Chapter 38 - Forever

1.8K 45 26
                                    

****** 

Cera's POV 


"Naniniwala ka ba sa forever?" biglang nyang tanong habang nakatingin kami pareho sa mga bituin. 

"Hindi e.." sagot ko. 

"Bakit naman?" 

"Kasi.. lahat ng tao pwede kang iwan.. walang nananatili habang buhay.. pag namatay ka.. tapos na ang lahat sa'yo.. hindi mo na maibabalik yun ulit.. saka wala pa namang nakakakita sa forever di ba?" paliwanag ko. 

Narinig kong nagbuntong hininga sya dahil sa sagot ko. 

Siguro, hindi nya inaasahan yung magiging sagot ko. Pero wala akong magagawa e. Yun ang natutuhan ko sa mga pinagdaanan ko. WALANG FOREVER. 

"Ako.. naniniwala ako sa forever.." sagot nya. 

Bigla akong napatingin sa kanya. Nakita kong nakangiti ulit sya habang nakatingin sa langit. 

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya. 

"Tama ka.. wala pang nakakakita sa forever kasi lahat tayo namamatay.. pero naniniwala pa rin ako.. kasi yung tunay na forever nasa puso mo yun.. nakadepende sa'yo kung maniniwala ka.." nakangiti nyang sabi. 

Parang galing talaga sa puso nya yung sagot nyang yun. Ang lalim lalim nanaman nya ngayon. Parang sya ulit yung unang Diero na nakilala ko. Ang Diero na laging nagtuturo sa'kin ng tama. 

"..kung maniniwala ka.. magkakaroon ng forever.. pero kung hindi ka maniniwala.. eh di wala.. walang forever.. kaya nga ako.. kahit parang iniwan ako ni papa.. naniniwala pa rin ako.. kasi.. hindi naman masamang maniwala.." pagpapatuloy nya. 

Ngayon mas lalo ko pa syang nakilala. Mas lalo ko syang minahal dahil sa paniniwala nyang bihira lang makita sa isang lalake. At gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat ako sa kanya. 

Pero tama sya, nakadepende sa'yo ang forever, hindi sa iba. 

Pagkatapos nun, naisipan na naming pumasok sa loob. Habang nasa tapat na kami ng pinto ng magiging kwarto, syempre kailangan ko munang mag-good night sa kanya. 

"So.. good night na" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Pero sya nakatayo lang sa harap ko at hindi nagsasalita. Nakatingin lang sya sa mga mata ko. 

"Ano?" tanong ko sa kanya. 
Hindi ko rin kasi mabasa yung iniisip nya. Ayaw naman nyang magsalita, kaya parang medyo kinabahan ako sa kinikilos nya. 

"Tsk." lang ang narinig ko sa kanya. 

Parang dismayado sya. Hindi ko alam! Pati ako naguguluhan na rin. 

Inisip kong mabuti kung ano pa yung kulang. Parang may nakalimutan ako e. Ah! Alam ko na. 

"Oo na.. nakalimutan ko." sabi ko. 

Nakita kong nagliwanag ang mukha nya pagkasabi ko ng katagang yun. 

"Talaga?" nakangiti pa nyang sabi. Hindi lang pala ngiti yun, malapad na ngiti pala. Oo, nakangiti nanaman sya habang nakakagat sa lower lip nya. 

"Oo" sagot ko sabat tango sa kanya. 

"Ok.." sabi nya ulit sa pikit ng mata. 

Sa totoo lang, hindi alam kung bakit nya ipinikit ang mata nya. Wala naman yung koneksyon e. Kaya sinabi ko nalang na.. 

"Nakalimutan ko palang dapat tayong magreview kasi mid-term exam na bukas." sabi ko. 

Bigla syang dumilat at nawala yung ngiti nya sa labi. 

"Ok.." tapos tumalikod na sya at naglakad. 

"Uy! saan ka pupunta?" tanong ko. 

"Sa kwarto ko tayo magrereview.." sagot nya pero tuloy tuloy pa rin sya sa paglalakad at hindi nya ko nilingon. 

"Teka lang!" 

Bigla syang huminto at humarap sa'kin. 

"Pinoprotektahan kita di ba? .. at wala akong balak na saktan ka.." sabi nya tapos binigyan nya ako ng matamis na ngiti. 

Napangiti rin ako sa kanya. Tapos naglakad ako papalapit sa kanya. 

"Review na tayo.." sabi ko sa kanya tapos sabay na kaming naglakad papunta sa kwarto nya. 

Nang makarating na kami sa kwarto nya, agad nya akong pinaupo sa study table nya. Tapos sya naman may kinuha sa cabinet nya. 

Habang nakaupo ako dun, naisipan kong tingnan yung laman ng study table nya. 

Ang daming libro sa table nya. Karamihan sa mga yun ay math at physics. Halata rin sa kanya na mahilig syang magbasa kasi may mga nakadikit pang notes sa lamp shade nya. Nung binasa ko yung isa dun, nakita ko lang yung schedule ng librong babasahin nya. 

Ngayon ko lang rin nalaman na pati pala libro may sariling schedule na rin.

"Mahilig ka pala sa libro?" tanong ko sa kanya. 

"Tss.. wag mo nang pakialaman yung mga gamit dyan ah.. hindi rin naman yan yung kailangan mo e." sabi nya habang may hinahanap pa rin sa cabinet. 

"Opo.." sagot ko. 

Nakakatuwa yung mga gaya nyang lalake na nagbabasa ng libro at hindi lang puro barkada ang iniisip. Lalo tuloy akong hindi nagsisising minahal ko sya kasi alam kong hindi sya gaya ng iba. Kakaiba ang mahal ko. 

Dahil hindi ako masyadong masunurin, naisip kong tingnan pati yung laman ng drawer ng table nya. Pero magkabukas ko nun tanging ballpen, kapirasong papel at brochure ng pizza chain yung nakita ko. 

Kinuha ko yung kapirasong papel at binasa ko yung nakasulat dun tapos ibinalik ko na at isinara yung drawer. 

Tumayo ako at humarap sa kanya pero sya may hinahanap pa rin sa cabinet. 

"Alam mo.. masarap yung pizza.." nakangiti kong sabi sa kanya. 

Nakita kong natigilan sya sa ginagawa nya at humarap sa'kin. Nakangiti lang ako sa kanya at sya naman nakakunot lang ang noo. 

"Kinain mo?" tanong nya. 

"Uhmm.. uhmm.." sagot ko sabay tango. 

"Akala ko hindi mo kinain kasi hindi mo kilala kung kanino nanggaling.." 

"Hindi ah.. blessing kasi yun e.. minsan na nga lang dumating yung blessing tatanggihan ko pa ba?" 

"Nagustuhan mo talaga?" nakangiti na nyang tanong. 

"Oo naman.." 

"Talaga? hehehe.. gusto mo order tayo ngayon.. bukas pa yun.. 9 palang naman e.. ano?" 

"Sige! heheh.." masaya kong sagot. 

E paano ba naman, nung oras na malungkot pala ako ay sinubukan nya pa ring damayan ako kahit na hindi kami magkakilala. Sinubukan nyang pagaanin ang loob ko sa paraang alam nya. 

Nung kinain ko nga yun, nakalimutan kong isipin yung ibang problema kasi iniisip ko kung kanino galing yun. Heheheh.. alam kong mababaw lang pero nakakatuwa pa rin. 

Yung nakasulat kanina sa papel ay address at number ko. Hindi ko alam kung san nya nakuha yung number ko, pero kung kanino man nya nakuha yun, gusto ko magpasalamat sa nagbigay ng number ko sa kanya. 

Tapos kinuha na nya yung phone nya at tinawagan yung pizza chain. 

"Hello..... isang box ng best seller nyo saka 2 ice tea.... yun lang.. #78 green subdivision..ok.." sabi ni Diero sa phone tapos binaba na nya yun. 

"Ok na?" tanong ko. 

"Oo.. ipahihintayin nalang natin yun sa gate.." nakangiti nyang sagot. 

"Tayo nalang kaya maghintay?" 

"Ha? si manong na bahala dun.." 

"Please?" 

"Haaayyyy.... sige na nga." 

"Yes! tara na.." sabi ko sabay hatak sa braso nya palabas. 

Nang makarating na kami sa labas ng gate, tumayo muna kami dun habang naghihintay. 

"Bakit ba gusto mong tayo pa maghintay dito? e nandyan naman si manong e." naiirita nyang tanong. 

"Pwede ka rin naman di ba?" pilosopo kong sagot. 

"Tss.. trabaho nya yun e.." 

"Bakit ikaw, nung naglinis ka sa bahay namin? saka wag na nating abalahin si manong dahil lang dito.. tayo naman may gusto nito.. saka, gusto ko rin maglakad lakad.. pakiramdam ko kasi wala akong problema pag nandito ka sa tabi ko.." sagot ko. 

Bigla syang tumingin sa mga mata ko. Nagkatitigan nanaman kami. Yung titig na nakakatunaw, pero hindi mo naipaliwanag. Yung titig na sobrang lagkit, sweet at parang ayaw mo nang tumingin pa sa iba. Ganon yun e. 

"Kayo po ba yung umorder?" 

Bigla kaming nagulat dahil sa nagsalita. 

Yung delivery boy pala. 

"O-oo.. kami yun.." sagot ni Diero. 

Alam kong nahihiya sya sa delivery boy dahil sa nahuli nya kaming nagtititigan. 

"Ahmm.. ito na po sir.." sabay abot ng box ng pizza. 

Kinuha naman yun ni Diero at iniabot na rin nya yung bayad. Pagkaalis ng delivery boy, parang hindi na naging awkward. 

"Ikaw kasi e.." sabi nya. 

"Bakit ako?" 

"Sweet mo kasi.." 

"Hahaha.. ganon.. tara na nga.." sagot ko sabay pasok na sa bahay nila. 

Nauna na ko kasi ayokong makita nyang kinikilig ako sa titig nya kanina. Minsan na nga lang ako magpaka-corny tapos titig pa isasagot nya, haaayyy... bakit kasi ang gwapo nya? 


********************* 


:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon