Chapter 25 - Real Confession

3K 84 39
                                    

******** 


Cera's POV 


Hindi pa rin ako makapaniwala na ganon nya na ko katagal kilala. Ganon katagal na nya gustong pakipagkaibigan sa'kin pero hindi ko sya napapansin. Pakiramdam ko, SNOB ako. 


"..tapos minsan, nasiraan ng sasakyan yung driver ko noon sa park pagkatapos namin dalaw sa bahay ampunan... tapos nakita kitang naglalakad mag-isa nung araw na yun.. noon ko nalaman kung san yung bahay mo at kung saan ka nagdadaan pa uwi kaya yun yung dahilan kung bakit araw araw na kong dumadalaw sa bahay ampunan.. para makita kitang dumadaan dun kahit boyfriend mo pa yung kasabay mo maglakad..." - Diero 


Lalo ko tuloy gustong makinig sa kwento nya dahil sa sinabi nyang yun. Pero aaminin kong nakangiti ang puso ko habang nagkukwento sya. 


"...nang magkaroon na ko ng sariling kotse.. hindi na ko dumadalaw sa bahay ampunan.. tumatambay nalang ako sa park at naghihintay na dumaan ka dun... naghihintay na makita ka na konti lang ang taong nakapaligid sa'yo... para makita kita ng maayos.." - Diero 

Nakakatuwa na syang tingnan ngayon kasi kahit mapula na yung pisngi nya dahil sa sugat, lalo pa yung namula. Kanina pa nga sya hindi makatingin sa'kin e. 


"...pati nga pagent at contest mo lagi kong pinapanood.. ni minsan hindi ako pumalya kahit gusto ng umuwi ni Keito noon, hindi pa rin kami umuuwi.. kasi gusto kitang makita na ngumingiti.. tumatawa.. at nagsasaya.. gusto ko makita lahat yun.. alam kong nakakatawa pero totoo yun.. sayang lang hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para pakipagkilala.. sayang kasi natorpe ako sa'yo.. kasi ikaw lang ang minahal ko simula high school ako..." - Diero 


Tapos tinitigan nya ulit ako sa mata sabay sabing... 


"HANGGANG NGAYON." - Diero 


Ang bilis ng tibok ng puso ko pagakasabi nya ng lahat ng yun. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkagusto sa'kin ang isang Diero Fausto. Hindi ako makapaniwalang mahal nya ko dati pa. At nanghihinayang na sana noon ko pa sya nakilala at naging kaibigan. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi nakilala ko sya ngayon. 

"..kaya gusto ko pa rin humingi ng tawad sa'yo kasi muntik na kitang maging taya sa karera.. sorry kasi hindi ko muna binasa yung invitation.. sorry kasi hindi ko sinabi sa'yo agad yung ibig sabihin ng sugat na to.. pasensya na talaga.." - Diero 

"Ok lang yun.. at least hindi mo ko hinahayaang mapahamak.." - ako 


Nakangiti lang ako sa kanya tapos sya seryoso, na parang nahihiya, na parang nagi-guilty pa din. At as usual, GWAPO. 


"Hahaha! Ngumiti ka na nga jan. Ok nga lang sa'kin yun! Kumain ka na baka natunaw na yung mga una mong sinubo.. hahaha!" - ako 


Tapos kumain din naman sya, pero ako hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Inaamin kong, lalo ko syang nagustuhan dahil sa mga sinabi nya. Mahal ko na yata sya. 

Pagkatapos nun ay natulog na kami sya ulit sa sala. Medyo puyat kasi kami kahapon e. 

Kinabuksan, pagkagising ko ay agad akong nagtimpla ng gatas para kay Kino. Pero paglabas ko ng kwarto isang mabangong amoy galing sa kusina. 

Pagpunta ko sa kusina, nakitang kong nagluluto si Diero. 

Teka, si Diero??? Nagluluto?? 


"Good morning." - Diero 


Hindi man lang sya nakakalingon pero alam nyang nandun na ko. Ang lakas ng pakiramdam nya. 


"Ano yung niluluto mo?" - ako 

"Sinangag." - Diero 


Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Pinapanood ko lang yung mukha nya habang nagluluto. Pati sa pagluluto seryoso sya. Ang dami nyang pawis kaya naisipan kong punasan yun at kumuha ako ng bimpo sa kwarto. 

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon