Chapter 22 - He's A Thug Not A Gangster II

2.4K 80 11
                                    

*************** 


Cera's POV 


Habang nagda-drive si Diero, biglang may humarang na van sa harap namin. Biglang pumreno si Diero pero buti nalang lahat kami naka-seatbelt at hawak ko ng mabuti yung anak ko. 


"Dyan ka lang." - Diero 


Nakakatakot at matigas yung boses nya. Parang nanggagaliiti sa galit. 

Agad din naman syang lumabas ng sasakyan at ganon din yung nasa loob ng van. Samantalang ako nandito lang hawak hawak si Kino habang pinapanood ang susunod na mangyayari. 

Natatakot rin ako para kay Diero dahil mukhang maraming lalake yung nasa loob ng van na yun. 

Nagulat ako dahil sa 9 na lalake yung lumabas galing sa van na yun. Hindi ko rin alam kung ano yung pinag-uusapan nila pero isa lang ang sigurado. 

KILALA NILA ANG ISA'T ISA. 


Medyo natakot din ako nung tiningnan nila ako pati yung lalakeng kausap nya na tingin ko ay leader ng mga lalakeng galing sa van. Seryoso pa rin yung mukha ni Diero pero bakas sa mukha nya ang pag-aalala. 

Nakita ko nalang na umiling si Diero sabay sapok sa ulo ng lalake.

Natumba yung lalake at lahat kami ay nagulat sa ginawa ni Diero dahil kamao lang nya ang ginamit nya para mapatumba yung lalake. 

Tapos agad syang sinugod ng iba pang lalake ay ganon din ang ginawa nya. 

Sinapok at sinuntok lang nya sa mukha yung mga lalake gamit lang ang solido nyang kamao. Para bang gumuguhit sa hangin yung mabibilis nyang sutok at sangga sa mga pag-atake sa kanya. 

May iba na pumutok ang kilay at pisngi. Pero si Diero, wala man lang galos. Poker face nanaman ulit sya. 

Tapos naglakad na sya papasok sa sasakyan pero nagulat ako dahil may mga dugo yung damit at kamao nya. Nakakatakot kamay nya. 


"Sorry." - Diero 


Tapos hinubad nya yung damit nya at ipinampunas nalang nya yun sa kamay nyang may dugo. 

Yung mga lalake naman kanina parang ayaw ng tumayo. Tumba na silang lahat. 

Si Diero naman ay nagsimula ng magdrive kahit walang pang-itaas. Nag-iba na rin sya ng ruta siguro kasi na nyang may humarang paulit sa'min. 


"Sana hindi ka natakot sa'kin kanina." - Diero 

Tiningnan ko nalang sya sa rare view mirror at nakitang kong nag-alala sya. 

Naiintidihan ko naman na madami syang kaaway at ginawa lang nya yun para ipagtanggol kami. 


"Ok lang yun....Alam ko naman na.. ginawa mo lang yun para ipagtanggol kami at .. at protektahan ang sarili mo... Kaya wag ka na mag-alala." - ako 

"Talaga?" - Diero 


Nakita kong nagliwanag yung mukha nya at ngumiti sya. Ang kailan ang gwapo talaga sya at di nakakasawang tingnan yung mukha nya. 

Pagkarating namin sa bahay, agad na nyang inayos yung mga gamit ni Kino sa kwarto ko. Nakakapagtaka nga e. Panog ang isang lalakeng katulad nya ay alam ayusin ang gamit ng bata. At hindi lang sya basta lalake. MAYAMANG lalake sya kaya lagi syang may yaya sa bahay. 

Kaya tinanong ko nalang sya habang nag-aayos ng mga feeding bottles. 


"Ah....Diero.." - ako 

"Uhmm..." - Diero 

"Ahmmm...pano ka natuto mag-ayos ng gamit ng bata? .... ok lang kung ayaw mong sagutin..." - ako 


Nakita ko ulit syang ngumiti bago sumagot. 

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon