo at P.A. lang ako. Pero bakit niyo pinagkakaabalahang pansinin ako ha?” giit ko sa kaniya. Pilit kong hinihinaan ang boses ko.

Tumawa siyang muli at nang magsasalita pa sana siya ay bigla namang suminggit sa pagitan namin si Gwendelyn na kanina'y nasa may unahan ko lamang.

“Hindi pwedeng magkagusto diyan si Juliet. Bituwin 'yan oh, tapos kami lamang-lupa lang!” Nagulat ako dahil sa lakas ng boses niya kaya't agad kong binusal ang bibig niya gamit ang kamay ko.

“Mmmmm” Pilit siyang kumakawala sa akin at gusto pa sanang magpatuloy. Sakto namang napatingin  sa amin iyong babaeng isa sa mga wardrobe designer. Tinitigan kami nito nang masama kaya't agad din kaming umayos ni Gwendelyn. Maging si Romialdo ay nagkunwari ring walang alam sa pinaggagawa namin. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

“Tama naman ako ah,” natatawang saad ni Gwendelyn. Sinenyasan naman siya ni Romialdo na huwag masyadong lakasan ang boses nito. “Hindi ba't mahirap magkagusto sa isang international superstar? Ang daming kaagaw.”

Hindi ko aakalaing matitigilan naman ako sa sinabi niya. Ilang saglit pa akong natulala at inisip ang huli niyang sinabi. Kasabay nito, tumama muli ang tingin ko kina Estefanio at Lolita.

Tama naman si Gwendelyn, malabo at mahirap magkagusto sa isang tulad ni Estefanio...

“If I can't help falling inlove with you~”

Matapos ang huling pagtipa ni Lolita sa piano ay naramdaman ko na lang ang ilang butil ng tubig na bumabagaak sa akin. Napatingala ako sa langit at ilang saglit pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mabilis namang nagsiayos ng mga gamit ang staffs at nagsitakbuhan sa pinakamalapit na silong ang lahat.

“Pinakanta pa kasi si Lolita eh,” narinig kong reklamo ni Gwendelyn bago pa tumakbo't payungan si Romialdo. Bahagya na lang akong natawa. Agad ko rin namang binuksan ang dala kong payong at tumakbo patungo kay
Estefanio na nasa gitna pa ng mga nagsisitakbuhan ding tao. Natawa na lang siya nang lapitan ko siya.

“Why are you laughing?” Pareho na kaming bahagyang basa habang magkasama sa iisang payong. Nagmamadali akong maglakad subalit siya naman itong pabagal-bagal na tila ay in-enjoy pa ang pag-ulan. Wala akong nagawa kundi sabayan siya dahil kung mauuna ako ay mababasa na siya.

“Wala, kanina ko pa kasi gustong tumawa. Mabuti't napigilan ko lang sa eksena.” Taka ko naman siyang pinagtaasan ng kilay.

Muli siyang tumawa dahil sa reaksiyon ko. Napakibit-balikat pa siya. “I don't know, I just feel like laughing,” aniya. Napangiwi naman ako. Siguro ganito talaga kapag mixed-blood, kung ano-ano ang naiisip.

“Juliet---” Pareho kaming napatigil at nabigla nang muntik na siyang madulas dahil sa kakatawa niya. Mabuti na lang at nakahawak siya sa akin. Kitang-kita ko pa ang reaksiyon niya kaya't natawa na lang din ako sa kaniya.

“Why are you laughing?” seryoso niyang tanong sa akin. Dinig ko pa ang malalim niyang paghinga.

“Wala, kanina ko pa rin kasi gustong tumawa. Mabuti't napigilan ko lang,” panggagaya ko sa sagot niya kanina. Natigilan kaming dalawa sa paglalakad at tinitigan niya lamang ako. Patuloy naman ako sa pagtawa at napansin ko na lamang na natawa na rin siya sa sarili niya.

Nang ma-realize naming para na kaming tangga sa ginagawa namin ay mabilis ko siyang hinila papunta sa building na sinilungan ng karamihan. Bahagya niya pang inagaw sa akin ang pagkakahawak ko sa payong para mabasa ako. Nabigla naman ako ngunit tinawanan niya lamang ako.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now