Chapter 47 - Mars Party

3.1K 64 46
                                    

****** 

Cera's POV 


Nagmaneho na si Diero papunta sa mall at ganon din si Keito. Pagkarating namin dun, agad kaming nagpunta sa isang boutique. 

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. 

"Malamang mamimili ng damit..hahaha.." sagot ni Keito. 

"Tss.." sabi naman ni Diero habang nakatingin kay Keito. 

"Sorry naman.." sabi ni Keito sa kanya. "So.. kayo na girls ang bahala sa damit nyo.. si Diero naman ang taya e.. hahaha!" 

"Hindi.." sabi ni Diero. Napatingin kaming tatlo sa kanya at seryoso pa rin sya gaya ng dati. ".. kami ni Cera ang magkasama.." tapos ay hinawakan na nya yung kamay ko at naglakad na kami papunta sa girls' section. 

Habang nandun kami, nakatayo lang ako sa isang gilid dahil wala naman akong alam sa pagporma o pamimili ng damit. Si mama kasi ang lagi kong kasama pag namimili ng damit kaya sya ang may alam kung ano ang bagay sa'kin. Pero wala na sya ngayon kaya wala ng pumipili ng damit para sa'kin. 

Habang nakatayo ako, si Diero naman ang hindi ko na nakita. 

Medyo nag-alala na rin ako kasi hindi ko na sya mahagilap sa dress at blouse section. Pati sa mga pants, shorts and skirts section wala din. 

Pero paglingon ko sa mirror, nakita ko si Frin na mag-isa lang kaya pinuntahan ko sya. Nung mapansin na rin nyang papalapit ako sa kanya, hininto nya muna kung ano yung ginagawa nya. 

"Oh.. bakit ikaw lang mag-isa?" agad nyang tanong. 

"Nawala si Diero e.. hindi ko alam kung saan nagpunta.." sagot ko. 

"Ah.. natingnan mo na ba lahat ng section?" 

"Sa girls' section palang.. dun kami unang nagpunta e.." 

"Hahaha.. sa girls section ka nya dinala??!" malakas nyang tanong dahilan para mapatingin sa kanya yung ibang tao. 

"Shhhhhhh...... wag kang maingay.." saway ko sa kanya. 

"Hehehe.. sorry.. hindi ko naman kasi inakalang dun ka nya dadalhin.. dapat sa women's section.. alam ko puro pang teens lang sa girl's section.." sabi nya habang tumatawa. 

"Bakit? 18 palang naman ako wah.." sabi ko naman. 

"Malay mo wala syang nakita na ka-size mo.. hahaha.. nice! alam na alam nya yata yung size mo.." sabi nya habang nakangiti. 

Pero tama nga sya. Mukhang alam nga ni Diero yung size ko. Ganon ba talaga nya ko kakilala, na pati size ko alam nya. Hindi ako makapaniwala na ganon nga pero hindi ko rin maiwasang mangiti dahil dun. 

"Naks! ngumingiti mag-isa.." biglang sabi ni Frin. Kaya biglang wala yung ngiti ko dahil sa hiya. ".. hahaha.. wag kang mag-alala.. makikita mo rin si Diero.." sabi nya ulit habang nakangiti. 

"Sige.. salamat.. hanapin ko muna sya.." pagpapaalam ko sa kanya. 

"Sige.." sagot naman nya at agad na kong umalis para hanapin si Diero. 

Gaya nga ng sabi ni Frin, sinubukan ko muna syang hanapin sa women's section. Pero nalibot ko na yata lahat ay wala pa rin sya. Kaya naisipan ko nalang na maglakad lakad pero hindi ko inaasahan na makikita ko sya sa foot section. 

Nakita ko sya sa foot section ng mga babae at pinagkukumpara ang tatlong sapatos na hawak nya. 

Itim, puti at white na sapatos yung hawak nya. Kita ko sa kanya na nahihirapan syang pumili kaya naisipan kong lumapit. Pero nung lalapit na ko ay bigla syang tumayo at naglakad palayo habang nakatingin pa rin sa sapatos. 

Naglalakad lang sya habang ako nakasunod sa kanya. Pero bigla syang huminto. Nung tiningnan ko kung saan sya huminto, sa sales lady lang pala. 

"Ihanap mo ko ng size 7 ng tatlong to.." sabi nya sa sales lady. Tumango naman yung sales lady at umalis na. 

Siya naman, nakatingin lang sa malayo na parang ang lalim ng iniisip. Siguro nga may problema sya at malaki yun para nya ko mapansin. 

Sinubukan kong lapitan na sya. 

"Uy.." sabi ko sabay hawak ko sa braso nya. 

Nakita kong nagulat sya dahil sa ginawa ko. Mukhang masyadong malalim nga yung iniisip nya. 

"A-ah.. naiinip ka na ba?" nag-aalala nyang tanong. 

"Hindi naman.. ikaw.. bakit mo ko iniwan dun?" 

"Sorry.." sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. At sapat na yun para kabahan ako na baka nga may malalim syang problema. 

"May problema ba?" tanong ko. 

"..wala.." ang sagot nya sa'kin. 

Hindi ko alam kung bakit tinatanggi nya pa rin kahit halata naman sa kanya na namomroblema sya. 

"Ahmm.. sir, ito na po yung size 7 ng mga sapatos na pinili nyo.." biglang sulpot ng sales lady. 

"Thanks.. here's my card.." sabi ni Diero sabay abot ng credit card nya. Tinanggap naman ito ng sales lady at agad na umalis. "Ano? hanap na tayo ng damit mo?" tanong na sa'kin. 

"Ahmm.. wala ka ba talagang problema?" tanong ko ulit. 

Gusto kong umamin sya. Gusto kong malaman ang problema nya. At higit sa lahat, gusto kong tulungan sya. 

"Wala nga.. wag mo kong intindihin.. intindihin mo yung sarili mo.. ok?" sabi nya tapos ay bigla syang ngumiti. Alam kong pilit lang yung ngiti nya dahilan para mas lalo akong mag-alala. 

"Sir.. ito na po.. thank you.." biglang sulpot ulit ng sales lady sabay abot ng credit card kay Diero at umalis ulit. 

"Ano.. hanap na tayo ng damit mo?" tanong nya ulit sa'kin. Pero tango nalang ang naisagot ko. 

Namili na kami ng mga damit namin tapos umalis na kami. Ganon ulit kami, kasama ko sa sasakyan si Diero at kasama ni Frin si Keito. 

Habang nasa daan, hindi ko pa rin makalimutan yung istura ni Diero kanina. Nakakapag-aalala naman kasi talaga e. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iiba yung kinikilos nya. Hindi ko rin alam kung ano nang nangyayarisa kanya. 

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, ay bigla nya akong tinawag dahilan para mapatingin ako sa kanya. 

"Kinakabahan ka ba?" tanong nya. 

"Medyo.." sagot ko. 

"Hindi naman kita pababayaan e.. simpleng party lang yun.." pero hindi na ko umimik pa. Hindi rin kasi alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kanyang sa kanya ako nag-aalala. 

Alas-sais na ng gabi kami nakarating sa isang maliit na bar at may maraming magagarang sasakyansa labas. Agad kaming nag-park ng sasakyan at pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok namin ay maingay na tugtog at usok ang sumalubomg sa'min. Medyo inubo pa ako dahil dun. 

Biglang akong kinabig ni Diero papalapit sa kanya at tinakpan nya ng panyo yung bibig ko. 

"Gamitin mo muna 'to.." sabi nya sabay bitaw nya sa panyo nung nahawakan ko na yun. 

Nagulat ako nang biglang mapukaw namin ang atensyon ng lahat. Natigil ang malakas na tutugin, napahinto sila sa pagsayaw at nakatingin sila sa pwesto namin. 

Sa totoo lang, lahat sila ay nakatingin talaga kay Diero. Pero si Diero parang wala lang, nagtuloy tuloy pa rin sya sa paglalakad kasama ako, si Keito at Frin. 

Parang damong nahahawi ng kusa yung mga tao sa sinadaanan namin hanggang sa matanaw ko yung isang mesa nang dalawang lalakeng nakaupo. Nakatingin sila sa'min ng mabuti habang kami naman ay dahan dahang naglalakad papalapit sa kanila. 

Parang kada hakbang namin ay sinusubaybayan ng mga tao. Kada hakbang namin, parang pabigat ng pabigat ang hangin. Hindi ko rin alam kung bakit yun yung nararamdaman ko. 

Pero mas kinatakot ko pa ay yung sa bawat pag hakbang ko ay parang lumalamig. Lalo akong kinakabahan. 

Mas magandang sabihin na sa bawat hakbang napapalapit kami sa kanila, LALO AKONG KINIKILABUTAN. 

Nang makarating na kaming apat sa harapan ng dalawang lalake ay biglang tumayo ang isa sa kanila. Ngumiti sya sa amin sabay sabing.. 

"Welcome sa party ko." 


******************* 


:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon