Chapter 36 - Changes

1.8K 57 6
                                    

****** 

Cera's POV 


Nandito na ako ngayon sa kusina. Kasabay kumain si Keito, auntie Linda at ang mahal kong si Diero. Magkatabi kami. 

Si Kino naman, pinaalagaan muna ni auntie Linda kay manang Berta. 

Habang kumakain kami, hindi namin maiwasang magkwentuhan tungkol sa ugali ni Diero noon. Hindi ko rin maiwasang ma-out of place sa kanila kasi parang sila sila lang ang nagkakaintindihan. 

"Cera.. alam mo ba? si Diero.. lampa yan dati e.. hahaha! pagsinuntok mo tumba agad! hahahaha!" pang-aasar ni Keito. 

Tapos muntik pa syang mabulunan kaya medyo natawa kaming lahat dahil doon. 

"Tss.. tumigil ka nga.." sabi ni Diero habang nakakunot ang noo. 

Alam kong naiirita sya dahil sa mga pinagsasasabi ni Keito.

Ako naman, medyo natatawa na rin sa kwento ni Keito dahil puro tungkol yun kay Diero. Si auntie Linda naman sinasakyan pa yung trip ni Keito. Nakakatawa din naman kasi ang mga kwento nya. 

"Hahaha.. naaalala ko pa nga nung kinurot mo sya Keito.. ang cute nya! hahaha.. kunwari pang pinipigilan ang iyak pero naiyak pa rin! hahaha.." sabi ni auntie Linda habang tumatawa. 

Pero nung na-imagine ko kung anong itsura ni Diero sa kwento ni auntie Linda, hindi ko maiwasang mangiti. Hehehe. Ang cute nga siguro nya. 

Nung kong tingnan si Diero, nakita kong nakatingin din pala sya sa'kin. Seryoso yung mukhang nya. Pero may isa akong napansin. 

Namumula yung pisngi nya. 

Nakakatuwa yung itsura nya. Lalo ko tuloy naimagine kung ano itsura nya noon. 

"Oy! kumakain tayo.. wala kayo sa park.." pangangantiyaw pa ni Keito. 

"Tss.." naman ang narinig ko kay Diero. 

Tinanggal ko na rin ang tingin ko sa kanya pero... 

"Wag mong titigan! baka matunaw.. hahahah!" pang-aasar nanaman ni Keito. 

Hindi naman na ako nakatingin kay Diero kaya alam kong hindi ako yun. Kaya naisipan kong tingnan si Diero kung nakatingin sya sa'kin pero nakita ko lang syang kumakain habang umiiling iling. 

Dahil hindi ko naman sya nakitang nakatingin sa'kin, naisipan ko nalang ipagpatuloy yung pagkain ko. Kaso bigla namang nagsalita si auntie Linda. 

"Cera.. kailan ka na-rape?" 

Napatigil kaming lahat sa pagkain dahil sa tanong niya. 

Kahit ako, parang huminto ang mundo ko. Ito na kasi yung kinatatakutan ko. Yung lalo akong ayawan ni auntie Linda dahil sa issue na yun. Baka hindi nya na talaga ako magustuhan para kay Diero. 

Nabalot ng tesyon ang buong mesa. 

"Mama naman.." sabi ni Diero habang nakakunot ang noo. 

Alam kong ayaw na rin pag-usapan ni Diero ang tungkol doon, pero kailangan ko tong kaharapin. Tutal nandito naman na ako, tatapangan ko nalang ang pagsagot ko. 

"April 18 po.." sagot ko. 

Kabado akong sumagot sa kanya. Sana tanggap nya pa rin ako kahit ganon. Sana. 

"Ganon ba.." 

Yun lang ang naging sagot nya tapos bumalik na kaming lahat sa pagkain. Kumain kami na parang walang nangyari. Hindi na namin inintindi ang tensyon kanina. Parang nawala na ito na parang bula. 

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon