Chapter 14 - Diero Fausto

3.2K 95 13
                                    

****** 


"Oh, ito na yung isang kanin, adobo at caldereta." - Aling Lucy 


Cera's POV 


Nandito na kami ngayon sa canteen habang nagdadala ng order ng mga kostumer. 


"Aling Lucy, anong table po to?" - ako 

"Table 16 yan." - Aling Lucy 

"Sige po." - ako 


Sabay kuha sa order na pinapadala ni aling Lucy. Tapos dinala ko sa table 16. Pagdating ko sa table na yun, nakita ko si .............. 


"Diero?" - ako 


Mula sa pagkakayuko, tumingin sya bigla sa'kin. Seryosong seryoso yung tingin nya sa'kin. Wala na rin yung maamo nyang mukha. 


"Order ko?" - Diero 


Medyo may pagkasuplado yung tono ng pananalita nya. Pero ok lang, kostumer sya e. Dapat sya ang intindihin ko hindi sya ang umintindi sa'kin. 

Ibinigay ko na sa kanya yung order nya. Tiningnan ko lang sya kung pano nya kainin yun. Halata sa paghawak nya ng kutsara ang pagiging mayaman. May class, medyo mahinhin, tahimik at dahan dahan ngumuya. 


"Bakit mo ko tinitingnan?" - Diero 


Kasama pa rin sa pananalita nya yung suplado nyang tono.

"Ah, wala naman. Sorry nga pala sa nangyari kahapon. Hindi ko sinadyang maapakan yung kamay mo." - ako 

"......................" - Diero 


Pero wala lang syang kibo. Itinuon nalang nya yung sarili nya sa pagkain nya. Wala na rin yung seryoso nyang tingin at kalmado na ulit yung mukha nya. 

Masasabi kong, ang cool nya. 

Bumalik nalang ako sa kusina para kunin pa yung ibang order. Habang nagdadala ako ng order, hindi ko maiwasang tingnan sya sa bawat pagkakataon na pwede ko syang tingnan. Ewan ko ba pero nakakaaliw syang tingnan kung kumain. 

Habang dinadala ko yung order ng isa naming kostumer, bigla akong natalisod sa kable ng electric fan at natapon yung ulam sa isa sa lalake namin kostumer. 


"TATANGA TANGA KA BA HA? HINDI MO BA ALAM NA MAS MAHAL PA SA SAHOD MO YUNG DAMIT NA TO!!!" 


Sabi ng lalakeng natapunan ko ng ulam. 


"Sir sorry po. Lalabhan ko nalang po yung damit mo." - ako

"ANONG LALABHAN??? BAYARAN MO TO!!" - guy 


Medyo natatakot na ko sa kanya. Ngayon lang kasi may nagalit sa'kin ng ganito e.

Medyo nakakahiya na kasi ngayon lang ako napagalitan tapos dito pa sa una kong trabaho. 


"Sir, baka pwede naman pong remedyuhan." - ako 

"BAYARAN MO TO!!!!" - guy 


Dahil sa iskandalo, lumabas na sila aling Lucy pati na rin si Myrna. 


"Sir, easy lang po tayo. Ano po ba problema?" - Aling Lucy 

"HINDI MO BA NAKIKITA??! TINAPUNAN AKO NG WALANG KWENTA NYONG WAITRESS!!!!!!" - guy 


Mahirap matawag ng walang kwenta. Parang gusto nanaman tumulo ng luha ko. Pero syempre kailangan kong maging malakas lalo na't nasa trabaho pa ko. 


"Magkano ba yang damit mo?" 


Nagulat ako sa lalaking nagsalita galing sa likod ko. Si Diero. Ang lalakeng kalmado lang magsalita sa mga oras na to. 


"LIMANG LIBO!! BAKIT, MAY PAMBAYAD KA BA???" - guy 

"Oh, ito." - Diero 


Sabay abot ng pera sa lalaki. 


"10 thousand pa yan. Ipa-dry clean mo na rin kung gusto mo. Basta lumayas kana dito at wag mo ng pagalitan yung babaeng to." - Diero 


Natahimik nalang ang lalaki sa ginawa ni Diero. Lahat pala kami natahimik. Ang yaman pala nya.

Nakakagulat lang talaga kasi ang lang lalakeng katulad nya ay nasa lugar na to. Kaya pala kakaiba sya kumain at lagi lang syang kalmado. Pero bakit tinulungan nya ulit ako? Ang laki ng 10 thounsand tapos ibinigay nalang nya yun sa lalakeng yun nang ganong lang. 

Umalis na din yung lalake. Sila aling Lucy at Myrna naman bumalik na sa ginagawa nila. 


"Salamat." - ako 

"May kapalit yun." - Diero 


Tapos bumalik na sya sa table nya at kumaen. Pero teka, may kapalit? Ano naman kaya yun? 

Sinundan ko sya sa table nya. 


"Anong kapalit nun?" - ako 

"Malalaman mo mamaya." - Diero 


Mamaya? Kinakabahan ako tungkol dun. 


"Cera, may order pa dito!" - Myrna 

"Sige pupunta na ko!" - ako 


Hindi ko alam kung ano yung kapalit nun. 

Nagpunta na lang ako sa kusina para kunin yung iba pang order at ipagpatuloy ang trabaho ko. 


"Sige magdala muna kayo ng order, kukunin ko muna yung pinagkainan dun sa table 16." - Sam 


Teka, kay Diero yun ah. Kailangan ko din malaman kung ano yung kapalit ng pagtulong nya.

"Sam, ako nalang kukuha. Ok lang ba?" - ako 

"Ah, sige." - Sam 


Kaya nagpunta na ko sa pwesto ni Diero. Nandun lang sya nakaupo at nagtetext. Nakakunoot ang noo. Gusto ko sanang magtanong kaya lang ewan ko ba kung bakit biglang umurong yung dila ko. Para kasing nakakatakot yung aura nya ngayon. 

Kaya kinuha ko nalang yung pinagkainan nya. Pero bigla nalang syang nagsalita. 


"Kumain ka na ba ng lunch?" - Diero 


Oo nga pala nu. Hindi pa nga pala ako kumakain ng lunch. Pero hindi ko man lang naalala. Tss. Busy kasi e. 


"A-ah a-ano........ a-ah..." - ako 

"Umalis ka na dito. Be my tutor, kaya kitang bayaran kahit 3 times pa ng sahod mo dito." - Diero 

"Bago palang ako dito hindi ako pwedeng umalis dito agad." - ako 

"Kumain ka na." - Diero 


Tapos nagtext nalang sya ulit. Ano konek ng pagkain ng lunch sa trabaho ko? Naisip nya kaya yun? 

Kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagliligpit ng pinag kainan nya at pagtatrabaho ko. 

Pero mas nagulat ako nung biglang umorder pa ulit si Diero.

"Cera kailangan ulit ng waitress sa table 16, o-order pa daw." - Kaela 

"Ah sige." - ako 


Di ba kakakain nya lang? Kakain nanaman sya? Hindi siguro sya self concious. 

Nang makapunta na ko sa table nya ay agad kong hiningi yung order nya. 


"Ano pang order mo?" - ako 

"2 rice, kare-kare at 1 fried tilapia." - Diero 

"Ok." - ako 


Ang sarap naman ng order nya. Puro favorite ko kasi e. Haaaayyyyy...... ngayon ramdam ko na talaga yung gutom. 

Pagkatapos nun ay dinala ko na sa kanya yung order nya. 


"Ito na yung order mo." - ako 

"Ok , ito yung bayad. Keep the change, then take it out tapos kainin mo." - Diero 


Tapos tumayo na sya at iniwan ang bayad. Umalis na din sya. 

Pero syempre kinain ko yun pagkatapos ng shift ko. Part time lang kasi ako e. 

Nung uwian na namin ay nagpaalam na ko sa mga kasamahan ko. Syempre lalo na kay Myrna, close kasi kami kahit bago palang ako. 

Habang naglalakad ako ay bigla..... 


"Uuwi ka na?" 


Si Diero. Akala ko umuwi na sya yun pala nakasandal lang sya sa pader.

"Akala ko umuwi ka na." - ako 

"Tss. Diero Fausto nga pala." - Diero 


Sabay alok ng kamay nya para sa shake hands. 


"Cera Woo." - Cera 


Hindi na ko nakipag shakehands sa kanya. Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya. Lalo na't alam kong mayaman sya. 


"Tara na, ihahatid na kita." - Diero 


Tapos lumakad na sya agad. 


******************* 


Please Like. Vote. Comment. 
I'll appreciate it. ^^

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon