Chapter 8

8.3K 87 8
                                    

**

Play niyo yung video para feel na feel. 

Title': Good Enough by Little Mix

Enjoy. 


(Jez)

After ko maihatid si Eris sa kanila, pag-pasok ko pa lang sa bahay nakita ko na ang kapatid kong si Jeff sa sala kasama si Dad. College na siya at binigyan siya ng condo ni Dad na malapit sa University na pinapasukan niya. Weekend lang siya umuuwi dito.


"Oh nandiyan na pala ang kapatid mong bulakbol, hindi man lang umuwi kagabi" sabi ni Dad at masama ang tingin sa akin.

Sakto naman na dumating si Mom galing sa kusina at may dalang meryenda.

"Oh saan ka nanggaling? Buti naisip mo pang umuwi!" sabi ni Mom. Inilapag nito ang meryenda sa lamesahan at ngumiti kay Kuya.

"Meryenda ka na Jeff, masarap yan ako nagbake niyang cookies, alam ko kasing uuwi ka eh" malambing na sabi ni Mom at saka ginulo ang buhok ni Kuya.

Tang'na nakakainggit. Sana kasi ako din.

Aakyat na sana ako at lalagpasan na sila nang magsalita na naman ni Dad.

"Sa susunod kung hindi ka uuwi, magsabi ka naman kung babalik ka pa o hindi na para sa susunod ipapaempake ko na yung mga gamit mo." Dad said at dinuro pa ako.

"Hindi ako nagbulakbol Dad, nag group review kami sa bahay ng kaklase ko para sa final exam namin" Sabi ko pero ang tingin ni Dad sa akin ay hindi siya naniniwala.

"Group review ka pang nalalaman, lagi ka namang 2nd place, hindi mo gayahin ang kuya laging 1st yan noong highschool, valedictorian noong grumaduate, eh ikaw talo ka na naman niyang bestfriend mong si Eris!" sabi ni Dad at proud na proud pa siya habang sinasabi anga achievement ni Kuya.


"Oo nga, naiinis na ako sa nanay ng kaibigan mo laging pabida!, laging ibinibida yung anak niyang hindi mo malagpasan" sabi ni Mom.

Sana kasi Mom ibida mo din ako, 2nd place naman ako, sa tingin ko sapat naman na yon kumpara sa iba na walang place pero naipagmamalaki naman ng mga parents nila dahil pumasa na. 

"Ginagagawa ko naman yung Best ko!" sabi ko at tinignan silang tatlo. Medyo napataas na din ng konti ang boses ko dahil naiirita na ako, kulang pa ako sa tulog gusto ko na lang umakyat para hindi ko na marinig ang mga panghahamak sa akin.

"Pwes! Hindi pa rin sapat!" matigas na sabi ni Dad.

Nakakairita na, nakaka-pressured na, at ang sakit-sakit na. Marinig lang sa mga magulang ko ang mga salitang ganon, sobra-sobra na akong disappointed sa sarili ko dahil hindi ko magawa yung gusto nila. 

Imbis na encouragement ang marinig ko puro salitang lalaong nagpapababa ng tingin ko sa sarili ko. Lagi nilang ipinapamukha na kulang pa, na dapat galingan ko pa, dapat katulad ako ni Kuya. Gusto ko lang naman marinig kahit isang beses na proud sila sa akin, dahil ginagawa ko naman ang Best ko, pero para sa kanila kulang pa din.

Yumuko na ako para hind nila makita na nasasaktan ako. Umakyat ako sa kwarto ko at ini-lock yon.

Humiga ako sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Biglang pumasok sa isip ko si Eris.

Eris, kailangan ko si Eris. Siya lang nakakaintindi sa akin.

Agad akong nagtungo sa veranda ng kwarto ko at duon dumaan para makaalis sa bahay. Nagtungo ako sa kabilang bahay at inumpisahang akyatin ang veranda ng kwarto ni Eris.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt