Chapter 36 - Changes

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala nang nagsalita pang muli. Alam kong nailang kaming lahat sa isa't isa dahil sa tanong ni Auntie Linda kanina. 

Natapos ang hapunan namin na seryos pa rin silang lahat. Si Keito nanahimik na. Si auntie Linda naman parang nahihiya na. Pero si Diero, nakatingin sa kawalan at seryoso yung mukha. 

Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nilang tatlo basta alam ko lahat yun ay tungkol sa tanong na yun. 

Nandito kami ngayon sa sala, nanunuod kami ng tv habang nakaupo. 

Magkatabi kami ni Diero sa sofa, tapos si Keito naman nasa rocking chair. Hindi ko alam kung bakit gusto nyang maupo dun pero si auntie Linda, nakaupo sa single lang na upuan. Kahit nanunuod kam ng tv, ramdam ko pa rin na malalim ang iniisip nila. 

Sa kalagitnaan ng panonood ay bigla akong nauhaw. 

"Diero.. punta lang akong kusina.. nauuhaw kasi ako e." bulong ko kay Diero. 

"Hindi.. ako na.." 

Tatayo na sana sya kaso pinigilan ko sya. 

"Ako nalang.. ako naman may kailangan e." sabi ko. 

Pero hindi na sya umimik pang muli. 

Tumayo na ko at nagpunta sa kusina. Pero nung kukuha na ko ng tubig sa ref ay biglang may nagsalita mula sa likod ko. 

"Pwede ba tayong mag-usap?" 

Pagharap ko sa kanya, si auntie Linda lang pala. 

Hindi ko ramdam na tatarayan nya ko kaya hindi rin ako nakaramdam ng kaba. Mukhang malungkot sya habang nakatayo sa harapan ko. 

"Ano po yun?" tanong ko. 

"Sorry kanina.. hindi ko dapat tinanong yun.. pero hanga ako sa'yo.. hanga ako kasi ang tapang mong sinagot yun.. alam kong ikaw lang ang nakapagpabago sa anak ko.. kanina ko lang syang nakitang ngumiti ng ganon.. kanina lang.. nung kasama mo sya.. sorry sa inasal ko kanina.. hindi ko dapat ginawa yun.. at alam kong marami ka na ring pinagdaanan.. dapat hindi na ko dumagdag doon.. pero pareho lang Cera.. ina ako at gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang ang anak ko.. wag lang syang masaktan.. gagawin ko ang lahat para sa kanya.. pero hindi ko magawang pasayahin sya.. hindi gaya ng ginagawa mo.. kaya sana mapatawad mo ko.." sabi nya. 

Kitang kita sa mga mata nyang sincere sya sa paghingi ng tawad. 

Naiintindihan ko rin naman sya kasi ina na rin ako. Kahit sino naman sigurong ina handang protektahan ang anak. Walang magulang ang hahayaang mapahamak ang anak nila. Hindi magulang ang tawag sa taong pinababayaan ang anak. 

"Ok lang po yun.. naiintindihan ko po.. wag po kayong mag-alala.. aalagaan ko rin po sya gaya ng pag-aalaga nyo sa kanya.." nakangiti kong sagot. 

"Salamat Cera.." 

Tapos hinawakan nya ang kamay ko sabay sabing.. 

"Gusto kong ilayo mo rin sya sa mga bagay na magpapahamak sa kanya please? .. hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay kasama ko sya.. hindi lahat ng bagay alam ko tungkol sa kanya.. malihim na tao si Diero.. hilig nyang sarilihin ang mga problema nya. please, samahan mo sya kung kailangan nya ng tulong.." 

Nangungusap ang mga mata nyang mahirap tanggihan. Pareho sila ni Diero. Ngayon alam ko na kung kanino nya namana ang magaganda nyang mata. Mga matang tanging gusto ay protektahan ang mga mahal nila. 

"Makakaasa po kayo auntie Linda.." 

Sagot ko tapos bigla nalang nya akong niyakap. Medyo nagulat ako ulit sa ginawa nya pero mas magulat ako sa sinabi nya. 

"Wag mo kong tawaging auntie Linda.. Mama na itawag mo sa'kin.." 

Kumalas ako bigla sa yakap na yun. Tiningnan ko yung mga mata nya kung seryoso sya at nakita kong seryoso talaga sya sa sinabi nya. 

"Talaga po?" 

Hindi ako makapaniwala na mga sinabi nya. Nakakatuwang isipin na gusto nyang tawagin ko sya ng ganon. Isang malaking pribelehiyo sa'kin yun lalo pa't boyfriend ko palang si Diero. 

Nakita kong tumango ko sya at sinabing... 

"..oo.. pwede mo kong tawaging mama.. nabanggit kasi sa'kin ni Diero na ulila ka na.. at sinabi mong parte na sya ng pamilya mo kaya parte ka na rin ng pamilya ko.." nakangiti nyang sagot. 

"Salamat po!" 

Sabi ko at agad ko syang niyakap. Hindi ko mapigilang maiyak kasi kahit papaano, may natatawag akong mama. At gagawin ko ang lahat para maging karapatdapat ako sa pamilya nila. 


******************* 


:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon