Chapter 40 - The Traitor's Comeback

1.9K 41 1
                                    

****** 

Cera's POV 


Naiwan lang akong nakatayo sa kusina habang iniisip kung ano pa rin yung sinasabi ni Keito. 

"Uy.." 

Napalingon ako sa likod ko para tingnan kung sino yung nagsalita. Paglingon ko, si Diero na pala. Nakatayo lang sya dala dala yung dalawang iced tea. 

"May problema ba?" tanong nya. 

"Ah.. wala naman.. painom na ko.. nauuhaw na ko e." sabi ko sabay kuha ng isang iced tea. 

Nung kukuhanin ko nya yung iced tea, bigla nanaman nyang inilayo. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa nya. 

Nakita kong nakangiti nanaman sya ng lapad sabay sabing ".. kiss muna.." 

Tapos inilapit nya yung kabilang pisngi nya sa'kin. 

"Kailangan talaga may kiss pa?" tanong ko. 

"Aba, oo naman.. ang hirap kayang bumalik sa kwarto para kunin lang 'to.." sagot nya. 

"Ganon.. sige.." sabi sabay lapit ng mukha ko sa pisngi nya. 

Nakita kong nakapikit sya at sobrang lapad pa ng ngiti nya. Malapit ko na sana syang halikan kaso iba ang ginawa ko. 

Kinuha ko yung iced sa kaliwang kamay nya habang nakapikit sya at tumakbo ako agad pupunta sa cr para magtago. Naramdaman kong hinhabol na rin nya ako kaya binilisan ko pa ng takbo. 

"Ang daya mo!" sigaw nya. 

Pero tawa lang ang naisagot ko sa kanya. Nung nakarating na ko sa cr, ilolock ko na sana yung pinto kaso inilagay nya yung binti nya kaya inipit sya para hindi ko maisara yung pinto. 

Hindi ko na pinilit isara yung pinto kasi ayoko naman na masyado syang masaktan. 

"Sige na.. tama na.. suko na ko.." hingal na hingal kong sagot. 

"Ang daya mo kasi e.." sagot nya habang magkasalubong ang kilay. Ang cute nya nga e. 

"Oo na.. teka lang iinom muna ko.. kanina pa ko uhaw na uhaw e.." sabi ko. 

Tutungga na sana ako pero may nakita akong lumulutang sa inumin ko kaya itinapon ko yun. 

"Ano yung inilagay mo sa inumin ko?!" tanong ko. Medyo napalakas yung boses ko dahil sa sobrang gulat. Hindi ko inaakalang may ganon pala sa inumin ko. 

Pero tawa nanaman ang naging sagot nya. Para nanaman syang nababaliw. 

Nung tiningnan ko sa sahig kung ano yung inilagay nya, nakita ko ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay ko. 

Yung laruang ipis. 

Pinulot ko yun ng dahan dahan habang naaalala ko kung gaanon yung kaimportante sa'kin. 

"Wag ka nang iiyak ka ah.." sabi ni Diero. 

Napatingin ako sa kanya. Kita sa mga mata nya ang pag-aalala na baka umiyak ako ulit. Pero sinagot ko sya ng ngiti. 

"Thank you.." sagot ko sabay yakap ko sa kanya. 

Alam kong medyo nagulat sya sa ginawa ko pero niyakap nya rin ako. 

Naalala ko ulit yung ginagawa ni papa sa'kin dati gamit 'tong laruang ipis na 'to nung bata pa ko. Magseserve sya ng sopas sa mangkok pag natutulong ulit ako sa banyo tuwing umaga pag tinatamad akong pumasok. Kasi ayaw ko pang maligo dahil malamig yung tubig kahit nalagyan na yun ng mainit na tubig. Isusubo nya sa'kin yung isang kutsarang sopas na may laruan na yun habang nakapikit ako kaya pag naramdaman kong may magalas sa dila ko, bigla akong nagigising. Tapos yayakap ako sa kanya. 

Tapos yun lang din ang paborito kong laruan kasi kahit marami akong laruan iba. Kahit yun lang ang laruan ko masaya na ako kasama si papa. Si papa yung kalaro ko kasi ayoko makipaglaro sa iba. Inaaway lang ako ng mga nagiging kalaro ko. 

Minsan nga itinatabi ko pa yung laruan na yun sa pagtulog e, para daw yung paglaban ko sa totoong ipis na gustong kumagat sa talukap ko. 

Napapangiti na ko ngayon pag naaalala ko yun. Hindi ako dapat malungkot sa pagkawala ni papa. Kasi alam kong buhay sya dito sa alaala ko pati sa puso ko. 

Naramdaman kong bumitaw na sa yakap si Diero kaya bumitaw na rin ako. 

"Ok ka na?" tanong nya. Pero tango lang ang naisagot ko. "Buti naman.. tulog na tayo? 11 na e.. baka malate pa tayo bukas.. tutal, natatandaan mo na yung mga lessons mo noon.." 

Tapos kinuha na nya yung laruang ipis at iniabot sa'kin. "Nakita ko kanina sa kwarto mo.. nalaglag siguro sa sahig.. kaya ayan, pinulot ko.. sorry wah.." 

"Wala yun.. ako dapat magpasalamat sa'yo.." sabi ko habang nakangiti. 

Sa totoo lang gusto kong magpasalamat sa kanya. Ang dami kong napagtanto nung dumating sya sa buhay ko. Naintindihan ko yung mga bagay na mahirap intindihin. 

"Wala yun.. oh, ito na yung iced tea.. inom ka na.." sabay abot sa'kin ng isang iced tea. 

Ininom ko yun. Seryoso na rin kasi kami pareho at wala na yung kalokohan namin kanina. 

Pagkatapos ko uminom, nagpunta na ko sa kwarto ko pero syempre hinatid nya muna ko. 

"Good night.." sabi nya habang nakangiti. Tapos tumalikod na sya pero... 

"Sandali lang.." sabi ko. Tapos humarap ulit sya sa'kin. 

"Bakit?" tanong nya. 

Agad akong lumapit sa kanya tapos binulungan ko sya sa tenga ng.. ".. i love you.." tapos hinalikan ko sya sa pisngi at tumakbo ako agad pupunta sa kwarto kaso.. 

"Teka lang.." sabi nya habang hawak hawak yung kamay ko. 

Sa totoo lang hindi ako makaharap sa kanya dahil sa ginawa ko. Hiyang hiya talaga ako. 

Kinuha nya yung kabilang kamay ko para humarap ako sa kanya. 

Pero nung nakaharap na ko, hindi ko pa rin sya matingnan kaya nakayuko lang ako sa kanya. 

Binitiwan nya yung isang kamay ko para hawakan nya yung baba ko at itinaas nya yung mukha ko. 

Nakita kong napakaseryoso ng mukha nya. Hindi sya nakangiti o nakatawa. Yung mga mata nakatingin lang sa'kin. 

Dahan dahan nyang inilapit yung mukha nya sa mukha kosabay sabing.. "..pwede ba?" 

Napakababa ng boses nya. Sobrang seryoso. Yun din ang dahilan kung bakit bumilis yung tibok ng puso ko't kumakabog na parang tambol. 

Hindi na ko nakasagot sa kanya. Nakita kong pinikit nya yung mata nya at dahan dahan pang lumapit yung mukha nya sa mukha ko. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko. At unti unti kong naramdaman ang pagdampi ng labi nya sa labi ko. 

Hinalikan nya ko sa labi. 

It's not passionate gaya ng iba pero ramdam ko yung init ng labi nya. Init na punong puno ng pagrespeto at pagmamahal na sa kanya ko lang naramdaman. 

Sandali lang yung halik na yun pero parang ang bagal ng oras sa'min. 

Nung naghiwalay na yung mga labi namin, tinitigan nanaman ako. Napakaseryoso nya, parang sya ulit yung Diero na nakilala ko noon sa park. 

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko basta ang alam ko ay malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kanya. 

"Wag ka nang lalayo sa'kin ah.." sabi nya gamit ang mababa nyang boses. 

Ramdam ko rin ang init ng hininga nya dahil malapit pa rin ako sa kanya. Yung mga mata nya parang nangungusap nanaman. Yun ang mga matang hindi ko kayang tanggihan. 

Kaya tumango nalang ako sa kanya. Pero sya ay niyakap ako sandali at hinalikan nya yung noo ko. 

"Tingin ko dapar ka nang matulog.." sabi nya tapos binuksan na nya yung pinto ng kwarto ko. 

Pumasok ako dun tapos nagsabi sya ng ".. good night na.." sa'kin. 

Pero ako, wala pa ring masabi dahil sa mga nangyari. Parang wala akong boses. Para akong nanghina dahil sa halik na yun. 

Sya na rin ang nagsara ng pinto at naramdaman ko yung yapak ng paa nya palayo sa kwarto ko. 

Dahan dahan lang akong naglakad papunta sa cr ng kwarto ko habang inaalala yung halik nya. 

Alam kong limang segundo lang yun pero parang isang minuto sa'kin yun. Para ginawa namin yun ng matagal. 

Nung makarating na ko sa cr, nakita ko yung sarili kong nakangiti ako sa harap ng salamin. Ang saya ko. Ang saya saya ko pala. Hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko. 

Pagkatapos nun ay natulog nako. 

Kinabukasan, nagising ako ng maaga kasi hindi ako masyadong sanay sa pang mayaman na higaan kaya medyo mababaw ang tulog ko. 

Pagkabangon ko, nakita ko yung isang paper bag sa dulo ng kama ko. Kinuha ko yun at tiningnan ko yung laman. 

Nakita ko lang ay isang damit at skirt. May medyas at underwears din. Halata na bagong bili lang yun dahil sa may tag pa. Tapos may nakita din akong note dun at binasa ko yun. 

"Mahal ko, si mama may bili sa'yo ng mga yan. Maligo ka kaagad ah, maaga kasi tayong aalis.." yun lang ang nakasulat sa note na yun. 

Agad akong naligo at nagbihis pagkabasa ko nun. Pagkatapos ay nagpunta na ko sa kusina para kumain. Nakita ko lang dun ay si manang Berta na nag-aalaga kay kay at si mama Linda na kumakain na. 

"Oh.. gising ka na pala hija.. nagustuhan mo ba yung damit?" napahinto si mama Linda sa pagkain para batiin ako. 

"Ah.. opo, salamat po ah.." sagot ko. 

"Hahaha.. wala yun. kaninang madaling araw lang namin binili yan.." 

"Po? may bukas na po bang mall ng madaling araw?" 

"Wala.. pero may online shop na bukas 24/7" nakangiti nyang sagot. 

"Ah.. ganon po ba? hehehe.. thank pa rin po.. si Diero po, nasaan?" tanong ko. 

"Hay naku.. nandun sa kwarto nya.. natulog ulit.. antok pa daw sya kanina e.." sagot nya. 

"Ah.. sige po, puntahan ko muna po sya.." sabi ko. 

"Sige.." sagot nya. 

Naglakad na ko papunta sa kwarto nya tapos nung makarating na ako dun, napansin kong bukas yung pinto kaya pumasok na ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama nya. Naupo ako sa gilid ng kama nya pa pagmasdan sya habang natutulog.

Naalala ko tuloy yung unang beses na makita ko sya sa park na natutulog. Ang gwapo pa rin nya. Hindi ko maitatanggi yun. 

Parang sya ulit yung lalakeng una kong nakilala. Sya yung lalakeng laging nagtuturo sa'kin. Yung lalakeng nagpapaalala sa'kin na lagi nya akong poprotektahan. 

Nakita ko sa sidetable nya yung reading glass na ginamit nya kagabi. Kinuha ko yun itinapat ulit sa mukha nya. 

Mas bagay pa rin talaga sa kanya yung naka-reading glass. Parang ang sarap nya kasing tingnan pag suot nya yun. 

Sa kalagitnaan ng pagpapantasya ko kay Diero ay biglang nag-ring yung phone ko. Agad ko naman yung sinagot nang hindi pa nakikita kung sino yung tumatawag dahil baka magising si Diero sa ingay ng tunog. 

"Hello?" bulong ko. 

"Cera.. pwede ba kitang makausap?" sabi ng babae sa kabilang linya. 

Si Frin. 


******************** 


:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon