Chapter 32 - We

1.9K 59 6
                                    

****** 


Cera's POV 


Nakatayo lang kami doon. Hindi ko pa rin sya kinikibo. Naiinis ako sa kanya. Dapat hindi na nya pinaramdam sa'kin na importante ako sa kanya. 


"Cera.. hindi mo naman kasi ako maintindihan.. mahal kita.. mahal ko yung anak mo.. kasi galing sya sa'yo pero........ galing din sya sa iba kaya ayoko ng pag-usapan natin yun kasi lagi ko lang din naiisip na... naging isa akong MALAKING DUWAG.. kaya please.. bigyan mo pa ko ng chance.. Cera gagawin ko ang lahat." - Diero 


Halata sa mukha nya yung sincerity. Totoo talaga yung mga sinasabi nya. Pero mas kailangan kong protektahan ang anak ko kaysa sa sarili ko. Kailangan unahin ko lagi sya. Isusugal ang kaligayahan ko para sa anak ko. 


"Pauwiin mo muna kami." - ako 


Tapos tumalikod at naglakad na ko palayo sa kanya. Nun ko palang naramdaman ang pag-agos ng walang katapusan kong mga luha. 

Ganito yun e. Yung pakiramdam ng umasa sa wala. Umasa na magiging masaya na ko pero mali pa rin pala yung inakala ko. Akala ko sya na yun e. 

Ang tanga ko talaga! Ang tanga ko kasi tingin ko tatanggapin nya talaga yung anak ko. Tanggap nya lahat sa'kin. Tanggap nya lahat ng nangyari. Ang mali kasi sa kanya, lagi nya iniintindi yung nakaraan. Lagi nyang iniisip yun. At mukhang sya yung hindi maka-move on. 

Pinunasan ko ng yung mga luha ko nang makarating na kami sa sakayan ng jeep. Lumingat lingat muna ako kasi medyo malapit yun dun sa pinag-park-an ni Diero ng sasakyan nya. 

Pero paglingat ko sa bandang kanan..... 








nakita ko...... 











si..... 






















Diero... 





















at yung babae kanina sa labas ng simbahan...... 








































nagtatawanan sa tabi ng kotse nya. 


Malayong malayo sa tensyon nila kanina. 

Sa totoo lang hindi ko kita kung tumatawa ba si Diero pero yung babae, oo. 

Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ang hirap ihakbang yung paa ko. Medyo nanginginig yung mga kamay ko at ang lalim ng hininga ko. Higit pa to sa naramdaman ko kaysa sa nahuli ko si Brix noon. 

Naisipan ko nalang mag-tricycle pauwi kaysa sa mag-jeep. Baka kasi tumulo ulit yung luha ko, marami pa namang tao sa jeep. 

Nang makarating na ko sa bahay, agad ko nang inayos yung gatas para kay Kino. Kaya inihiga ko muna sya sa kwarto. Alam kong napagod din sya. Pero mas mapagod ako. Nagluto na rin ako ng tanghalian para sa'kin. 

Pero habang nagluluto ako, narinig kong parang umingit yung pinto. Kaya pinatay ko muna yung kalan at tiningnan kung sino yung pumasok. Pero nakita ko ulit sya. 

Nakatayo lang sya sa tapat ng pinto at nakatingin sa'kin. May black eye, benda sa pisngi at nagmamakaawa ang mukha. 

Ngayon na nakita ko sya, naalala ko yung nakita ko kanina. Bumigat ulit yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko dahil nandito sya ulit. 


"Bakit ka pa nandito?.... mas malaki naman yung bahay nyo di ba?.... bakit pinagsisiksikan mo yung sarili mo sa maliit naming bahay? ...." - ako 


Sya naman ang walang kibo. Nagmamakaawa pa rin sya. Tinititigan nya lang ako. 

Pero dahil sa ginagawa nyang yun, tumulo nanaman yung luha ko. Nasasaktan na ko dahil sa kanya. 


"*sob* ano ba talaga kasi kailangan mo?..... ha?*sob*" - ako 

"Cera.. ikaw kailangan ko.." - Diero 


Parehong nanginginig ang mga boses namin pero hindi naman sya umiiyak. 


"Ako? hahahah .. *sob* di nga? .. sana sinamahan mo nalang yung ex mo dun ..*sob* sana hindi mo ko pinaasa... *sob* sana..... sana hindi mo pinaramdam sa'kin na importante ako..*sob* eh di sana....... *sob* sana hindi ako nasasaktan ngayon.." - ako 


Lalong lumakas ang buhos ng luha ko at hindi ko na sila mapigilan. Parang gripong bukas ang mga mata ko para sa mga luha ko. 


"Mahal mo ba ko?" - Diero 


Yan lang ang diretsong tanong nya sa'kin. At alam ko na ngayon ang sagot. 


"Oo, mahal kita." - ako 


Pagkasabi ko nun, parang medyo lumuwag yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit pero unti unting nawala yung tensyong nararamdaman ko. At ganon din sya. Parang lumiwanag yung mukha nya. Parang gumaan ang lahat ng bagay samin.

Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko. Hiya, tuwa o saya ng pagtanggap. 

Tingin ko pagtanggap. 

Parang medyo nabawasan yung sakit na nararamdaman ko nung sinabi ko yun. 

Pag pala kinikimkim mo yung naramramdaman mo sa isang tao, laging doble yung sakit na mararamdaman mo pag nakikita mong may kasama syang iba. 

Ngayon naintindihan ko na yung mararamdaman ni Diero noon. Nung nasanay sya na hindi lumalapit sa'kin. Yung pakiramdaman ng maging duwag at takot. Yung sakit na wala kang nagawa. 

Siguro takot akong magmahal kasi may anak na ko kaya kahit kaligayahan ko kaya kong isugal. Pero sana sa gagawin kong to, hindi ako magsisi. 


"Cera.. LAGI kong papatunayan kong karapatdapat akong mahalin.. saka si Martha? wala yun! .. Tss.. selos ka na agad? Tsk! pinuntahan nya lang ako kasi........" - Diero 

"kasi gusto*huk* ka pa nya? ganon?" - ako 


Medyo ngongo na yung boses ko dahil sa pag-iyak. 


"Hindi ganon yun.. naging girlfriend ko lang sya sa isang gabi lang." - Diero

Teka, isang gabi lang? Pano nangyari yun? 


"Katulad ng sa karerang pupuntahan natin sa isang araw.. sya yung naging pusta ko para sa karera na yun.. pero syempre nanalo ako kaya hindi sya napahamak.. pero hindi ko alam na nagkagusto pala sya sa'kin.. pero anong magagawa ko.. ikaw gusto ko e." - Diero 


Kasama ang ngiti nya sa mukha pagkasabi nya nun. Kaya pala may tensyon kanina nung kasama nya ko sa labas ng simbahan. 

Dahan dahan syang lumapit papunta sa'kin at pinunasan ang luha ko. At hindi pa rin ako makapagsalita sa lahat ng nalaman ko. Pero sana hindi sya nagsisinungaling. 


"Ikaw lang mahal ko, ok? Pati si Kino." - Diero 

"Talaga? nakita ko kayo kanina.. nagtatawanan." - ako 


Tapos bigla syang tumawa. 


"Hahahaha! hahahaha! don't jump into conclusion Cera.. hahaha! tingin mo sa'kin tumatawa sa corny jokes? Hahaha!" - Diero 


Ngayon lang sya narinig na tumawa ng sobrang lakas. Pero wala namang nakakatawa di ba? Nababaliw na yata sya. 


"Ikaw lang nakakapagpangiti sa'kin.. wala nang iba." - Diero

Hindi na sya tumatawa pero isang matamis na ngiti ang nakita ko sa kanya at seryosong mga mata kasama ang mababang boses nya. 


"Sa wakas.. minahal mo din ako.. gagawin ko ang lahat maprotektahan kayo.. pangako yan." - Diero 


Tapos hinalikan nya yung noo ko at bumulong sya ng.... 


"hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit" 


Sobrang seryoso na nya ngayon. Walang ng ngiti o kahit ano man. Seryosong mga mata at maamong mukha lang ang nakita ko pagkatapos nya kong halikan sa noo. Nandito nanaman yung pakiramdam kong safe ako lagi sa kanya. Ramdam kong mahal nya talaga ako. 

Pero panandaliang naputol ang sandaling iyon dahil............... 



********************* 



:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon