Chapter 41

4.9K 86 11
                                    

(ERIS)

Apat na araw na simula ng dumating kami dito sa Pilipinas. Natapos na ang kaarawan ni Lola Lita kagabi. Nakilala na namin ni Lard ang mga ibang kamag-anak ni D. Nakahinga ako ng maluwag ng mainit nila kaming tinanggap ng anak ko sa pamilya. Nakilala na rin ni Lard ang mga pinsan niya, dahil sa papel isa siyang Alvero.

Alas-tres na at papunta kami ni Lard ngayon sa mall para i-meet ang Ninang Judy niya. Kahit wala noon si Judy sa binyag ni Lard ay isinali ko pa rin siya para maging Ninang. Wala naman akong sasakyan dito kaya ihahatid na lang kami D, gusto niya sana kaming samahan kaso may importante daw silang pagmi-meetingan tungkol sa  pag take over niya ng kumpanya nila.

Nang makarating kami sa mall, inihatid pa talaga niya kami sa restaurant kung nasaan naghihintay si Judy dahil gusto rin daw nitong makita yung tao.

Nang makita kami ni Judy na pumasok ay agad itong tumayo at kumekendeng na sinalubong ako ng yakap. His body is lean at malabot, walang kababakasan na galing ito sa pamilya ng mga military officer.

Sobrang higpit ng yakapan namin at para na naming matitiris ang isa't-isa. Na miss ko talaga ang baklitang ito. Hindi ko napigilang maluha dahil sa maraming taon ngayon ko lang siya ulit makakasama.

"Oh MY GOSH, miss na miss na kitang lokaret ka!" sabi nito at nagyakapan ulit kami. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao sa loob eh. Hindi pa nga sana kami titigil kung hindi lang ako kinalabit ng anak ko.

"Na miss din kita, oh ayan na ang hinihintay mo" sabi ko sabay hawak sa balikat ni Lard at iniharap ito kay Judy umupo naman ito para magpantay sila ng anak ko.

"OMG!, ang cute-cute mo talaga" sabi nito at niyakap at pinaghahalikan ang anak ko. Pinisil-pisil pa nito ang pisngi na ikinatawa naman ni Lard. Hindi talaga umaaangal ang anak ko kapag halik at yakap. He likes it.

"pasok muna kaya tayo" sabat naman ni D, na nakalimutan ko na dahil kay Judy.

"WOW! ang pogi mo lalo Daniel ha, bagay na bagay talaga kayo nitong frenny ko" sabi naman ni Judy.

Pumasok na kami sa loob at nag order na, si D ay umalis na din para sa meeting na dadaluhan niya.

Habang kumakain ay puro lang kami kwentuha about sa buhay namin, kung kamusta ako sa US, kung paano niya sinuway ang Lolo at Dad para hind maging sundalo. Sinubukan naman daw niya ang training dahil pinilit siya ng ama niya pero na kick-out daw siya dahil sinilipan niya ang mga sundalo doon. Sa tingin ko naman ay hindi lang silip ang ginawa ng gaga, at nang tanungin ko, aba hindi nga itinanggi. Tawang-tawa tuloy ako sa kalokohan niya. 

"After we eat, let's go to toy kingdom, Ninang will buy you toys" sabi nito sa anak ko. Agad namang kumislap ang mga mata ni Lard dahil sa sinabi ng Ninang niya. Napailing na lang ako, mukhang parehas sila ni D na gustong i-spoil si Lard.

Nagikot-ikot kami sa mall at kung ano-ano ang binili niya para kay Lard. Simula sa damit, sapatos, laruan at kung ano-ano pa. Kung hindi ko pa sinabi na baka hindi magkasya ang mga binibili niya sa bagahe namin ay hindi pa ito titigil. Gusto lang naman daw niyang bumawi sa paborito niyang inaanak. 

Hindi namin namalayan na alas-sais na pala at nag rereklamo na ang anak kong gutom na kaya humanap na kami ng makakainan. Hindi na rin kami susunduin ni D dahil gagabihin daw ito, mabuti na lang nag offer si Judy na siya na ang maghahatid sa aming mag-ina.

Busy si Lard sa pagkain at hindi kami napapansin ni Judy. Tinignan ko si Judy na parang may gustong sabihin pero may pumipigil sa kanya.

"What is it? Kanina pa kita napapansin, may gusto kang sabihin" sabi ko at sumubo ulit ng pagkain.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now