Chapter 8 - Guys in The Park

4.5K 115 17
                                    

***** 

Cera's POV 


Maaga akong gumising para gumawa ng resume ko para sa application ko ng part time job. Computerized naman kasi yun e. Gumawa ako ng 3 kopya para madami akong pwedeng pasukan. 

Pagkatapos nun ay nagpunta na kong cr para maligo. Pagkatapos kong magbihis, ay nagpunta na kong kusina. 

Naaalala ko pa rin yung nangyari nung isang araw pero hindi na masakit. Siguro dahil madali ko ng natatanggap na lahat ng bagay mawawala at mawawala sa ayaw at sa gusto mo. 

Pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto. Pagkatapos kong magluto ay inayusan ko na si Kino para sa pagdala ko sa kanya kay tita Carla. Pinakain ko na rin sya. 


*tok* *tok* *tok* 


Pinagbuksan ko kung sino man yung kumakatok. Si Greg lang pala. 


" Oh, Greg. Ang aga mo naman. " - ako 

" Si mama kasi e, pinagmamadali akong sunduin si Kino dito. Kaya napaaga tuloy ako. Sorry wah. " - Greg 

" Hindi. Ok lang. Tara kain ka muna, kumakain pa kasi si Kino e. :D " - ako 

" Naku wag na. Kakakain ko lang e. " - Greg

" Ganon ba? Ah sige, antayin mo muna si Kino. Maupo ka muna jan sa sofa. " - ako 

" Sige. " - Greg 


Pinagpatuloy ko lang ang pagpapakain kay Kino. Tapos sabay sabay kaming umalis ng bahay para ihatid si Kino kila tita Carla. Iisang daan lang kasi ang papunta kila Greg at ang university namin kaya naglakad nalang kami. 

Sa banda pala nila Greg, hindi ako gaanong kilala. Wala silang alam na na-rape ako. Kaya medyo nagulat din ako sa mga bulung-bulungan ng mga kapitbahay nila. 


" Bagay pala talaga sila ng anak ni Carla nu? " 


Sabi ng isang matanda. Bagay ba talaga kami ni Greg? Ngayon lang ako napaisip ng ganito e. Ayoko maging assuming pero si Greg kaya may gusto sa'kin? 

Napatingin ako sa kanya habang buhat buhat nya si Kino. Akala mo mag ama nu? Hahaha! Nakakatuwa. 


*crying* *crying* 


Si Kino, umiiyak. Mukhang ayaw yata ni Kino sa iniisip ko ah. 


" Uy Cera pano ba to patahanin? " - Greg 


Halata sa boses ni Greg ang pag aalala. Hahaha! Nakakatuwa yung mukha nya e.

Kung pwede lang talaga akong tumawa dahil sa reaction ni Greg, ginawa ko na. E pano ba naman yung mukha nya parang wala-akong-ginawang-masama-look! Nakakatuwa! :D 

Pero syempre hindi ako tumawa. Kinuha ko nalang si Kino sa kanya tapos pinatahan. Kabisado ko na si Kino kaya madali ko lang syang mapatahan. Ganon yata talaga pag ikaw ang nanay. Parang may lukso ng dugo. Lakas maka teleserye nu? 


Pagkarating namin sa bahay nila Greg ay agad kinuha sa'kin ni tita Carla si Kino. Miss na daw nya kasi ang mga baby kaya ganon nalang sya ka-excited makita si Kino. 

Sabay na rin kaming pumasok ni Greg. Nasa iisang block lang naman kasi kami pero syempre magkaiba ng schedule. 


Pero habang nasa hallway kami, nakasalubong ko lang naman ang aking EX. 


Matagal lang kaming nakatayo at nagtitigan. Pero sya yung unang bumaling ng tingin. Guilty sya e. Sya ang may kasalanan. Sya ang nanloko. Aaminin ko, hindi na ko nasasaktan pero galit pa rin ako sa kanya. Masyado nyang tinapakan ang pride ko bilang girlfriend.

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon