Chapter 35 - Linda

1.9K 50 8
                                    

***** 

Cera's POV 


"So.. tara na?" sabi nya habang nakangiti. 

Halata sa kanya na sabik na syang ipakilala ako sa mama nya pero ako hindi nasasabik gaya nya. 

"Ok.." 

Yun lang ang nasagot ko. Ayoko naman kasing madismaya sya sa'kin. Girlfriend pa rin nya ako at alam kong yun yung dapat gawin kahit nakakakaba. 

Inalalayan nya lang kami papasok sa sasakyan nya at pinagbukas nya pa kami ng pinto. Sumakay na rin sya sa sasakyan at nagmaneho. 

Habang nagmamaneho sya papunta sa bahay nila, pakiramdam ko papalapit na ako ng papalapit sa isang malaking apoy at dapat ko iyong harapin. 

Tumingin nalang ako sa bintana para kahit papaano ay mawala ang aking kaba. 

"Ok ka lang?" sabi nya habang patuloy pa ring nagmamaneho. 

Ramdam ko sa boses nya na pati sya nag-aalala na rin sa'kin. Ang hirap na rin itago ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko talaga mapigilan. 

"O-oo.." 

"Sigurado ka?" paniniguro nya. 

"Haaayyy... oo na.. kinakabahan talaga ako" 

Hindi ko na nakayang pigilan pa ang nararamdaman ko kaya nasabi ko na yun sa kanya. Mahirap rin kasing kumbinsihin ang sarili mong hindi ka kinakabahan pero ang totoo, sobrang kabado ka na. 

Bigla nyang inihinto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at agad na humarap sa'kin. 

"Wag ka nang kabahan.. nandito lang ako.. pamilya tayo di ba? .. hinding hindi kita iiwan.." 

Sambit nya habang nakatingin sa mga mata ko nang may boses na laging nagpapaalala na magiging ayos ang lahat.

Boses na laging nagpapakalma sa'kin na tanging sa kanya lang nanggagaling. Galing sa lalakeng mahal ko. 

"Si-sige... salamat.." sagot ko. 

At nagpatuloy na nalang ulit sya sa pagmamaneho, pero hindi pa rin mawala ang konting kaba na natira sa dibdib ko. At dahil sa kagustuhan kong makilala muna kahit kaunti ang mama nya, naisipan kong magtanong ng ilang bagay tungkol dito. 

"Diero.." tawag ko. 

"Hmmm..." sagot nya habang patuloy lang sa nagmamaneho. 

"Ahmm.. ano ba pangalan ng mama mo?" tanong ko.

"Linda pangalan ni mama.. maganda ibig sabihin noon sa salitang espanyol.." sagot nya. 

Dahil sa sinabi nyang yun, naalala ko nanaman si mama. 
Medyo magkahawig ang pangalan ng mga nanay namin. Halos magkamukha na pangalan pero magkaiba ng kapalaran. 

Paulit ulit ko nalang naaalala lahat nangyari noon. Yung mga pinagdaanan namin ng sabay sabay kahit maraming problema ang dumating, sama sama lang kami. 

Nakakalungkot na bigla nalang silang nawala pero tapos na yun, kailangan ko nang mag-move on. Tanggap ko na rin naman na wala na sila ni papa. 

"Mukhang naalala mo nanaman yung mama mo.." bigla nyang sabi. 

"H-ha? .." 

"Sabi na nga ba e.. wag kang mag-alala.. nangako ako sa'yo di ba? hinding hindi kita iiwan.. pangako yan.. pag ako nangako.. tinutupad ko." 

Pero hindi na ko umimik pa. Wala na rin ang kabang nararamdaman ko dahil alam ko nang hinding hindi nya ko iiwan. 

Kahit papaano nagkaroon ako ng pag-asang may tao pa ring hindi ako iiwan hindi gaya ng mga taong nagawa pa kong lokohin. 

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon