Chapter 4

11.8K 87 7
                                    

*Knock! Knock!

"Anak, bumaba ka na para makapag-agahan ka"  I can hear my Mama knocking on my door.

"Shit! anong oras na ba?" tinignan ko ang orasan sa night stand ko. Napabangon ako bigla dahil 6:00 am na. Alas siyete ang pasok ko. 

Bigla akong napabangon at patakbo akong nagtungo sa banyo para maligo. Bago pa ako makarating sa banyo napatigil ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko, para akong nakipag wrestling. Well, totoo naman, sa kama nga lang. Napangiti ako ng maalala ko kung gaano kami kainit kagabi. Napakahapdi din ng pagkababae ko at ang hirap maglakad ng maayos.

Wala pa ata akong 5 minutes ng matapos ako. Usually 20 minutes ako inaabot sa banyo. 

Kainis naman kasi si Jez, Pinuyat ako ng malanding yon. He didn't really stop until I can't even lift a finger. 

Gustong-gusto mo din naman!.

Ay nako naman magtigil ka brain.

Kahit gusto ko magmadali sa pagbaba sa hagdan. Hind talaga ako komportable sa paglalakad dahil mahapdi ang pagkababae ko at medyo nanlalambot ang mga legs ko.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa dining room. Nandoon na si Dad with his coffee. Si Mom naman naglalakad dala ang pagkain galing sa kusina and si Eros na nag ce-cellphone.

"Good Morning Ma, Pa" Hinalikan ko sila sa pisngi at nakipag fist bump naman ako sa kapatid ko. 

"Good Morning anak, sige na kumain ka na, baka malate pa kayo." Inilapag ni Mommy ang niluto niya bacon, meron ding fried egg and fried rice. Hindi din mawawala ang choco na gatas na paborito namin ni Eros.

Pagkatapos kumain nagtungo na kami sa sasakyan na maghahatid sa amin ni Eros sa school.

"Anak, bakit ka ganyan maglakad, may masakit ba sayo?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong ni Mommy.

"Ahh Mom, kasi kanina nadulas ako sa banyo, medyo late po ako nagising eh kaya nag madali po ako kanina" Please Mom maniwala ka. 

"Hay naku!, sa susunod kasi mag-iingat ka, paano na lang kung mali ang bagsak mo at mabagok yan ulo mo"  Rinig ko ang pag-aalala ni Mommy sa boses nya.

" Yes Mom" I said bago ako humalik sa kanya at ganun  din ang ginawa ni Eros bago kami sumakay sa kotse. Ibang kotse ang gamit ni Dad dahil ibang way ang papunta sa office nya.

Hindi ako sobrang close kay Mom at kay Dad, sakto lang, naiinis din ako minsan dahil kapag nandiyan yung mga amiga o kaya ibang politician ay pabababain talaga nila ako para ipagyabang. Sobrang papuri ang lagi kong natatanggap like, mabait, matulungin, matalino,maraming awards sa school, hindi gala, walang bisyo hindi katulad ng karamihan sa kabataan ngayon. 

Hindi nila alam kung anong mga pinag-gagagawa ko sa buhay ko. Sobra din silang higpit para daw hindi ako magkamali dahil baka masira ang pangalang iniingatan nila. Pakiramdam ko isa akong robot na kailan lahat ng sabihin nila ay susundin ko.



Nakita kong nakaupo na si Jez sa upuan niya, pumasok na ako.

Tinignan lang niya ako saglit at nakipag-usap na kay Kiel na kasamahan niya sa Basketball.

Dito sa school, alam nilang kahit magbest-friend kami pero laging nagbabangayan, laging magkakompitensya at laging taliwas sa isa't-isa, kaya nagtataka mga kaklase at guro namin kung paano kami naging mag-bestfriend. 

"Oh Pres., bakit ka ganyan maglakad?" Tanong ni Rhian.

"Ahh wala ito, natapilok lang ako kanina kamamadali, ayoko ko kasi malate" Itinigo ko ang kabang nararamdam ko dahil tinitigan niya ako at tumingin sa sapatos na suot ko, parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko dahil 1 inch lang naman ang takong ng sapatos ko. 

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now