Chapter 43 - Talk To Him

1.6K 39 6
                                    

****** 

Cera's POV 


Habang nasa na canteen kami, napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ko alam pero parang bumalik ulit ako sa una. Yung una kong naranasan pagkatapos ng trahedya sa buhay ko. Yung tipong pinagtitinginan ka ng mga tao at hinuhusgahan ka nila base sa naririnig at nakikita nila. 

Nagpunta kami ni Frin sa counter para pumila at umorder. Pero mukhang hindi pagkain yung naabutan namin dun. 

"Wow.. nagsama ang dalawang freak ng school.." sabi ng babae sa likod namin. 

Syempre kilala ko na kung sino sya. Si Dessere. 

Hindi nalang namin sya pinansin para wala nang gulo. Pero sya pala talaga ang may gusto ng gulo. 

"Snob???? gaaaaaahhh!!... Hell.. kaya pa may ganang hindi mamansin huh?" tapos naramdaman kong hinawakan nya yung balikat ko ng sobrang higpit at hinarap ako sa kanya. 

Sobrang lakas ng mga kamay nya kaya hindi na rin ako makapalag. Si Frin naman pinipilit tanggaling yung kamay ni Dessere sa balikat ko. Pero dahil masakit yung hawak nya, napapasigaw na rin ako. 

"AHHHHH!!!!" sigaw ko habang pinipilit ko na rin tanggalin yung kamay nya sa balikat ko. 

Nagkakagulo na rin sa pila dahil pati si Venice at iba ko pang kaklase ay nakikisali na rin. Hinahawakan nila yung mga braso ni Frin para hindi matanggal ni Dessere yung kamay nya sa balikat ko. 

"Tumigil kayo." sabi ng lalakeng nagtanggal ng pagkakahawak ni Dessere sa balikat ko. 

Yung matigas at mababa nyang boses. Hindi ako pwedeng magkamali. 

Napatigil silang lahat at tiningnan ko yung nagsalita at tama ako. Si Diero nga. 

"Baka nakakalimutan nyong girlfriend ko sya.." seryosong sabi ni Diero. 

"So tama nga yung balita.. may girlfriend kang disgrasyada.." sabi ni Dessere kay Diero. 

Pero mas nagulat kami nung akmang sasampalin ni Diero si Dessere kaso hindi man lang dumampi sa pisngi ni Dessere yung palad ni Diero. Natigilan din ang lahat dahil sa eksenang yun. Pati si Dessere napapikit sa pag-aakalang masasampal sya. 

"Pasalamat ka babae ka.. kundi.. talagang aabutin ka sa'kin.." galit na sabi ni Diero. 

Sobrang tigas ng boses nyang nanginginig sa galit. Magkasalubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha. Lalo pa't may sugat pa rin sya na pisngi. 

Tapos humarap na sya sa'kin at tiningnan lang nya yung balikat ko. Ganon pa rin yung mukha nya kaya medyo kinabahan ako. Tapos tinginan lang din nya si Frin at lumakad na sya paalis. 

Naglakad sya gaya ng gingawa nya noon na laging nakapamulsa. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero hindi ko na rin sya sinundan. Sinundan ko nalang sya ng tingin. Masakit pa rin kasi yung balikat ko. 

"Kumain muna tayo bago mo sya kausapin.." sabi ni Frin. 

Tama, dapat muna akong kumain. Dapat may lakas ako ng loob para makausap sya. Medyo kabado pa rin ako dahil ngayon lang sya naging ganito. Yung sobrang tampo. At yung sobrang snob sya sa'kin. 

Umalis na rin sila Dessere at Venice tapos kami naman ni Frin ay pinagpatuloy nalang ang pagpila. Umorder lang kami tapos naupo kami sa isang table na medyo malayo sa iba. Malayo sa pangungutya at pang-aapi ng iba. 

Kumain lang kaming dalawa dun. Walang Dessere, walang Venice, walang Greg at syempre walang Diero. 

"Frin.. salamat nga pala ah.." sabi ko. 

"Para saan?" tanong nya. 

"Para sa pagtatanggol mo sa'kin kanina kay Dessere.." 

"Yun ba? .. wala nga akong naitulong e.. si Diero naman yung nagtanggol sa'yo.." 

"Hindi ah.. kung wala ka dun baka pinagtulungan na nila ko.. salamat.." nakangiti kong sabi sa kanya. 

"Wala yun.. ako dapat magpasalamat sa'yo.. kasi naging tunay pa rin kitang kaibigan.." 

"Ginawa ko lang yun kasi naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo.. mahirap mawalan.. masakit maiwan.. pero mas masarap yung pakiramdam na nalagpasan mo yung lahat ng yun nang may kasama ka.." sagot ko. 

"Salamat.." mangiyak ngiyak nyang sabi. 

"Alam kong matatag ka Frin.. kasi nagagawa mong pigilan yung luha mo sa harap ng iba.. pero sana hindi mo yun pigilan pag ako yung nasa harap mo.. kasi hinding hindi kita pagtatawanan.. hindi ako ngingiti habang nahihirapan ka.. kasi mahirap magpigil ng luha.." sabi ko. 

At tuluyan na nga syang umiyak. Ramdam kong madami pa syang problema na hindi nababanggit sa'kin. Pero hindi ko naman sya pipilitin na sabihin yun, basta ang kailangan ko lang gawin ay damayan sya ngayong nag-iisa na sya. 

Hindi ko na rin napigilan yung luha ko na dahan dahan humaagos sa pisngi ko. Pero syempre pinupunasan ko yun. Gusto ko maging mas matatag ako para sa kanya. 

"Umiyak ka lang.. umiyak ka hanggang sa mawala lahat ng sakit.." sabi ko kahit naluluha na rin ako. 

Pagkatapos nyang umiyak ay pumasok na sa mga subjects namin. Hindi pa rin kasi tapos ang exam. 

Pero nung matapos na yung exam sa buong araw, sabay na kami ni Frin lumabas ng room. Nagkwetuhan lang kami habang naglalakad sa hallway. 

"Ang hirap ng exam.." sabi nya. 

"Oo nga e.. buti nalang nireview ako ni Diero kagabi.." sabi ko. Pero bigla ko nanamang naalala na nagtampo pala sa'kin si Diero. 

"Bigla kang nalungkot? dahil pa rin ba kanina?" tanong nya. 

"Oo e.. dapat ko na syang kausapin.." 

"Eh di kausapin mo.. ayan sya oh.." sabi nya sabay turo kay Diero na nakapamulsa at nakasandal sa pader. 

Napahinto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin si Frin. 

"Hoo! kaya ko to.." bulong ko sa sarili ko. 

"Kakausapin mo lang yung boyfriend mo.. kaya mo yan.. sige, hintayin nalang kita sa gate.. bye.." sabi nya sabay tapik sa likod ko at umalis na sya. 

Ako naman naiwan lang na nakatayo habang kinakabahan kung paano ko sya kakausapin. Daham dahan nalang akong naglakad papalapit sa kanya pero nung malapit na talaga ako ay tumayo na sya mula sa pagkakasandal at naglakad palayo. 

Syempre sinundan ko kung saan sya pupunta. Huminto naman sya nung makarating na kami sa school garden. 

Nakatayo lang sya habang nakapamulsa at nakatalikod sa'kin. 

"Diero.." tawag ko. 

"Tss.." sagot nya. Lalo akong kinabahan dahil dun. Mukha ngang hindi sya nagtatampo e, galit sya sa'kin. 

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko. 

"Nag-uusap na tayo di ba?" sagot nya.Pakiramdam ko ang lamig lamig na nya sa'kin. 

"Sorry nga pala kanina.." sabi ko. 

"Tapos?" 

"Salamat sa pagtatanggol mo sa'kin.." 

"Wala ka nang sasabihin?" 

"Ahmm.. pwede bang.. pwede bang bumalik ka na sa dati? yung katulad kaninang umaga.. yung katulad kagabi.. yung katulad kahapon.. yung katulad nung isang araw.. pwede ba? hindi ko rin kasi kayang ganyan ka e.. hindi ko kayang nagagalit ka sa'kin.." sagot ko. 

"Hindi naman ako galit.. tampong tampo lang.." sabi nya tapos humarap na sya sa'kin. "Tampong tampo ako kasi nung nag-walk out ako kanina nung kausap mo si Frin.. hindi mo man lang ako sinundan.. hindi mo man lang ako tinawag.. tapos kinausap ko pa si Greg.. tapos ka nagpunta ng canteen ng hindi ako kasabay.. sinong hindi magtatampo nun?" 

Napangiti ako sa sagot nya. Matampuhin pala sya pag masyado kong tinutuon sa iba yung atensyon ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong boyfriend. 

"Wag ka nang magtampo please?" nakangiti kong sabi sa kanya. 

"Para saan naman yung ngiti na yan?" pagsusungit nya. 

Ang cute nya. Sarap pisilin ng pisngi nya pero baka lalo kaming hindi magkabati. 

"Wala naman.. natutuwa ako kasi mahal ko.." sagot ko. 

"Matagal na kitang mahal.. ikaw lang.. tandaan mo yan.. ok?" sabi nya tapos niyakap nya ko. 

"Bati na tayo?" tanong ko. 

Hindi naman sya sumagot sa tanong ko pero naramdaman kong lalong humigpit yung yakap nya sa'kin. 


******************** 


:)

A Story of a Rape Victim [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon