Chapter 25

4.7K 77 11
                                    

(JEZ)

Alas kwarto y medya na ng umaga ng magising ako. Tumingin ako sa tabi ko at pinagmasdan ang mukha ni Eris na mahimbing pa din ang tulog. Hinalikan ko  ito sa noo bago bumangon. Alam kong wala pang umagahan dahil tulog pa si Eris. Okay lang naman dahil napuyat siya, hindi siya nakatulog ng maayos dahil naglulumikot si Baby. Usually kasi, bago ako magising nasa kusina na si Eris naghahanda ng umagahan para bago ako umalis makakain ako.

Mabilis akong nagtungo sa banyo para gumayak. Bago dapat mag-alas singko nasa palengke na ako. Magbubuhat ako ng bundle-budle na gulay. Ito lang ang pinagkakakitaan ko ngayon, pinakiusapan ko lang naman si Mang Kaloy dahil nga wala akong mahanap na trabaho dahil 17 years old pa lang ako.

Nagtungo ako sa kusina para sana magtimpla ng kape, pampainit man lang ng sikmura pero ng tignan ko ang garapon ng asukal, ubos na pala. Tinignan ko ang lagayan ng itlog para sana magprito ng isa kaya lang isang piraso na lang iyon, walang kakainin si Eris kapag niluto ko para sa akin.

Lumabas ako ng kusina at napabuntong hinanga na lang. Kumuha ako ng bimpo para makaalis na.

Bago pa ako makalabas ng compound namin, nasira naman ang sapatos ko. Tang'na! Tinanggal ko ito at tinignan, pudpod na ang ilalim nito, ngayon naman bumuka na naman, nilagyan ko lang ito ng rugby dahil wala pa akong pambili ng bago. Limang buwan ko na itong ginagamit, ito na suot kong umalis lang ang meron ako. Hindi katulad noon na mayroon akong collection ng mga sapatos na pwede kong isuot ng halinhinan bawat araw. Bumalik na lang ako sa bahay para mag tsinelas na lang, kahit masakit sa paa kapag nagtratrabaho.



"Oh Jez, nandiyan ka na pala, parating na yung mga truck na may lamang gulay" sabi ni Mang Kaloy.

Lumapit ako sa kanya at sa mga kasamahan namin na magbubuhat. Lahat kami dito mahirap, nangangailangan ng pera. Hindi sapat ang kinikita ko dito sa pagkakargador na tatlong daan lang kada araw. Kaya minsan kahit ayaw ni Eris, suma-sideline ako doon sa construction malapit sa amin. Taga buhat ng hallow-blocks, taga halo, taga tulak at taga abot ng kung ano-ano.

"Oh pandesal, kuha ka" sabi ni Mang Kaloy at inilahad sa akin ang lalagyan na may pandesal. Hindi naman ako tumanggi, kailangan magkalaman ng kaunti ang tiyan ko dahil sigurado banat na naman ang katawan ko maya-maya. Kailangan ko ng lakas.

Ang hirap. Sobrang nahihirapan na ako, pero kailangan kong magtiis para sa mag-ina ako. Nagsasakripisyo para may maipon akong pera, lalo na at malapit ng lumabas si Baby, kakailanganin namin ng pera para sa ospital, sa mga kailangan ni Baby. Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng anak ibibigay ko ang the best para sa kanya, pero ngayon tang'na!!, ni hindi ko pa mabilihan ng mga lampin at damit ng bata na gagamitin niya.

Tatlong taon lang Jez, kaya mo ito para sa anak mo at sa babaeng mahal mo.

Oo, babaeng mahal ko, na realized ko ito ng pinalayas kami. Nasasakan ako sa tuwing nasasaktan siya. Gusto ko lagi siyang masaya. Gusto ko siyang protektahan. Hindi ko pa man naaamin sa kanya dahil natatakot akong hindi niya masuklian ang nararamdaman ko. Ayaw ko naman mag assume pero nararamdaman kong mahal din niya ako. Gusto kong sabay naming buoin ang magiging pamilya namin.

Dumating na ang truck na may lulan na mga gulay kaya inumpisahan na namin ang pag-uunload.

Hindi naman na ako masyadong nahihirapan sa pagbubuhat, nasanay na din. Noong una talaga, sobrang sakit ng mga braso ko. Nabugbog ang balikat ko at napilayan pa. Hirap na hirap akong mag adjust dahil hindi naman ganito ang nakasanayan ko. Mabuti na lang nandiyan si Eris para alagaan ako at bigyan ng massage.

Pagkatapos naming mag-unload ng mga gulay. Pinatawag na kami ni Mang Kaloy para ibigay ang sahod namin ngayon. Medyo masakit ang braso at balikat ko ngayon dahil mga malalaking kalabasa at upo ang karamihan sa bundle.

"Oh, eto sahod mo Jez, sa sususunod na araw ulit angkat ng gulay" sabi ni Mang Kaloy at iniabot sa akin ang tatlong daan.

"Mayroon nga palang mga na damage na gulay roon sa gilid kumuha ka nang iuuwi mo"

"Maraming salamat Mang Kaloy, hindi ko tatanggihan yung mga gulay" sabi ko at nagtungo na sa ilang bundle ng gulay.

Tang'na! hindi ko inakalang mag-uuwi ako ng mga reject na gulay para kainin namin. Hindi naman sa nag-iinarte ako, nakakafrustrate lang dahil nandito kami sa sitwasyon kung saan sobrang hirap na hirap at awang-awa ako sa amin. Hindi ito ang pinangarap kong buhay ko at buhay ng magiging pamilya ko.


Dala ang mga gulay, nag-umpisa na akong maglakad pauwi. Hindi ako sumasakay para na rin makatipid, kulang 40 minutes lang naman ang lalakarin ko bago makauwi sa bahay. Sakto bago mag tanghalian, nakauwi na ako.

Bago ako makaliko sa isang kanto nakarinig ako ng isang busina ng sasakyan sa may likuran ko, kaya naman tinignan ko ito. Huminto ang sasakyan at bumaba ang tatlong lalaki. Mga ka-batch ko sila.

Nakangiti ang mga ito sa akin na may pang-uuyam. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Napayuko ako dahil sa hiya at doon ko napansin na madumi ang mga paa ko, dahil naka tsinelas lang naman ako.

"Look, who we have here, the mighty son of one of the known CEO in the country HAHA" sabi ni Brian at tumawa

"Tignan mo nga naman, tsk tsk anong nanyari sayo lover boy? Naghihirap ka na ba?" tanong naman ng isa na si Gael. Alam kong sila ang mga bully sa school.

"Kailangan mo ba ng tulong? HAHAHA" tanong naman Leo

Tinignan ko lang sila, at tumalikod na para umalis. Pangkukutya lang naman ang nakikita ko sa pagmumukha nila. Walang kwenta kung makikipag-usap ako sa kanila. Hahamakin lang naman nila ako dahil sa sitwasyon ko ngayon.

"Hoy! kinakausap pa kita, mukhang naghihirap ka na ah, wala ng suporta ng Daddy eh HAHAHAHA" sabi ni Brian

Lumingon ulit ako sa kanila at tinignan sila ng masama, wala talagang matinong magawa sa buhay.

"Ano bang pakialam nyo!, kung wala naman kayong magandang sasabihin umalis na kayo!" matigas kong sabi.

Napatingin ako kay Leo ng maglabas ito ng wallet at kumuha ng ilang libo.

Iniaabot niya sa akin ang mga pera. "Oh eto, tulong namin sayo, napasaya mo kami ngayon eh HAHAHA, tanggapin mo  na, nakita ka namin na nagbubuhat ng mga gulay, sigurado maliit lang sahod mo doon at kailangan mo ng pera" sabi nito at nginisihan muna ako bago ilagay ang mga pera sa palad ko.

Isinauli ko sa kanya ang mga pera. "Hindi ko kailangan ng pera mo!" sabi ko nagsimula na ulit maglakad pauwi. Hindi pa ako nakakalayo sa kanila ay naramadam kong may ipinasok ang mga ito likod ng damit ko. Nang humarap ako sa kanila ay pasakay na ang mga ito sa kotse.

"Tulong namin sayo, hampaslupa! HAHAHAHAHAHAHA" sabi ni Gael at nagtatawanan pa silang pumasok sa kotse at umalis.

Putang'na! Nakakainis!!

Gusto kong magwala dahil sa inis at galit sa tatlong iyon pero mas nangingibabaw ang awa sa loob ko. Awang-awa ako sa sarili ko. Nahihiya ako, sobrang natapakan ang ego ko. 

Putang'ina talaga! Nahulog ang mga pera sa sahig. Tinitigan ko lang ang mga eto, ayaw kong kunin pero bakit hindi, hindi naman kami mapapakain ng pride ko. Kinuha ako ang mga pera na nasa 8k, wala akong paki-alam kung napahiya ako at natapakan ang ego ko. Malaking halaga ito at hindi ko ito kikitain ng basta-basta lang. FVCK MY PRIDE! 

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now