"Hello po? Magandang araw? Sino po sila?"magalang kong tanong.

"Wow,galang natin ah."narinig ko ang nakakaloko niyang boses.

"Baliw! Anong drama mo at may pa-tawag-tawag ka pang nalalaman?"tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo ba ako tutulungan magluto?'sabi niya.

"Weh? Seryoso?! Magluluto ako?!"excited kong sabi.

"Ang sabi ko, tutulungan hindi ikaw ang magluluto."napabusangot naman ako.

"Alam mo? Panira ka.Epal mo. Eksena ka?!Ha?"nakakainis siya.

Dapat nga matuwa siya kasi matututo akong magluto eh.

"Bahala ka sa buhay mo!"sabi ko at binaba ang telepono.

Nakabusangot akong tumayo at naglakad nalang sa kung saan.

I-e-explore ko nalang 'tong bahay slash mansion niya.

Naglakad-lakad ako at nakita ko ang hagdan pataas kaya naman umakyat ako para makita ang itaas.Habang paakyat ako ay napansin ko ang mga litrato sa gilid ng hagdanna nakasabit. Mga picture ito na sa bawat hakbang mo sa hagdan ay may picture ng isang bata. Habang paakyat ako ng paakyat ay parang tumatanda rin ang bata at doon ko lang narealize na stages ito ng buhay ng bata kumbaga bawat hakbang ko ay malilipasan ako ang isang taon at isa pa. Nasa kalahati ako ng hagdan nang makita ko na familiar saakin ang binatang iyon kaya sa sobrang kuryusidad ko ay tinakbo ko ang hagdan hanggang sa makaabot ako sa dulo.

"25 steps" yun ang bilang ko bago ako makarating sa pinakadulo.

Tama nga ang hinala ko na si Ruslan ang batang nakita ko kung paano lumaki sa mga larawan kanina.

Ang gwapo niya sa picture na 'to. Nakasuot siya ng tuxedo at malinis na nakabrush up ang buhok niya. Medyo nakasideview siya kaya kitang-kita ko ang jawline niya at ang tangos ng ilong niya. Seryoso ang mukha niya roon at kung iisipin mo ay medyo intimidating siya tingnan pero ang kilos niya ay kabaliktaran ng impression mo sa picture na 'to.

Napatingin naman ako sa gilid nang tumunog ang telepono roon. Walang tao sa itaas at medyo madilim pala sa parte na ito kaya sa takot ko ay tumakbo ako pababa.

Wrong move.

Natapilok ako,sa itaas palang ng hagdan kaya bongga ang pagkagulong-gulong ko sa 25 steps na hagdanan na 'yun.

Sinubukan kong gumalaw pero sobrang sakit ng likod ko. Hindi ako makasigaw dahil parang naiipit ang lalamunan ko sa pag-inda ng sakit.

Ruslan?!

"F*ck! Izumi?!"napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"R-Ruslan?"mahina na ang boses ko dahil parang naiipit talaga ang boses ko.

"Sh*t! Don't move."sabi niya at dahan-dahan akong binuhat papunta sa sala at maingat na inilapag sa sofa.

Medyo natagalan pa siya dahil iniisip ang gagawin. No, alam niya ang gagawin. He's just worried kaya wala siya sa sarili.

"Ruslan? Think properly!"sabi ko para bumalik siya sa huwisyo.

"O-okay."sabi niya at napakurap-kurap.

Alam niya ang gagawin niya. Sinabi saakin ni Kuya Florenti na siya ang 'doctor' ng grupo kapag wala na silang choice. Nag-aral kasi siya sa med school ng dalawang taon kaya kahit papaano ay may alam siya about first aid.

Nakabalik na siya at may dalang mga kung ano-ano.

"Meron na kami nito sa penthouse dahil medyo habulin ng malas ang pinsan ko. Parang ikaw." sabi niya at tumawa pa. Kahit masakit ang likod ay nagawa ko siyang batukan nung umupo siya sa sahig.

"Masakit ah!"sabi niya at hinimas ang batok.

Dahan-dahan niya akong pinadapa at iniangat ang hem ng suot kong shirt.

"Kala ko ba nagluluto ka?" tanong ko sa kaniya at bahagyang umimpit dahil naramdaman kong may malamig na lumapat sa likod ko.

"Tapos na. But it can wait. Unahin natin tong pasa mo."sabi niya at seryosong ginamot ang likod ko.

Naramdaman ko ang kung ano-anong mga pinapahid niya doon.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang ginagamot ang likod ko,

"Masyado ka ng napopogian sa akin. Kanina ka pa nakatitig ah. Baka matunaw ako."biro pa niya.

"Baliw!"sabi ko nalang at ngumiti.

Seryoso na siya ulit habang nakatingin sa ginagamot niya.

This guy really deserve everything. Maalaga,mabait kaso bwisit minsan at feeling joker.

Pero yun ang nagustuhan ko sa kaniya. You heared it right. As weird as it may sound but yes,

Nagustuhan na talaga kita. My brain, my heart and my soul already likes you or should I say love you.

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon