Chapter 27 - Diero's Secret

3K 68 11
                                    

****** 


Cera's POV 


Pagkatapos kong magluto ay pumunta na ko sa kwarto para ayain si Diero kumain kaso nakita ko lang sya doon na tulala habang nakaupo sa gilid ng kama. Malayo ang tingin at mukhang malalim yung iniisip nya. 

Naglakad lang ako papalapit sa kanya. 


"Diero.." - ako 

"Oh.. bakit?" - Diero 

"Tapos na ko magluto." - ako 

"Ganon ba.. sige kain ka na.. si Kino pakainin mo na rin.." - Diero 

"Hindi ka sasabay sa'min?" - ako 

"Hindi e.. aalis ako." - Diero 


Seryoso yung tingin nya sa'kin. Parang may nangyayaring hindi ko alam. Pero sana naman hindi ako damay dun. 


"San ka naman pupunta?" - ako 

"Basta dito ka lang.. isarado mo yung pinto at wag kang lalabas mag-isa.. ok?" - Diero 

"...sii.....ge.." - ako 

"Sige alis na ko.. bye.." - Diero 


Tapos umalis na sya. Nakita kong hindi nya ginamit yung kotse nya. Naglakad lang sya. 

Pero dahil curious ako, naisipan kong sundan sya nung nakalayo na sya. Isinarado ko muna yung bahay at pinag-gatas ko muna si Kino. 

Habang naglalakad sya, bigla syang huminto ng walang dahilan. Pero nagulat ako nung bumalik sya ng paglalakad. Agad naman akong nagtago sa isang sasakyan. Tapos sya naglakad lang pabalik at huminto sa tapat ng sasakyan na pinagtataguan ko. 


"Iniwan mo si Kino mag-isa?" - Diero 


Alam kong nalaman na nyang sinusundan ko sya kaya lumabas na ko sa tinataguan ko. 


"Sorry.." - ako 


Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil mali yung ginawa ko. Dapat hindi ko iniwan mag-isa si Kino sa bahay.


"Tara na.. umuwi na tayo.." - Diero 


Sobrang seryoso pa rin yung boses nya. May sikreto yata talaga syang ayaw nyang ipaalam sa'kin. 

Naglakad lang sya nang nauuna sa'kin habang nakapamulsa pa rin yung kamay. 

Nang makarating na kami sa bahay ay kumain nalang kami at pinakain na rin namin si Kino. 

Habang kumakain kami, biglang may tumawag sa phone ni Diero. 


*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!* *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!* 


Pero pinatay lang nya yung tawag na yun. Hindi nya sinagot. 

Tiningnan ko lang sya pero sya tuloy tuloy lang sa pagkain. Pero tumunog ulit yung phone nya. 


*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!* *riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!* 


Pero hindi nya nalang pinansin yun at nagpatuloy pa rin sa pagkain. Hindi nya rin pinatay at patuloy lang yun sa pagtunog yung phone nya. 


"Hindi mo ba sasagutin yung tawag na yan?" - ako 


Baka naman kasi importante di ba? 


"Tss.. hindi naman importante e.. basta kumain nalang tayo, hayaan nalang nating syang tumunog dyan.." - Diero 

"Medyo.. nakakailang kasing kumain habang may maingay e." - ako 

"Ganon ba.. sorry.." - Diero 


Tapos inoff na nya yung phone nya para hindi na sya ma-contact. 


"Ok na.. kain na tayo.." - Diero 


Tapos nagpatuloy lang sya sa pagkain pero curious pa rin ako kung sino yung tumawag na yun sa kanya at ayaw nyang sagutin. 


"Diero.." - ako 

"Hmmm.." - Diero 


Pero hindi nya ko tiningnan at patuloy pa rin sya sa pagkain. 


"Sino ba yung tumatawag?" - ako 

"Yun ba? .. wala lang yun." - Diero 

"Pano kung may kailangan pala sya sa'yo tapos snob mo lang sya.. kawawa naman." - ako 

"Hindi yun.. kasamahan lang namin yun sa karera.. mas importante yung mabantayan kita." - Diero 


Tapos tinitigan nya lang ako na parang importante talaga ako sa kanya. Hindi malagkit yung tingin nya, pero gumanti din ako ng titig sa kanya. 


"Kaya kumain na tayo.. si Kino papaliguan pa natin di ba?" - Diero 

"Oo nga pala.. hehehe.. sige, tapusin na natin yung kain natin." - ako 


Tapos kumain nalang kami at pinaliguan si Kino. Habang nandun kami sa kwarto para bihisan si Kino, naisipan kong kilalanin pa sya lalo. 


"Diero.. hindi ka ba hinahanap sa bahay nyo?" - ako 


Tapos bigla syang natigilan sa pagpupunas sa buhok ni Kino dahil sa tanong ko. Parang may problema pa rin sya. 


"Hindi nila ako hahanapin." - Diero 


Tapos tinuloy na ulit nya yung ginagawa nya. 


"Ahmm.. ilang taon ka na ba? ..wala kasi akong gaanong alam tungkol sa'yo sana ok lang na tanungin kita ng tanungin." - ako 

"Ah.. ok lang.. karapatan mong malaman lahat tungkol sa'kin kasi nililigawan kita para mas lalo mo kong makilala.." - Diero 

"So.. ilang taon ka na nga?" - ako 

"20 years old na ko.. mas matanda ako kaysa sa'yo." - Diero 

"Ahmm.. ganon ba.. may kapatid ka ba?" - ako 

"Kapatid? hehehe.. ewan ko." - Diero 


Medyo naguluhan talaga ako sa sagot nya. Ano yun? Hindi nya alam na may kapatid sya? Hindi sya gusto ng kapatid nya? O baka naman magulo lang talaga sya kausap? 


"Anong ibig mong sabihin?" - ako 

"Hahahah.. wag mo nang intindihin yun.. basta, tapusin na natin yung pagbibihis kay Kino." - Diero 


Tapos nagpatuloy lang kami. 

Nagulat talaga ko nung tumawa sya. Wala naman kasing konek yun e. Parang may ayaw pa rin syang sabihin tungkol sa kanila. Mukhang tama nga si Greg, dapat hindi ako agad nagtitiwala lalo na sa taong hindi ko pa naman gaanong kilala. Baka ipinagtatanggol nya lang ako pero sya naman talaga yung may balak na masama. Haaaaaaayyyy....... Sumasakit talaga yung ulo ko kakaisip dun. 

Pero nagtanong ulit ako sa kanya. 


"Pano ka naging thug? i mean.. sino nagsali sa'yo sa ganyan?" - ako 

"Yun ba? .. si Keito nagsali sa'kin.. kami lagi magkakampi simula nung matuto akong makipagkarera.." - Diero 

"Ibig sabihin hindi ka pa natatalo kahit kailan?" - ako 

"Hindi pa.. next week palang." - Diero 

"Next week?" - ako 

"Oo.. next week na yung party, di ba nga sumuko ako? kaya automatic, talo na ko.." - Diero 


Anlaki pala talaga yung kinalaman ko dun sa pagsuko nya na yun. 


"Sorry.." - ako 

"Ano ka ba? .. ok lang yun.. ako naman may kasalanan e. hindi ko binabasa yung invitation.. akala ko kasi ordinaryo lang yun.. hindi pala. tss." - Diero 


Tapos nanahimik na kaming dalawa.

Pero bigla nya kong tinanong. 


"Matagal na ba kayong magkakilala ni Greg?" - Diero 

"Ah.. kami? Hindi naman masyado.. basta close kami." - ako 

"Ganon ba.." - Diero 


Biglang lumungkot yung boses nya. Pero tinanong ko ulit sya ng tanong na matagal ko ng gustong itanong sa kanya.


"Bakit mo ba ko minahal?" - ako 

"Walang dahilan.. pag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo sya ng walang dahilan kasi tanggap mo kung anong mayroon sya.. tanggap mo lahat tungkol sa kanya.." - Diero


Sobrang seryoso nya sa pagsagot ng tanong ko. Seryoso nga ba sya sa'kin? 


"Talaga? kahit........." - ako 

"Oo.. kahit pa may anak ka na.. handa akong tanggapin lahat.. matagal akong naging torpe sa'yo Cera.. yun yung dahilan kung bakit hindi kita na protektahan pero.. hindi na ko papayag na hindi pa rin kita mapoprotektahan.. lalo pa ngayon na binigyan mo ko ng pag-asa sa'yo." - Diero 


Hindi ko pa rin alam kung magtitiwala pa ba ako sa kanya lalo na ngayon pakiramdam ko may tinatago sya. Pero kitang kita sa mata nya na sincere sya.

NAGUGULUHAN TALAGA KO. 

Pero bigla naman syang nagsalita. 


"Cera.." - Diero 

"Bakit?" - ako 

"Hindi pa pala tayo naliligo.." - Diero 

"H-ha?" - ako 


Teka, ANO DAW??? Wag mong sabihing.. 


"Hindi yun yung ibig kong sabihin.. heheheh.. sorry.. nabigla ka ba?" - Diero 


Diero, oo.. nabigla ako. Haaaaayyyyyyy....... 


"A-a-ano ka-si......" - ako 

"Hahahah! Ibig kong sabihin.. uuwi na ko, maliligo muna ko sa bahay." - Diero 


Ah.. yun pala yun. Akala ko naman kung ano na. 


"Ah.. sige." - ako 

"Ge.. aalis na ko." - Diero 


Tapos tumayo na sya papunta sa pinto. 


"Isarado mo tong pinto ah.." - Diero 

"Sige.. bye!" - ako 

"Bye.." - Diero 


Tapos sumakay na sya sa kotse nya at umalis ako naman nagpunta na sa banyo at naligo na. 



****** 


Diero's POV 


Nagdrive na ko paalis sa bahay ni Cera. Totoo naman pupunta na rin ako sa bahay kaso may dapat pa kong daanan. Huminto na ko sa pagda-drive nung makarating na ko sa park. Naglakad lang ako malapit sa isang puno kung saan may nakatayong lalake sa likod nun. 

"Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?" 

"Kung nasa timing ka tumawag eh di sana nasagot ko.. tanga ka e.. alam mo namang kasama ko sya tapos bigla kang tatawag.. tss." - ako 

"Tss.. pero buti pumunta ka.. tumupad ka sa pangako mo.."

"Hindi yun pangako.. 










PUSTAHAN YUN." - ako 



********************** 


Vote. Vote. Vote 


:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon